Chapter 15

28 14 0
                                    


Love


Lumipas and ilang buwan at patuloy parin sa panliligaw si Ralph sakin. Mamaya kakausapin ko siya at sasabihin ang sagot ko.


"Anak, kailan mo ba balak sagutin si Ralph?" Tanong ni mama pagkababa ko galing sa taas.


"Hindi ko po alam eh." Chinat ko si Ralph na sunduin niya na ako. Ganoon kasi ang gawain namin tuwing umaga, palagi niya akong sinusundo.


"Good morning!" Bati ni Ralph ng makapasok siya sa bahay.


"Morning, ma alis na po kami." Tumango si mama at umalis na kami.


"Ralph."


"Hmm?"


"Wala wala." Natatawa kong saad habang papasok sa room. Umupo na kami at nakinig nalang kay ma'am. Nang magbell ay lumabas na kami ni Ralph. Hindi na kami masyado nakakapagusap na magpipinsan dahil busy. Hinila ko si Ralph sa gitna ng field.


"Anong ginagawa natin dito?" Naguguluhang tanong ni Ralph. Natawa ako sa reaksyon niya.


"Yes." 


"Huh anong yes? Pinagsasabi mo?" Naguguluhan talaga siya sa nangyayari. Hinawakan ko ang pisngi niya at sinabing.


"Sinasagot na kita! Chaka nito." Gulat ang ekspresyon niya ngayon.


"Weh? Di nga?" Hindi parin talaga siya makapaniwala.


"Ay ayaw mo? Oh sige bahala ka na dyan." Nagkunwari akong aalis pero nahawakan niya yung kamay ko.


"Simula ngayon, sakin ka lang." Seryoso niyang sinabi at hinawakan ang kamay ko. Naglakad kami papunta kay Geny na nasa cafeteria.


"Sis!!" Masayang bati ni Geny at niyakap ako. Matagal din kasi nung huli nming paguusap since busy din sila. "Ay bakit may pahawak ng kamay ha?"


"Di'ba ganto naman ginagawa ng magjowa?" Natatawa kong saad sakanya. Nagulat siya sa sinabi ko, hindi niya kasi alam na nanliligaw si Ralph maging mga pinsan ko ay hindi.


"OMGG! Parang nung nakaraang buwan lang galit ka sakanya tapos ngayon kayo na?!"


"Pogi ako eh." Mayabang na sabi ni Ralph.


"Kapal ng face natin ah." Ani ni Geny.


"Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nagkagusto sakin. Tss." I fliped my hair and  natawa lamang si Ralph.


"Mang libre naman kayo oh." 


"Ano bang gusto mo?" Tanong namin ni Ralph kay Geny. Hinila niya kami sa isang stall ng milk tea and tinuro niya ang gusto niya. Nakita ko din si Charm at Jerick kaya niyaya na din namin sila.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now