Chapter 24

29 10 0
                                    


Let go


"Pa! Look nagkaputik yung shoes mo oh!" Ani ko at tumawa. Tumawa nang malakas si Jaycee kaya pinagtinginan siya ng ilang turista.


"Jerick, here wipes." Ani ni mama at binigay kay Jerick ang wipes. After namin mamitas naghanap na kami ng makakainan.


"Pa, sabi dito pinaka famous daw na resto dito is yung Hill Station," Ani ko. Wala kasi kaming mahanap na makakainan. "Ito pa oh sabi sa Casa Vallejo daw Upper session road." We follow the google map until we reach the Hill Station. Hindi ganun karami ang mga tao. We ordered their best sellers I also ordered an ice-cream palette.


"Masarap?" tanong ni Jerick sa tabi ko.


"Masarap naman, ito oh." Ani ko at binigay sa'kanya yung ice cream. After namin kumain ay pinuntahan pa namin ang iilan pa na sikat na pasyalan sa Baguio. Pumunta kami sa Burnham Park at naglakad lakad. Maraming tao rito syempre Burnham Park 'to eh. Mga ala-singko ng hapon bumyahe na kami pauwi sa QC. We traveled for 3 hours and in that 3 hours we just sleep.


"Mag-o-order nalang kami ng papa niyo sa KFC." Ani ni mama at tumango lang kami. Umakyat muna ako sa kwarto kasama si Billie, naiwan yung bagong dalawang aso na binili ni papa na si coco at cally. Humiga ako sa kama at umidlip saglit. Ginising ako ni Jaycee nang dumating na ang pag-kain. 


"Ate, kanina pala pumu---" Nahinto ang pagsasalita ni Jaycee ng pigilan ito ni Jerick.


"May pumunta dito ate pangalan Liam, sabi ko tulog ka kaya umalis nalang siya." Ani ni Jerick at tiningnan ng masama si Jaycee.


"Huh? Bakit daw?" Tanong ko habang papunta sa kusina. Hindi sumabay sa'min sila mama dahil busog daw sila.


"Ewan ko." Jerick shrugged and he starts eating na. Nag start nalang din ako kumain habang si Jaycee ay may kausap.


"Oo na, bukas pupuntahan kita dyan," Ani niya sa selpon. 


"Is that Malia?" Bulong kong tanong kay Jerick sa tabi ko.


"It's Malia." Ani ni Jerick at kumain na. Pagtapos kumain ay tinapon ko sa labas ang mga basura at papasok na dapat sa loob ngunit may tumawag sa'kin.


"Trix!" Kilala ko ang boses na 'yun at ayaw ko itong harapin. Tuloy tuloy lang ako sa pagpasok ng bahay at dumiretso sa kwarto. Natulog na din ako dahil may pasok na kinabukasan.  

Dalawang taon ang nakalipas ay lumipat ulit kami ng bahay sa Cavite dahil may nabiling lupa si papa doon. Patuloy pa rin ang pag lago ng Vet Clinic pati na rin ang iba pa naming business. Lumipat din ako ng university which is sa National University. Every weekend umuuwi ako sa Cavite.


"Trix, kamusta na." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Dave. Last year sumali si Dave sa isang singing competition sa TV and siya ang champion pagtapos nun nagtuloy tuloy na din ang pag - sikat niya. May mga naka trabaho na nga din siyang bigating mga artista.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now