last

423 14 18
                                    

The Making of Azriel's
Last Solo – "Aking Ritmo."

[Narration]

Azriel's P.O.V.

7:44 a.m.
of June 4th, 2007

"Azriel, sa College of Nursing ang diretso. Um-attend ka."

Nasa university na ako, pero ang matigas na boses ni Dad pa rin ang naririnig ko. Simula nung tumuntong ako ng fourth year high school, puro na Nursing ang sinasabi. Nursing ganito, nursing ganiyan. Magandang pre-med ang Nursing, d'yan ka na. Sa Nursing ka, mas mapapractice ang skills mo dyan.

Nabingi na ba si Dad dahil sa ilang taong paggamit niya ng stethoscope? Sobrang hirap bang intindihin na ang gusto kong kunin, related sa Music? I don't really get him. Si Mom tuloy na galing sa family of doctors, payag nung sinabi ko ang plano ko, pero si Papa na rinig ko ay napilit lang ng magulang, hindi mapakali. Bukambibig niya simula nung nagpakita ako ng interes sa pagkanta. Kulang na lang, 'Nursing' na ang itawag niyang pangalan sa akin. Hindi niya sinasabi, pero lagi niyang pinaparinig.

Malakas akong suminghal. Napatingin sa akin ang mga estudyante sa paligid. I frowned. Kulang na lang ay mahila ko ang buhok ko, habang tinitignan ko ng maigi ang papel na nasa harap ko.

College of Nursing and Health Sciences

Orientation at 8:00 o'clock in the morning at the Auditorium of Colleges of Nursing and Health Sciences.

Please wear your I.D. and uniform. Attendance will be checked.

We welcome you, future RNs!
#StudentNurses

Future RN, huh?

Sa huli, dinala pa rin ako ng aking mga paa sa kung saan gaganapin ang orientation. Mabigat ang mga hakbang dahil masama pa rin ang loob, pero may bumubulong sa akin na kailangan kong um-attend dito.

Kung tutuusin, hindi rin talaga ako binigyan ng choice ng tatay ko. Wala na rin akong magagawa, he already enrolled me here. Nalaman ko na lang na kailangan kong magtake ng entrance exam kay Papa. Sabi niya, kung hindi raw ako pumasa, he'll let go of me. That was my opportunity! I purposedly answered the wrong choices. Kaso, amputa, pumasa. Pakiramdam ko, yung totoong sagot ko talaga ang mali.

O, baka ginamit ni Dad ang connection niya?

Should I give it a chance?

Halos puno na ang auditorium nung dumating ako. Nung sinilip ko ang aking relo, sampung minuto na lang ay magsisimula na ang orientation.
Naghahanda na rin ang school staffs sa harap, sa pag-aayos ng speaker at ng mga gagamitin. Nakakita na ako ng isang abanteng upuan kaya hinawakan ko na iyon sa likod. Tumingin muna ako sa paligid.

Puro puti ang nakikita ko. Naghalo na rin ang mga estudyante. Ito yung mga oras kung saan ang sarap uminom ng Chuckie tapos maubo ng malakas habang may laman na Chuckie ang bibig, eh. Mayro'n pa naman ako sa bag.

Napangisi ako sa aking naisip. Nawala rin agad dahil yung uupuan ko sana, may umupo.

Kumunot ang aking noo. Bago magsalita ay pinagmasdan ko ang likod nito. Mataas ang pagkakatali ng itim na itim na mga buhok. Medyo morena ang kulay nito. Tapos yakap na yakap sa katawan niya ang puting uniform. Napailing ako.

"Excuse me?"

Sumilip ako sa kaniya mula sa likod. Lumingon din ito sa akin.

Agad akong nanghinayang dahil malaki ang espasyo namin. Hindi ko tuloy mapagmasdan ng husto ang mukha nito.

Hushed LullabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon