Chapter 20

32 11 0
                                    


Tiramisu


Tahimik lang si Jaycee sa byahe, mukhang masama ang loob niya. 


"Love, dapat pala hindi tayo dito dumaan, sobrang traffic oh." Ani ni Ralph. 


"Anong oras na ba?" Tanong ko. 


"Ala-sais na." Ani ni Jaycee na parang nababagot na. Nang dahil sa tinagal namin sa traffic nakatulog kami parehas ni Jaycee. At nagising ng makarating na sa bahay. 


"Love, Jaycee, gising na andito na tayo." Alas-otso na ng makauwi kami. Pagpasok ng bahay ay nakita namin si Dave,  Chynna, at Micha. 


"Omg, Micha!" Masayang salubong ko sa pinsan. "Akala ko bukas pa dating mo?" Ngumiti lamang si Micha at niyakap ako. "Umiiyak ka ba?" Nagulat ako ng kumawala si Micha sa yakap namin at pinupunasan ang mga luha niya. "Anong nangyari sa'kanya?" 


"Na friendzone." Ani ni Dave. 


"Huh?" Tanong ko. 


"Si Daniel, frinend zone si Micha." 


"You mean, yung kaibigan ni Micha sa america?" 


"Kaibigan na naging crush ni Micha." Paglinaw ni Dave.


"Omg, sorry Micha hindi ko alam." Ani ko sa pinsan. 


"Ano ka ba! Okay lang ako noh." Kita naman sa'kanyang mga mata na nasasaktan siya. 


"Ilang years na ba kayong magkaibigan?" Tanong ni Ralph.


"10 years na din." Ani ni Micha. "Tsaka wag niyo na ako intindihin okay lang ako." Ani ni Micha sabay punta ng kusina. I feel bad for her. Ilang minuto pa kaming nagusap at umuwi na sila Dave at Micha.


"Love, uwi na ako." Ani ni Ralph sa'kin at hinalikan ang aking noo.


"Sige na, ingat sa pagdrive." Ani ko at sinamahan palabas ng bahay. Pagalis ni Ralph ay umakyat na ako sa kwarto at nanood kung paano gumawa ng tiramisu. Kinabukasan ay maaga ako gumising kahit tanghali pa ang pasok ko.


"Ma, may bibilhin lang ako sa mall na ingredients for tiramisu." Ani ko kay mama habang hinahanap ang susi ng sasakyan.


"Huh? You know how to make tiramisu?" Tanong ni mama.


"Well, not really pero i will try." Ani ko kay mama at kiniss ang cheeks niya. I start the engine of the car and umalis na. When i arrive at the mall hindi ganun karami ang tao dahil maaga pa. Dumiretso ako sa Supermarket para hanapin ang mga ingredients na kailangan. Habang naglalakad sa ay may nabunggo akong cart. "Omg, sorry po." ani ko. Aalis na sana ulit ako ngunit may humawak sa braso ko.


"Trix." Ani ni Liam. 


"O-oh, Liam, anong ginagawa mo dito?" hindi  ba obvious trix, syempre namimili siya.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now