[Narration]
Isla's P.O.V.
8:03 p.m.
“Happy birthday, Azriel!”
Dumagundong ang magaspang na tawa ni Azriel. Patago akong sumulyap kay Evie na kararating lang, at nung makitang nakatingin na siya sa akin, humalakhak ako.
We made Killian wear a pair of pink bunny pajamas in Azriel’s party. It was possible because of Evie’s threat. Papangalanan niya raw'ng Bulubundukin ang anak nilang lalaki.
Right. Evie told us that their baby’s a boy. Pangiti-ngiti si Evie kay Killian, because Killian wished to have a son. Ayon. Ayaw naman mauwi sa trahedya ang pangalan ng panganay niya, agad na sumusunod sa mga hiling ni Evie si Killian.
“Bro, the fuck? Buti hindi pink ang binigay sa akin ni Isla.”
“Pink’s cute though. You look like you had been swallowed by rainbow.”
It’s not just Killian. Pati si Azriel. Dito na siya sa bahay nagpalit. We came from his agency, then to his parents house. His parents, Tita Asia and Tito Zaniel, were very nice. Parang hindi na sila mapakali sa paparating na apo nila. Azriel looked like the younger version of Tito Zaniel. Si Azreya, sobrang hinhin. She looked like Azriel, too. Reklamo nga ni Tita na walang nakakuha sa ganda niya. I wonder, too.
Azriel is wearing a rainbow unicorn pajamas. Hindi naman siya nagreklamo pagkatapos kong pasuotin. Parang natuwa pa na inutusan ko.
Hinalikan ni Evie ang pisngi ko ng makarating. After she hugged both Mist and Ryo, she settled beside me and ate a pear. Kinuha ko naman ang inalok niya at kinain.
“‘Di talaga makakapunta si Eli?” Hawak ni Ryo ang cellphone ng magtanong. Pabalik-balik ang tingin nito sa amin habang nagtitipa.
Umiling si Mist. “No.”
“Bakit?” Kumunot ang noo ko. “Hindi na ako nakacheck ng gc. Bakit daw?”
Nagkibit-balikat si Mist. Tumayo ito at kinuha ang phone niya na nailapag sa taas ng fridge. “Hindi ko sure. Ewan ko nga kay Ej. Parang sobrang busy ngayon.”
“Baka dahil sa flower shop? Undas nakaraan, eh.” Ani Ryo. Kinalabit nito si Evie para humingi ng opinyon. Tahimik na nagkibit-balikat lang si Evie saka ngumuya pa ng peras.
“Puwede. Puwedeng may balak na naman siyang umalis at mag-"unwind."” Malaki ang ngisi ni Mist bago tanggalin ang tingin sa cellphone.
“Nope.” Nagulat ako nung nasa gilid na namin si Killian at Azriel. Tiningala ko si Azriel. He smoothly slipped to sit beside me, saka ipinulupot ang kamay sa aking bewang. Si Killian, umupo rin sa tabi ni Evie. May dalang tubig.
“Anong nope?” Tanong ni Mist. Takang nakatingin kay Killian.
Naramdaman ko ang pagsandal ni Azriel ng ulo niya sa headrest. Kumuha ako ng nakaslice na na peras sa plato ni Evie, saka sinubo sa kaniya iyon. Pagkatapos, kukuha pa sana ako, kaso hinawakan niya ang kamay ko at tinago sa bulsa ng pajama na suot niya.
Napatingin ako sa kaniya. He sticked out his tongue. Umamba akong pipitikin siya gamit ang isang kamay, na tinawanan niya lang.
“All of your guesses are wrong.” Killian said. Kinuha nito ang baso sa kamay ni Evie. “Hail came back. I heard he bought flowers on Eli's shop.”
“Huh?” Rinig ang inis at gulat sa boses ni Evie. “Talaga? When?”
“Recently.”
Sumimangot si Evie. “That dragon. So insensitive. Andaming flower shop eh.”
BINABASA MO ANG
Hushed Lullabies
Randomthey met again. one who ignored a vow, one who kept his promise. will he be able to hush her independent heart with his sweet lullabies? Hushed Lullabies an epistolary by Kiy