XI

296 12 0
                                    

[Narration]

Isla's P.O.V.

3:33 p.m.

Finally.

Agad akong naginhawaan ng maramdaman ang air conditioner. I breathe in and out. Sobrang init sa labas! Pakiramdam ko ay nasusunog ang balat ko, sobrang lagkit pa dahil sa pawis. Iritang-irita na nga ako dahil nagloko kotse ko, tapos yung tricycle naman sinakyan ko, lumagpas pa sa shop nila Evie. Ang haba ng nilakad ko. Pakiramdam ko, nasa taas lang ng ulo ko ang araw.

Pagkapasok ay sinalubong ako ng preskong-presko si Evie, who's wearing a white sweetheart neck embroidered mesh dress, partnered with a heeled boots. Nawala ang mga mata nito nung ngumiti sa akin. Pinaliitan ko ito ng mata.

"So pretty, Isla!"

Ngumiwi lang ako kay Evie, saka umupo sa harap niya. Tinawanan ako nito bilang sagot ng makita ang aking reaksyon.

Hinawakan ko ang bracelet na suot, atsaka nilibot ang tingin sa loob ng D.S. Carter. We call it Desica. The smell of freshly baked pastries made my stomach grumble. Dahil nasa kabilang side ang paint isle, hindi amoy ang pintura sa banda rito. Ang sarap pa tignan ng kulay ng interiors ng shop. It made me feel nostalgic and home, for some reason.

"Saan sila?"

"Nasa wash room lang po si Mist, kasama si Ryo." Tumingin siya sa paint isle at kumunot ang noo. She got up from her seat and mumbled to herself. "Where's Tora..."

I snickered. Hindi talaga mapakali pag wala ang asawa.

Dahil naiwan akong mag-isa, kinuha ko ang cellphone ko saka nag-scroll saglit. I received a text from Ms. Lim, our new Charge Nurse, asking if I'll be going back to work tomorrow, to which I confirmed.

Tinabi ko na ang phone ko ng marinig ang boses ng apat. Saglit kong sinipat ang aking mukha sa salamin. I pouted my lips a little to re-apply my nude lipstick. Inayos ko ang pagkakatali ng aking high ponytail at hinayaang bumagsak ang itim at tuwid na tuwid kong buhok. Pagkatapos, ang damit ko naman ang napansin ko. Pinagpagpag ko ang aking oversized coat, saka sinipat ang aking boots. Saktong dumating si Evie, Killian, Ryo at Mist nung tumingin ako sa pinto kung saan banda ang wash room.

“Is! Si Ryo, nag-iilusyon na naman! Ano bang gamot sa ilusyon?” Ngumuso si Mist.

Naglaro ang tamad na ngisi sa aking bibig. Paniguradong tungkol ito sa Pagsamo. “Bakit?”

“Napanaginipan niya raw si Az kagabi! Pakiramdam niya raw, sign na 'yon na mapapansin siya mamaya ng bias niya!”

Humagikgik si Ryo habang umuupo sila sa harap ko. “Bakit? Bawal mangarap?”

“I think you got a little too high this time, Ryo.” Humagalpak si Mist. Nanlaki ang mata ni Evie. “Hala, mali! Ang ibig ko pong sabihin, masyadong mataas ang pangarap!”

Tumawa kaming lahat. Pati si Killian na madalas tahimik kapag kasama kami, humalakhak. Tuwang-tuwa talaga sa asawa niya parati.

Nanatili kaming nakaupo at nag-uusap sa loob ng sampung minuto, pampalipas oras. Nang makita na sakto 3:50 p.m. na sa wall clock, umalis na rin kami at pumunta sa arena.

We were pushed and stepped on the moment we were being receive by the guards and staffs. The noises from the excitement of the fans boomed, along with the speakers and microphones. Kung kanina ay pangiti-ngiti pa ako, ngayon ay bumagsak na ang aking mga labi. Pagod na ako agad. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa aking noo. My chest tightened for some reason, almost suffocating me. Tinanggal ko ang oversized coat ko, leaving my black halter top. The noises were all blurry to me, except the laughters and high-pitched voices of Mist and Ryo, and the brief exchanges of whispers of Evie and Tora.

Hushed LullabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon