Chapter 4

38 18 0
                                    

Sorry

Hindi ko namalayan ang oras sa aking pag tulog at nagising nalamang ako dahil sa ingay na narinig ko. Tiningnan ko ang orasan at 3:30 na pala ng hapon. Tingin ko ay sa baba nagmula ang ingay na narinig. Dahan-dahan akong bumaba at nakitang nag uusap si Dave at Micha ng masinsinan. Halata sa postura ng dalawa ang galit sa kanilang mukha. Di na siguro mapigilan ni Micha ang sarili at biglang napalakas ang kanyang mga salita.

"No Dave!" Bulyaw ni Micha. 

"Micha,she needs to know the truth!" Pabulong lamang ngunit alam mong may galit sa kanyang pananalita. Namumula ang kaniyang mga mata dahil sa galit. Ano kayang pinag uusapan nila? O sino kaya?

"Hindi ka ba nag iisip Dave? Hindi maniniwala satin si Trix pagsinabi natin yung totoo!" Sigaw din pabalik ni Micha. I was the one they were talking about!?

"Sinong di maniniwala? Ako ba? Bakit? Anong meron?" Tanong ko nang medyo nanghihina pa dahil kagigising lang at medyo hilo pa. Nagsilabasan na din ang iba naming pinsan at sila mama at papa dahil sa biglaang sigaw ni Micha. "Ano nga iyong pinag uusapan nyonh dalawa at nadamay ako?" Tanong kong muli. Gulat ang mukha ni Micha habang galit parin si Dave.

"W-wala to T-trix." Ani ni Micha. 

"Anong wala! Eh narinig ko kayo ni Dave na pinaguusapan ako. Narinig ko ang pangalan ko. Right Dave?" Medyo pasigaw na ang pag bitaw ko ng mga salita dahil sa pag tanggi ni Micha. Nakatitig lamang ang mga pinsan namin habang sila mama naman ay pilit na sinasaway kaming tatlo.

"Niloloko ka lang ni Ashton Trix." Ani ni Dave. Buo at Madiin niyang sinabi sa akin. Bakit nanaman nadamay si Ashton dito ha?

"Ashton?" Tanong ko ng hindi maunawaan ang kanyang sinabi. "What about him? Niloloko niya ko? How? Eh wala namang kami?" Saad ko ng naguguluhan parin. Umigting ang kanyang panga dahil sa galit.

"Niloloko ka lang niya Trix. Nakita mo diba yung pinost niya nung nakaraan na 'when will this dare end ba.'?" Tanong ni Micha medyo mahinahon na. So ano namang koneksyon nun dito? 

"Dinare kasi siya nila Gerald, Mark at Marco na kaibiganin ka, at paasahin ka." Ani ni Micha. "Isa pa bakla din si Ashton." Pagpatuloy ni Micha. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Unti-unting umakyat ang dugo sa aking muka.

"What the hell Micha!" Sigaw ko sakanya at patuloy nang nagalit sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig. "Saan niyo naman nakuha yung impormasyon nayan ha!?" Galit na sabi ko. "I don't believe in you two!" Sigaw ko sakanila at umakyat na dahil sa galit.

Pagdating ko sa kwarto ko ay bumagsak kaagad ako sa kama. Hindi makapaniwala sa nangyari. We don't really fight talaga ni Micha,also were so close to each other. It's just beacause of the anger I felt. Kinuha ko ang unan ko at tinakip sa mukha ko. Hindi ako naniniwala sa mga sinabi nila about Ashton. Unti-unting tumulo ang mga luha galing sa aking mata. Bakit ako umiiyak? Dahil ba sa nag away kami nila Dave at Micha or dahil sa sinabi nila kay Ashton? Bakit naman nya gagawin iyon kung totoo man? Anong makukuha nya sa dare na iyon? May pera bang involve? Kinuha ko ang aking cellphone at balak na itexf si Ashton upang itanong sakanya ang mga nalaman. Nahinto ang aking pag hahanap ng kanyang pangalan sa aking contacts, nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, hindi ko alam kung sino iyon.

"Bukas yan!" sigaw ko. Sino nanaman ba to? Nang pumasok ay nakita ko si Mama. Tumalikod ako kung saan hindi niya makikitang umiiyak ako. Umupo si mama sa kama ko.

"Trix, umalis si Dave." Mahinahong sambit ni Mama. 

"Edi mabuti." Sabi ko hindi parin humaharap kay Mama. Bahala si Dave sa buhay niya, sila nagsimula nito eh.

"Trix, uhm sorry kung nataasan kita ng boses kanina ha." Nagulat ako ng narinig ko ang boses ni Micha. Unti unting tumulo ang aking luha. "Hindi ako sanay na nag-aaway tayo. Si Dave ang nagsabi sakin tungkol kay Ashton. But it's okay if you don't believe us." Ani ni Micha. 

"So saan nakuha ni Dave yung balitang yun ha?" Mataray kong tanong sakanya hindi pa rin humaharap.

"Sa kaklase niya daw na si Yuri. Yung kapatid ni Gerald." Sagot ni Micha. Yuri? Sino yun? And kapatid ni Gerald? Hmm.

"Okay. Pero hindi pa rin ako naniniwala sa inyo." Maldita kong sinabi. Kinurot ni Mama yung tagiliran ko kaya lumayo ako sakanya.

"Okay lang Trix,we just wanted the best for you. Hindi rin naman kami sure kung totoo nga ba yung dare na yun e. Alam mo naman si Yuri may pagka bitch din. Kaya baka nah iimbento lang." Ani ni Micha. Imposible naman kasing gawin sakin yun ni Ashton. Di naman siya ganonh lalaki. Napaka bait kaya ng gwapong yun. Tsaka hello, it is Ashton Martinez. Di ba nila kilala ang ugali nun? Unang kita ko palang sakanya alam ko nang hindi siya gaya ng iniisip ng iba. Umupo ako sa pagkakahiga at hinarap siya. I opened my arms wide so she can hug me. We hug each other, I'm not use to it talaga na nag aaway kaming dalawa maliban nalang kay Dave. 

"Oh,siya sige na at maiwan ko na kayong dalawa dyan." Ani ni Mama at lumabas na.

"Alam mo ba Trix, bago sabihin sa akin yan kanina ni Dave kita ko talaga yung galit sa mga mata niya eh." Pag kwento ni Micha. Pabayaan mo siya. False alarm lang yang nasagap nyang balita. Di yan totoo. 

"Micha what about tawagin natin sila Charm,Jean at Zoe then manood nalanh tayo ng...." sabi ko habanh nag iisip kung anong magandang panuorin nang gumanda naman ang mood ko. "Korean drama? Like WeightLifting Fairy Kimbok Joo?" Pagyaya ko kay Micha. Tumango lamang siya sa aking gusto.Pumunta na kami sa kwarto na tinutuluyan nila Charm. Nakahilata lamang ang tatlo habang nag seselpon.

"Ate Trix bati na kayo ni kuya?" Tanong ni Jean ng makapasok kami sa kwarto. 

"Jean,pwede ba wag muna natin banggitin pangalan ng kuya mo? Nakabuwiset kasi eh." Sabi ko sakanya. Agad tinakpan ni Micha ang aking bibig dahil sa sinabi.Tumango lamang ang tatlo habang ang kamay ni Micha ay nasa bibig ko pa rin. Tinanggal ko ito at nagsalita ulit."Nood tayo ng Kdrama ha?" Pagyaya ko sakanila. Tumango sila at ngumiti. Binuksan na namin ni Micha yung TV. Habang si Charm naman ay humingi ng Snacks kay Mama. Nang maayos na naming ni Micha ay ang pagdating din ni Charm. Pinlay ko na yung Kdrama at nanood na. Habang nanonood kami ay may kumatok sa pintuan.

"Sino yan!" Sigaw ni Charm habang may laman ang bibig. Sinipat siya ni Micha dahil sa ginawa, natawa lamang si Charm.

"Kami to nila Jaycee tsaka Chris." Ani ng kumakatok. Alam kong sila Jerick iyong kumakatok kaya binuksan ko na ang pinto.

"Dito nalang muna kami nakakatakot kasama si kuya Dave eh." Ani ni Chris. Gosh pati ba naman mga bata pinapatulan!

"Bakit anong ginawa sa inyo?" Tanong ni Jean. Umupo na kami sa kama habang nanonood.

"Palagi kasing masama yung titig samin tapos binato niya pa yung selpon niya sa kama." Ani ni Jerick. Umiling nalamang ako. Grabe talaga iyang si Dave.

"Isusumbong ko talaga yan sakanila Mama." Ani ni Jean sabay irap. Ha! Very Good Jean. Tutok na tutok ang lahat sa pinapanood naubos na din yung pagkain kaya nagpadeliver ako ng Milk Tea alam din naman ni Mama eh.

"Trix! Andito na yung inorder mo!" Sigaw ni Mama sa baba. Mabilis akong tumakbo pababa dahil nauuhaw na din sila. Kinuha ko na ang mga plastic at umakyat na. Isa isa kong binigay sakanila ang mga Milk Tea nila.

"Oh ito Matcha sayo Jean, Original sayo Charm, Brown sugar sayo Zoe 85% yung sugar percent niyan ha uminom ka ng maraming tubig." Sabi ko sakanya. "Vanilla sayo Micha. And tatlong Caramel sa inyong boys." Binuksan ko na din ang sakin.Seven o-clock ng matapos naming lahat ng Chapter. Bumaba na kami para sa Hapunan nakaupo na sila Mama,Papa at Dave. Napairap na lamang ako at umupo na. Habang kumakain ay biglang nagsalita si Papa.

"Trix, magusap kayo ni Dave mamaya pagtapos kumain. Si Jerick na yung bahala sa hugasan." Ani ni Papa. Parehas kaming nagulat ni Jerick.

"Ano ba naman yan Papa eh." Pagrereklamo ni Jerick. Hindi na lamang sumagot si Papa sakanya. Nang matapos akong kumain ay sumunod sa akin si Dave papunta sa maliit na kubo sa may bakuran.

"So anong pag-uusapan natin?" Matabang kong tanong kay Dave. Umupo muna siya sa upuan na nasa loob ng Kubo. 

"I just want to say Sorry." Aniya. Tanging ayun lamang ang lumabas sa bibig niya. Tumango ako sakanya at umalis na.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now