Chapter 11

42 15 0
                                    

Summer


Dumating na ang araw ng recognition namin. Si Mama at Papa ang aakyat sa stage kasama ako. Since recognition lang naman ako nalang ang nagmake up sa sarili ko ng mag alas-dose na, bihis na din si Mama at Papa pati si Jerick isasama din namin si Jaycee. Matapos kong magayos ay umalis na kami ng bahay at pumunta na ng school.

"Ganda natin dyan sis ha." Puna ni Geny sa picture naming dalawa."Sana kaklase parin kita pag grade 9 na us." Maarteng sabi ni Geny.

"Saan kayo mags-summer sis?" Tanong ko kay Geny .

"Sa ibang bansa daw. Pupuntahan kasi naming relatives naming doon." Ani naman niya. Ibang klase talaga to kapag summer ha. Well nakapunta naman na kami ng ibang bansa pero, bahala na nga. "Eh kayo saan kayo mags-summer?" Tanong naman sakin ni Geny.

"Siguro sa Samar, pinapauwi din kasi kami ng mga grandparents namin doon." Ani ko sakanya. Umupo na kami sa upuan kung saan kami nakaassign. Pagkaupo namin ni Geny ay nagchikahan muna kami.

"Sis may tanong ako sayo." Ani ni Geny.

"Ano yun?"

"Cute ba ako?" Natawa ako sa sinabi niya. Nakatingin lamang siya sakin seryoso ang mukha niya kaya nagseryoso ako.

"Syempre cute ka noh.Sino nagsabing hindi?Uupakan ko." Ani ko sakanya.

"Si Ralph kasi epal!" Aniya.

"Palagi naman yung epal eh.Tss."

"Bakit ba galit na galit ka kay Ralph eh mabait naman yun." Sabi ni Geny. Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon nalang ang pansin sa program. Hindi na din ako pinansin ni Geny.

"Ralph Eli Rocess, first place in News writing at Division School Press Conference." Ani ng MC. Wow, isa din pala siyang journalists. Nagpalakpakan ang mga tao kay Ralph. Well, journalists din naman ako hindi lang talaga ako nanalo, also hindi din siya nanala sa RSPC. Nakipagkamayan pa si Ralph sa mga teacher bago bumaba ng stage.

"Patricia Min Lopez, first place in MTAP, Division level." Ofcourse may award din ako syempre. Nanalo kasi ako sa division ng MTAP, hindi ko din maitatanggi na magaling talaga ako sa Math. "Ralph Eli Rocess, first place in Science Quiz Bee, Division level." So nanalo din pala siya? Grabe naman to hakot award ata to eh. Sabay kaming bumaba ng stage pagkatapos nun.

"Congrats sayo." Pagbati ni Ralph sakin habang pabalik kami sa mga upuan namin.

"Congrats din sayo." Ani ko sabay pekeng ngiti. Naghiwalay na din kami ng marating na naming ang mga upuan namin. Unang binigyan ng certificates ay ang mga Grade seven, sila Jerick at Charm. Pagtapos nila ay kaming mga Grade 8 naman at mga Grade 9. Nang matapos ang program ay dumiretso kami nila Mama sa isang restaurant kung saan kami magdidinner sinama din nila Papa sila Ralph,Arghh. Habang nasa sasakyan sila Charm,Dave,Jerick at Ralph ang naguusap habang ako ay nakatingin lang sa labas.

"Chaks, antahimik mo dyan ha."Ani ni Charm.

"May iniisip lang ako." Nakatingin parin ako sa labas. Nagpatuloy lang sila sa paguusap hanggang sa makarating kami sa isang mamahaling restaurant sa Mall. Since nagpareserved na sila Mama pinapasok na kami at iginaya sa lamesa na nireserve.

"Pa, lasagna lang sakin." Ani ko kay Papa. Tumango siya at binigay na ang order ko, ganun din ang order ni Charm iba lang sa boys. Nang dumating na yung pagkain ay kumain na kami, marami ding inorder sila Mama at parents ni Ralph kaya naman kuha lang din ng kuha sila Charm doon.

"Sis, sana sa Quarry tayo magswimming pag nasa samar na tayo." Ani ni Charm.

"Kung pumayag sila Lola at Lolo." Alam ko naming papayag sila Lola pero baka pumunta muna kami sa fishpond nila at iikot uli sa maputik na daanan.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now