Chapter 12

31 15 4
                                    

Classmate


Dumating na ang unang araw ng pasukan. Hindi ko kaklase si Geny dahil nahiwalay kami sa isa't isa. Kasabay ko si Dave pumasok sa room dahil kaklase ko din siya, nagulat nalang ako sa nakita ko ng makitang kaklase naming si Ralph! Wtf?! Huli naming pagkikita noong summer sa samar. I hate this guy talaga.

"Dave tabi tayo ha." Ani ko sa pinsan ko na patungo na sa upuan niya.

"Huh? Hindi mo baa lam naka assigned seats tayo. Ang katabi ko is si Felipe." Turo niya sa transferee. So sino ang katabi ko?

"Uy Dave, kamusta." Nairita ako ng marinig ang boses ni Ralph."Ay oo nga pala Trix ikaw pala ang seatmate ko, I'm sure bati naman na tayo noh?" Mas lalo lamang ako nagalit ng malaman na siya ang seatmate ko.

"Saan yung upuan natin?" Pagalit kong tanong kay Ralph. Tinuro niya ang upuan na nasa gitna.Agad akong tumungo doon at umupo doon. Habang nagbabasa ng libro ay tumabi na sakin si Ralph.

"May kwento ako sayo." Aniya sakin. Arghh, ang daldal talaga nito.

"Nagbabasa ako di'ba?" Sagot ko nakatitig parin sa libro.

"About kay Ashton pa naman yung chika ko." He crossed his arms through his chest.

"Pake ko sakanya?"

"May girlfriend na daw siya." Natawa ako sa sinabi niya.

"Si Ashton?Magkakagirlfriend." Tumawa ako ng tumawa. Agad niyang tinakpan ang bunganga ko dahil sobrang lakas ko tumawa.Hinampas ko ang kamay niya at tumawa lamang siya. Nakita ko ding nakatingin samin si Dave at tumawa.

"Si Margarette yung girlfriend niya." Seryosong sabi ni Ralph.

"Di'ba crush mo yun Ralph." Singit ng isa naming kaklase. So crush niya pala si Margarette and nagging lalaki na din si Ashton. Di ako naniniwala.Nagulat na lang din ako ng tumango si Ralph sa kaklase namin.

"Okay lang yan Bro." Natatawa ko siyang inakbayan.

"Panget mo!" Aniya at binaba ang kamay ko. Tumawa lamang ako sa reaksyon niya hanggang sa dumating na ang adviser namin.

Matapos mag ring ang bell ay lumabas na kami, kasabay ko si Dave at si Ralph.Tss. Habang naglalakad papunta sa Cafeteria ay nakasalubong naming sila Ashton. Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha namin ni Ralph ng makitang magkahawak nga sila ng kamay ni Margarette.

"Selos kayong dalawa?" Agad kaming nagulat sa sinabi ni Dave. Dahil sa inis ni Ralph ay binigyan niya si Dave ng middle finger at iba pang mura. Tinakpan ko nalang ang tenga ko kunwari walang naririnig.

"Awit sayo Trix, parang di ka nagmumura ha." Ani sakin Ralph. I just rolled my eyes and ignored them. When I saw Geny at her table with some of her kaklase, I immediately went to them .

"Sis!" Masayang bati ni Geny at niyakap ako."Alam mo ba first day ng school ang dami ng pinapagawa samin." Chika niya kaagad sakin."Oh kasama mo pala sila Ralph at Dave." Turo niya sa likod ko. I just ignored what she says chinika ko nalang din sakanya ang tungkol kay Ashton and totoo din daw yun.

"I can't believe it lang talaga, parang last school year lang he's a gay then now he's a real man na?" Pabulong kong sabi kay Geny.

"Ay hindi mo pa ba alam?" Tanong ni Geny saakin alin ang hindi ko alam? Umiling nalang ako sakanya."Nalaman kasi ng Dad dawn g Ashton na Bakla siya pero hindi alam yung ginawa sayo. Pinagalitan daw siya nito at sinabihang hindi daw sa Lassalle mag-aaral eh di'ba gusting gusto magaral nun ni Ashton sa lasalle kaya naman nagpakatino na siya hanggang sa nagging straight na siya." Pag chika sakin ni Geny.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now