Chapter 9

42 16 0
                                    

See you

"Nasan yung kapatid mong si Eli Rocess?" Mataray kong tanong dito habang nakatunganga lang si Dave sa gilid.

"Wala akong kapatid, iisa lang akong anak." Malamig niya muling sinabi. Weh?

"Asan na kasi yung si Eli Rocess ha? Siya lang naman yung hinahanap ko eh."

"Trix, tama siya wala siyang kapatid." Ani naman ni Dave.

"Wag mo sabihing nababakla ka sa isang to! Hindi nga to gwapo eh maputi lang siya!" Ani ko dito. Well, gwapo naman siya but hindi ko siya type.

"What the hell Trix. Kilala ko si Ralph wala talaga siyang kapatid." May halong pandidiri niyang sinabi. "And diba nga bakla si Ashton, paano naman yun magkakagusto sa babae diba, di ka din nag-iisip Trix eh." Ani ng aking pinsan. Gosh, kadiri naman kasi eh.

"So anong kailangan mo sakin, Baby." Ani nung Ralph. Abot tenga ang ngisi niya. Nakatingin ng masama sakanya si Dave.

"Fuck you!" Madiin kong sinabi sakanya.

"Dave ano ba naman tong pinsan mo ang sama naman ng bibig nito." Ralph said sarcastically. I looked at him badly.

"Gosh, magkakagusto si Ashton sa isang to? Really?" I said sarcastically.

"Yung totoo miss gusto mo ba ako ha?" Nagulat ako sa sinabi ni Ralph. "Pagusapan natin to. Hintayin mo lang ako dito, Baby." Aniya sabay talikod sakin ng may suot na ngisi.

"Trix, maiwan na kita may usapan pa kami ni Chynna eh." Ani ni Dave at umalis na. What the fuck?

"Baby, asan na si Dave?" Malambing tanong nung Ralph. Kadiri naman to ang feeling.

"Pwede ba, stop calling me Baby!" Reklamo ko dito natawa lamang ito. Hindi ako makapaniwala hinintay ko ba siya? Ahh shit. He just mocked what I said to him.

"Saan ba tayo pupunta tsaka ano yung paguusapan natin?" Tanong niya.

"Bobo ka ba ikaw yung nagsabi sa akin na may sasabihin ka diba!" Gosh, He's so annoying talaga.

"Grabe ka naman sakin." He act like he was hurt, he put his hand on his chest and act like he was hurt.

"Pwede ba magseryoso ka naman!" Ani ko dito.

"Seryoso naman ako sayo ah." Ani nito sabay ngisi. What the hell.

"Hoy Patricia Min! Aba anong ginagawa mo dyan at may kaharutan ka pa?" Sigaw ni Geny sa malayo. Kahit kailan talaga anlakas ng boses ng babaeng to talaga. "Uyy, Hi Ralph." Ani nito kay Ralph. Magkakilala sila?

"Magkakilala kayo?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Obvious ba." Sabay nilang sinabi.Tss.

"Halika ka na nga samahan mo ako sa Faculty may pinapautos kasi sakin eh." Ani ni Geny sabay hila sakin. "Bye na Ralph!" Sigaw ni Geny ng nasa malayo na kami. "Anong pinaguusapan niyo ni Ralph? Chika mo naman sakin." Ani ni Geny.

"Bakit ko naman sasabhin sayo ha? It's not important okay, tsaka siya yung crush ni Ashton." Yung baklang yun. Kadiri talaga.

"What!?" Gulat na tanong ni Geny. "Alam mo ba crush ka nun ni Ralph." God Geny tingin mo maniniwala ako sayo? Well I find him attractive but no way.

"Shut up, ano ba kasing inutos sayo ha?" Tanong ko dito. Bakit ko ba to naging kaibigan?

"Actually wala talagang inutos sakin. Magpapasama lang sana ako sayo para puntahan natin yung bago kong crush sa building ng mga seniors." Ani ni Geny. May bago nanaman siyang crush? Ang harot talaga ng babaeng toh.

"So sino nanaman ang bago mong crush ha?" Tanong ko dito.

"Ba't ko naman sasabihin sayo, baka agawin mo lang eh." Aniya at umirap.

"Ako pa talaga ngayon ang mang aagaw ha?" Natatawa kong sabi sakanya. Nang makarating kami sa building ng seniors ay tinuro na ni Geny kung sino yung crush niya. "Wait diba si Mateo Cuevas yan, siya yung nasa Top palagi diba? Also siya yung Boyfriend ni Ayanna Jewel Blake, Grabe ka naman sis may boyfriend pa yung tao oh." Ani ko kay Geny.

"May girlfriend pala siya?" Nagtatakang tanong ni Geny.

"Hindi mo alam? Matagal na sila eh yun yung sabi ni Micha sakin, kaklase niya kasi yung kapatid ni Jewel." Pagpapaliwanag ko dito.

"Badtrip naman buti nalang andyan pa si Sebastian yung Grade 10." What the??

"Yung totoo may listahan ka ba ng mga crush mo ha?" Tanong ko dito. Tumango siya sakin at natawa. "Ang harot nito, penge naman ako ng isa oh." Ani ko dito.

"Si Ralph mabait naman sya eh." Natahimik ako ng sabihin niya ang pangalan nung Ralph nayun.

"May schedule na ba para sa Recognition?" Pagbabago ko ng Topic.

"Wala pa pero diba next month nayun?" Tanong din ni Geny. Tumango ako sakanya at hinila na siya paalis dun dahil may klase pa kami."Ay sis binigay ko din pala kay Ralph name mo sa Facebook.Hehehehe." Nagulat ako sakanya.

"Yung totoo Geny bakit mo naman binigay sakanya ha?"

"Boba ka ba kahit hindi ko ibigay name mo sakanya pwede niya parin naman isearch yung pangalan mo. Tanga naman nito." Tinampal ko ang braso niya at hinila nalang ulit siya. Late na tuloy kami sa klase naming buti nalang mabait yung teacher namin. Matapos ang klase ay hinintay ko si Dave sa may Pathwalk ngunit iba ang lumapit sakin.

"Am I the one you're waiting for? Baby?" tanong ni Ralph.

"Ikaw nanaman and ofcourse no, si Dave ang hinihintay ko." Ani ko dito. Asan na ba kasi si Dave ha? Lintek naman na yan oh!

"Ahh umuwi na pala si Dave ang sabi niya din sakin ihatid daw kita sainyo pagpauwi ka na daw." Gosh, pinsan ko ba talaga si Dave? Bakit niya ako iniwan sa isang to.

"No thanks ako nalang ang uuwi." Mataray kong sinabi sakanya.

"Iuuwi po kita sa ayaw at sa gusto mo." Ani ni Ralph at hinila na ako palabas ng school.

"Pwede ba bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko sa hawak niya ngunit masyado siyang malakas. "Tsaka andun pa si Jerick yung kapatid ko!"

"Magkasabay silang umuwi." Aniya patuloy parin sa paghila sakin. Hindi na lamang ako nagpumiglas sa hawak niya sakin. Huminto siya sa tapat ng isang bahay.

"Ito bahay namin kung gusto mo pumunta welcome ka samin." Aniya at hinila na muli ako. Nang makarating kami sa bahay ay binitawan niya na ako. Nang nasa gate na ako ay may sinabi siya muli.

"Hindi mo ko papapasukin?" Aba ang kapal naman nang mukha nito ha.

"Uyy Ralph pasok ka lika dali." What the? Kilala siya ni Papa?

"Ahh salamat nalang po tito pero uuwi na din po kasi ako." Kanina gusto pumasok tapos ngayon may gagawin bigla? Napakagaling.

"Ganun ba oh siya sige maiwan ko na kayong dalawa dyan." Ani ni Papa at pumasok na sa bahay.

"Bye na, kita nalang tayo bukas Baby." Natatawa niyang sinabi at umalis na.

"See you, panget." Sigaw ko kahit alam kong nakalayo na siya.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now