XXXVII

206 9 1
                                    

Griego

March 1, 2021, 3:03 p.m.

hoy

Hoy ka rin

Bakit ka nagphophone? Alej talaga oh sinabihan ko na 'yon

Wow. Close na kayo?

Yes 🤘

Parang kahapon lang binabash mo si Alej sa twitter ah

Anong bash hahaha di ko alam yon. Di ako nagmamanage ng account na yon hahaha

Ganon? Pati private account, may manager?

Yes po opo

K

Basta close na kami. Pati si mother in law 🥰 Kay father in law, next time. Sama ng tingin sa akin eh

In laws daw

Suwerte mo naman?

Suwerte ko talaga sayo

3:06 p.m.

Inamo

Ganyan ba mag thank you? 😔

Thank you

Pero bakit ikaw tinawagan ni Serena? Hahaha

Luh isn't obvious already

Bakit sino gusto mo? Onyx?

Puwede

🙂

HAHAHA

Seryoso, salamat. I feel a lot better now. Kahit ampangit ng lasa ng luto mo

Sorry

Akala ko wala ka panlasa kaya di ko na tinikman

Okay

😌

Pero nagtatampo pa rin ako

Why didn’t you call me?

Alas dos na yun

And?

Umasa lang talaga ako sa active sa messenger. Nakakahiya mambulabog

Sa susunod, ako tawagan mo. Kahit anong oras pa

Ah so gusto mo 'ko magkasakit ulit?

Isla

Lol

Nagpaulan ka ba? Bakit ka nagkalagnat?

Hindi

Sa pagod siguro. Ganito naman ako lagi kapag stressful masyado shifts ko

You shouldn’t push yourself too hard. Siguro dahil na sa schedule mo, rhythm. Hindi ka ba puwedeng ilipat sa morning?

Desisyon ko naman 'to. Pero baka magpalipat na lang din ako next month

That’s good

I’m happy with my current sched to be honest. Kaya nga kahit ilang beses na ako sinabihan ni Ms Lim na puwede naman ako ilipat, hindi ako lumipat

Bakit?

Mas hindi nakakatakot ang ospital sa gabi? Haha

HA

BALIKTAD

Ah basta

Ngayon lang naman 'to. Napagod lang talaga siguro masyado

Still, it will be best to make an adjustment. Pahinga ka

Okay

Pero matanda na rin ako kaya di ko na binibaby sarili ko

Anong matanda?

?

Baby kita eh

👍

Saka mo na sabihin yan kapag kaya mo na sabihin sa personal

KAYA KO

Pupula lang tainga mo eh

HAHAHAHAHAHAHA

Ganda mo eh

???

Hay, Isla. Kung nakikita mo lang sana ang sarili mo gamit ang mga mata ko

Puwede naman siguro. Ibibigay mo ba mga mata mo sa akin? Puwede yan gawan ng paraan ni Doc

Read 3:05 p.m.

3:10 p.m.

Korni Island. Buti crush kita

Pagaling ka. Matutulog muna ako 😔 pagod. See you in my dreams, rhythm

Nakauwi ka na?

Okay. Rest well, Azriel. Pasensya na talaga sa abala

Abala raw 😠

Kahit nasa dulo ka pa ng Pilipinas, kung magpapasundo ka sa akin sa kahit anong oras, pupunta ako

Hushed LullabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon