LX

207 8 2
                                    

[Narration]

Isla's P.O.V.

9:32 a.m.

“Okay na nga ako. Can I have my phone already?”

Nakaupo ito sa sofa sa loob ng kuwarto ko habang nanonood ng T.V. Earlier, he stubbornly tucked me in bed. Kinumpiska ang cellphone ko. Walang patawad, pati ang laptop at mga libro ko sa side-table, tinabi. He threatens that if I make a sudden move, he won’t give me back my phone.

Forever.

How petty.

Tinignan ako ni Azriel. His looks were stubborn, snobbish, and unfaltering. Parang may kasalanan ako rito. He looked at me, up and down, then decided to ignore me.

I almost gritted my teeth. Kaso nahilo na naman ako. Mariin kong pinikit ang mata ko.

“You don’t look fine to me at all.”

Tinikom ko ang bibig ko. I sighed loudly, enough for him to hear. Ito, si Azriel, ansarap tuktokan.

I don’t know why I’m feeling so dizzy and nauseous these days. Paggabi naman sa hospital, wala. Sa umaga lang talaga. Hindi ko rin masyadong napapansin dahil lagi naman akong tulog sa umaga.

Baka mamaya, anemic na naman ako. Noted. I will have my blood checked when I get back to work. That means I need to switch schedule, too.

Ang hassle.

“You need anything?”

Naramdaman ko na nasa gilid ko lang si Azriel. Minulat ko ang mata ko para salubungin ang tingin niya.

Ansungit pa rin ng mukha. So different from his usual expressions. Kahit na gano’n, kita ko pa rin ang concern sa mga mata niya.

He said he came from their studio. Madaling-araw daw sila natapos, tapos doon na rin siya natulog. Nagising siya exactly 7 in the morning. Dumiretso siya sa akin when he heard I was feeling sick.

I’m grateful, okay. But he can be really annoying sometimes.

“Phone ko nga.”

He tsked. “Ang kulit, Isla.”

“Phone.” Nilahad ko ang palad ko.

“No.”

“Phone.” Ginalaw ko ulit ang kamay ko, naglalahad. He looked away. Hindi pa rin nakuha ang pinaparating ko.

“No.”

“Azriel, phone.”

Binalik niya ang tingin sa akin. Sumimangot ito. “No, Isla.”

His hair was messy and my thoughts were messy, too. Kita ko ang mahabang pilikmata ni Azriel sa angle na ito, pati ang kaniyang namumulang mga tenga. Maybe that’s why I thought that he was adorable.

Really, really cute.

Tamad akong ngumisi. “E ‘di ‘wag.”

Binalik ko ang mga kamay ko sa dati nitong puwesto. Pinatong ko ito sa noo ko, saka pumikit.

“Aren’t you feeling tired?” Tanong ko.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Azriel sa paahan ko. Sinilip ko siya saglit. Nakatingin na ito sa akin.

“Hindi. Nandito na ako sa iyo, eh.”

Natigilan ako, saka suminghal. Binalik ko ulit ang kamay kong nakapatong sa noo, saka pumikit. “Huh.”

Hindi sumagot si Azriel. Akala ko ay hindi na talaga siya sasagot pa. Only the voices from the T.V. can be heard, and the faint humming of birds outside. Nakabukas ang bintana ko kaya rinig ang pagpasok ng hangin at paggalaw ng mga kurtina. Kahit na mahina ang pagkakasabi ni Azriel gamit ang paos na boses, I heard everything just fine.

“Mas maganda sana kung sa tabi mo.”

I sighed heavily.

“Bakit ‘di ka tumabi?”

Pakiramdam ko tumigil lahat ng ingay sa paligid namin. Only Azriel’s breathing was evident to me.

After a while, I felt him removing his jacket. Narinig ko ang pagtabi niya nito sa sofa. Then, he carefully placed his arms on the space beside me.

Umurong ako sa sulok. Konti na lang ay maging pader na rin ako. I felt the coldness of the wall instantly. Napangiwi pa ako rito.

Azriel lowly chuckled. “Rhythm, bakit sobra ka namang umurong? Ikaw nagsabi na tumabi ako.”

Tinanggal ko ang nakapatong na braso sa mata saka sinilip siya. I squinted my eyes. Mapaglaro na ang mga ngisi sa mga mata at bibig nito. There. The Azriel I know.

“Wala. Baka kasi mahawa ako ng kakapalan mo ng mukha.”

“Nah.”

Humiga na ito sa gilid ko. Parang may naglaro naman sa tiyan ko. Akala ko pa, masusuka ako.

Not until he scooped me out the cold wall. Kasyang-kasya ako sa mga bisig ni Azriel. Hindi ko alam bakit hindi ako makapalag. Something was telling me that I have already found something.

I already found home.

In his arms.

Maya-maya pa, mahigpit na ang yakap nito. Tago ang mga mukha sa leeg ko.

“Thank you for all of these, Isla...” He mumbled. Parang nagtayuan ang balahibo ko ng maramdaman ang labi niya sa leeg ko. “You’re wonderful. I’m just really happy with you right now.”

Hindi ko siya sinagot. My eyes constantly watered, though. After a while, his soft, low snoring can be heard. Napangiti ako.

“Ako rin, Azriel.” I whispered. I let my stiffed hands rest on his waist.

Ako rin.

Hushed LullabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon