[Narration]
Isla's P.O.V.
8:43 a.m.
Inis kong nilapag ang cellphone ko pagkatapos mabasa ang sinabi ni Mist. Condoms? What the fuck? Ang aga-aga! Alam ko matatanda na kami, at yung topic na 'yon, hindi na iba sa amin... Pero ano bang tingin nila sa akin, kaladkaring babae?
That was once, okay! People change!
Suminghal ako nang malipat ang tingin sa aking kaharap. May maliit itong ngiti na nakadikit sa labi habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Aliw na aliw ang mga mata. Halatang pinipigilan lang na ngumisi.
Naiirita ako kasi sobrang aliwalas niya tignan. Ako, galing sa trabaho, buong magdamag gising... Magugulat talaga ako kung mukhang tao pa ako ngayon.
Umilaw ang cellphone nito. Sabay kaming napatingin doon. Hindi niya na sana papansinin, kaso pinuna 'ko. “Hindi mo ba titignan?”
“No,” Ginalaw nito ang baso sa harap niya. “I'm already with you.”
“Tapos? Malay mo, importante.”
“Ayon nga,” Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin. “Hindi importante... kasi kasama ko na yung importante.”
Kumunot ang noo ko. Ngumisi naman si Azriel. Normally, may maire-rebutt ako. But for some reason, I chose to look away. Nakita ko kasi kung paano pumula ang tainga niya.
Ngumiti ako.
“Hala!”
Agad akong napatingin kay Azriel. Bumagsak ang ngiti ko. “Bakit?”
“You smiled!”
“Tapos?”
Tinuro nito ang sarili. “Because of me!”
“Because of you?” I suppressed my laugh. “Okay. Sabi mo eh.”
Mas lalong pumula ang tainga nito. He awkwardly moved from his seat. Nagulat ata sa pagsakay ko sa sinabi niya.
Hindi na sumagot ulit si Azriel kaya tumahimik na naman kami. Sanay na akong tahimik, pero si Azriel, hindi mapakali. Gusto niya lagi na may pinag-uusapan kami.
Hindi ba dumaan sa isip niya na komportable na ako sa kaniya, kaya kahit wala kaming pinag-uusapan, ayos lang?
Napailing ako sa aking naisip. That’s a dangerous game he is playing, Isla. I want no part of it. Who knows if what he’s showing to me right now is genuine?
Sobrang bilis. Parang kisap-mata, galing sa tahimik, at madilim na mga taong walang komunikasyon. Just how can he easily say that he still wants me?
That phrase alone is scary.
Mayroon namang rason ang pagdududa ko, diba? You can’t blame me. Musicians meet a lot of people from time-to-time. For Pagsamo band, alam ko na sobrang dami na talaga nilang nakasalimuha. From ordinary people, to fans, to ever-supporting fan, to stalkers, to pretty people, rich people, celebrities. And he met me 10 years ago. What happened between those years when we didn’t see each other?
Sobrang cliché naman ng plot na sinusundan ni Azriel. He said he was in a relationship 4 years ago. Even if it was a fast relationship, it was still a relationship. So when he said that he liked me from college, and had a relationship, then that’s considered cheating.
Not from me. To himself.
Niloko niya ang sarili niya nung sinabi niya na gusto niya ako mula pa no’ng college.
Kaya paano ako maniniwala ng buo sa kaniya? Kung sa bawat bukas ng bibig niya, puro "paano" at "bakit" ang nasa isip ko?
“Isla, nung College...” Tumikhim si Azriel. Winaksi ko ang aking nasa isip ngayon lang. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Hushed Lullabies
Acakthey met again. one who ignored a vow, one who kept his promise. will he be able to hush her independent heart with his sweet lullabies? Hushed Lullabies an epistolary by Kiy