Chapter 18

37 12 0
                                    


Clinic


Dumaan ang isang linggo at umuwi nalang kami sa maynila kasama sila lola at lolo. Patuloy parin sa pagiimbestiga yung mga pulis doon sa probinsya. Habang naglalakad kami ni Ralph papasok ay nagsalita siya.


"Did you miss me?" Tuwing nasa school nalang kami nakakapagusap dahil sa mga problema namin. 


"Ofcourse, i miss you." Ani ko sakanya. Idagdag mo pa ang pagkalugi ng clinic dahil sa bagong bukas din na clinic sa tapat ng pwesto ni papa.


"Labas tayo mamaya?" 


"Love, sorry pero.." I can't be with him today. "I want to go out with you, but walang magbabantay kila lola."


"I understand." Aniya at habang naglalakad papunta sa room. Nang magring ang bell ay umalis na ako. May groupings kasi sila Ralph kaya humiwalay nalang ako sakanya. Habang kumakain magisa sa cafeteria tinext ako ni papa.

Papa: Trix! Nasusunog yung clinic!


What the?! Sunod sunod ang problema na dumadating samin ha. Nireplyan ko si papa na hindi ako makakapunta kaagad dahil may quiz kami sa next class. Matapos ang klase ay dumiretso kami nila Jerick at Jaycee sa clinic. Pagkababa namin ng trycicle ay tumabad samin ang clinic. 


"Pa! Anong nangyari dito?" Tanong kaagad ni Jerick. Hindi naman ganoon kalaki ang napinsala pero marami paring bumbero.


"Pagpunta ko dito nasa labas na yung mga tauhan ang sabi nasusunog daw yung opisina." Ani ni papa. 


"Bakit naman masusunog eh wala naman kayong mga iniwan na nakasaksak na gamit doon diba?" Tanong ko naman.


"Iniimbestigahan pa ng mga pulis kaya wag na kayo magalala." Tumango nalang kami sa sinabi ni papa. Ilang sandali pa kaming naghintay at kinausap na si papa ng pulis.


"Sir, we found this." Pinakita ng isang pulis ang isang takip ng bote. 


"Ano po yan sir?" Tanong naman ni Jaycee sa pulis.


"Also sir may nakita din po kaming bote amoy gas po iyon." Sabay pakita ng isang bote. So it means may nagsunog!


"Sino naman kaya ang gagawa nito?" Ani ni mama. Sino ang may gawa nito? Bakit kami ang trip niya?


"Ron." Tanging sagot lang ni papa. "Kasalanan to ni Ace eh."


"Papa, calm down." Pagpapakalma namin kay papa. Kung sino man yung Ron na yun sana makarma siya! Umuwi nalang kami nila Jaycee at Jerick sa bahay. Habang naglalakad kami papunta sa bahay ay may humila kay Jaycee.


"Ate!!!" Sigaw ni Jerick. Agad naming hinila ni Jerick si Jaycee. Sadyang malakas ang lalaki pero pinilit parin namin ni Jerick.


"Trix! Anong nangyayari!" Narinig ko ang boses ni Dave sa likod namin.


"Dave! Tulong may gusto kumuha kay Jaycee!" Nagulat ako ng may sumuntok sa lalaki. Nagulat kami ng may kinuha na knife si kuyang panget. Kinuha ko ang selpon ko and try to text papa but lowbat na ako. Buti nalang at kinagat ni Jaycee yung lalaki.


"Takbo dali!" Tumakbo na kami papunta sa bahay namin. Nang makapasok sa bahay ay wala na yung lalaki. 


"Muntik na kayo doon ha." Ani ni Dave at mukhang hingal na hingal din. Uminom nalang ako ng tubig at umakyat sa kwarto.  Sino kaya yung lalaking yun? Bakit niya gusto kunin si Jaycee. Buti nalang at hindi umiyak si Jaycee. Bumaba muli ako at nakita ko si Dave na mukhang hiningal.


"Dave mamaya maya ka na umuwi at hintayin mo muna sila mama para maihatid ka din ni papa." Ani ko sa pinsan.


"Magagalit sakin si lola, pinapabili ako ng pan de coco eh!" 


"Ba't di mo kaya i chat si Jean noh! Tapos sabihin mo yung nangyari samin!" Pagalit kong saad. Tumango nalang si Dave at sumunod sa utos ko. 


"Pupunta daw dito sila papa." Ani ni Dave at lumabas ng bahay. "I lock niyo tong gate ha!" 


"Dave saan ka pupunta!?" Sigaw ko kahit nakalayo na siya. Ni lock namin ang gate at nagstay nalang kami sa loob ng bahay. Kumalma na din si Jaycee.


"Jaycee, okay ka lang ba?" Tanong ko dito. Tumango lamang siya at nanuod nalang muli ng movie. Habang nanonood ay dumating sila tita Lucy. Hindi nakapunta sila tita Rich dahil umalis daw.


"Okay lang ba kayo, Trix?" Natatarantang tanong ni tita Lucy.


"Okay lang po kami tita." Ani ko at nginitian si tita. 


"Asan ba sila Kuya?" Tanong naman ni tito Lance.


"Nasa clinic pa'rin pi tito." Sagot naman ni Jerick. Tumango si tito at pumunta sa garahe. Pumunta naman si tita Lucy sa sa kusina at nagluto ng makakain. Nang gumabi ay umuwi na sila tita at dumating na din sila mama.


"Jaycee, Jerick, umakyat muna kayo sa taas." Seryosong saad ni papa sa dalawa. Tumango ang dalawa at umakyat na.


"Trix....." Di ko alam pero medyo na nenervous ako kila mama at papa. "Pupunta muna kami ng papa mo sa ibang bansa dahil naaksidente daw sila Ace." Nagulat ako sa sinabi ni mama. 


"Wait, what!?" Naguguluhan kong tanong.


"Naaksidente sila. And they need us there. Sakanila Lance muna kayo tutuloy nila Jerick simula sa sabado. Ani ni papa at umalis sa hapag. Hindi parin nag sisink in sa'kin yung narinig ko. Unti unting tumulo ang aking mga luha. 


"Micha, tito Ace, tita Alexa. What happened?? Agad akong umakyat sa kwarto at umiyak. Kinabukasan dahil sabado na nga lumipat na kami kila tita Lucy. Umalis na din sila Papa. Habang kumakain ay tulala lamang ako.


"Trix, lalamig na yang pagkain mo." Bumalik lamang ako sa katinuan ng tawagin ako ni tita.


"A-ah opo tita kakain na po." Ani ko at kumain na. Nang matapos kumain ay nagtambay lang ako sa balkonahe ng bahay nila tita at tiningnan ang mga bituin na nasa langit. Nanlaki ang mata ko ng may makita akong isang shooting star. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at humiling. "Micha." Bulong na sabi ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto namin nila Jaycee.


"Ate, kailan uwi nila papa?" Tanong sa'kin ni Jaycee habang nakatingin sa kisame.


"Di ko alam. Siguro next week? Matulog ka na nga lang." Ani ko kay Jaycee at pinatulog na ito. Hindi pa rin ako tinatamaan ng antok pero pinikit ko nalang ang mata ko at pinilit na matulog. I wish, na sana maging ayos lang sila mama, papa at sila tito sa U.S. Napangiti nalang ako at nakatulog na.


Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now