[Narration]
Isla’s P.O.V.
6:09 a.m.
“Rhythm...”
Gumalaw ang kama. I felt Azriel moved. Hinawakan nito ang kumot na nasa bewang na namin, saka itinaas.
“Hmm,” I mumbled without opening my eyes. “Malamig?”
Nilagay nito ang braso sa gilid ng tiyan ko. Napangiwi ako. I slowly opened my eyes, only to find out Azriel was already looking at me.
Magaang ngumiti ang mga mata nito. Antok pa rin, ngunit nakuha na agad mang-inis. His biceps and chest were showing because he was only wearing a muscle tee. Nakaipit ang kumot sa bandang balikat. He touched the side of my lips. “May laway pa, oh.”
Hinawakan ko agad ang gilid ng labi but there wasn’t any saliva. Azriel chuckled when he saw my reaction. Siniksik nito agad ang mukha sa leeg ko.
I frowned.
“Umalis ka nga. Ang bigat mo.”
He stubbornly grunted. Hindi na lang ako umimik. Maya-maya, umalis din ito.
“Mabigat na talaga?” Lumayo ito para hawakan ang tiyan ko.
“Yeah.”
Tagilid na nga akong humiga. Ang tiyan ko kasi, nagsimula lang lumaki nung December. It was not noticeable, but I was starting to feel that it was heavy. Parang nabigla ako. Pakiramdam ko kasi, nagga-gain weight lang ako paunti-unti with Christiana. First trimester lang din ako nahilig sa matatamis, pero kinalaunan, puro na lang prutas.
I particulary liked strawberry. Nung hindi ako buntis, ayoko sa strawberry. Lalo na yung maasim. Now, I like it very sour.
It was okay. It was perfectly fine. Sobrang smooth ng pagbubuntis ko, na kapag pinaparinggan ako ni Evie, tinatawanan ko lang. The Carters' household was in a constant war ever since Evie got pregnant. Parang lagi kasi itong nasa edge. Kahit maghinga lang si Killian, nagagalit.
Early months of her pregnancy, naasar pa siya ni Ej. Ngayon, she could only dream.
I snickered. Thank God hindi ako pinapahirapan ng panganay ko.
Azriel helped me get up. Simula nung dito na siya tumutuloy sa bahay, I feel like being pregnant became easy. Nung una kasi hindi ko pa ramdam, but now that I have someone to help me, I realize that we could have lived together earlier.
Ang arte kasi ni Azriel. Gusto niya, kasal na kami bago kami tumira sa iisang bahay. Eh, gano’n din naman. Lagi siyang nandito kapag walang gigs and shows, tapos umuuwi ng mga hatinggabi. Tapos gigising na naman ng maaga para pumunta muna sa akin.
Sinabihan ko siya na okay lang kung every other day ang bisita niya, pero umiling lang. Saying it was for me. Saying it was for our Achin.
Wala ka pa dito, baby, pero pinapahirapan mo na agad ang tatay mo. I fought the urge to smile.
Pumunta ako sa kitchen para maghanda ng lulutuin. Saglit kasing nagpaalam si Azriel dahil nagrequest ng virtual meeting si Mel. Nag-volunteer siya na magluto, pero hindi naman ako mapakali na wala akong ginagawa.
Hinawakan ko ang batok ko ng mangalay sa paghiwa ng gulay. Saglit kong binitawan ang kutsilyo na hawak, at marahan na inangat ang tiyan. Ang bigat na kasi talaga. Pakiramdam ko, may dala-dala akong limang kilong bigas lagi sa tiyan ko.
Habang nakapikit, narinig ko ang mga yapak ni Azriel. Lilingon na sana ako ng maramdaman ko siya sa likod ko, pinupulupot ang mga kamay sa akin.
“What–”
My words were cut-off when I felt him lift my tummy. Pakiramdam ko ay natanggal ang mabigat na nakalagay sa akin. I moaned softly. Automatic na napatingala ako, sandal ang batok ko sa balikat niya. That gave him access to kiss the side of my lips. Kita ko ang ngiti niya sa peripheral version ko.
“Much better?”
“Thanks.”
Ramdam ko ang init ng mga palad ni Azriel. It must have been heavy for him, too, but it just felt really good. Nilagay ko sa taas ng palad niya ang aking mga kamay.
“I love you, Azi,” Mahina kong sabi. Naramdaman kong nanigas ang kaniyang katawan. Maliit akong napangiti. “Gusto kong sabihin na ayoko na iniisip mo na parang hindi mo kami deserve. Kasi ang totoo, kami ang suwerte sa ‘yo.”
“You’ve been so considerate... and careful, and have been so good to me. Kaya huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sa ‘yo.”
Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay niya. Once again, I felt the familiar heaviness. But it was the heaviness I was willng to endure... and hug, for a very, very long time. I’m in love with the little one inside me the moment I learned about her.
Isinandal ko ang likod ko sa kitchen counter para harapin si Azriel. Sinalubong ko ang kaniyang mga mata. Hindi ko napigilan ang halakhak ko ng makita ito. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi.
“Are you crying?”
He grinned merrily.
“No.” Iniwas niya ang kaniyang mapulang mata. Pagkatapos ay isinandal niya ang kaniyang noo sa aking balikat. My heart warmed. His hands rest on my waist. “I think I fell in love with you again.”
“Masanay ka na. Hangga’t kasama mo ako, kami, araw-araw mong maririnig sa ‘min ito.”
“Wait... Hinay-hinay, rhythm.” Humigpit ang yakap niya sa aking bewang. “Masyado mong ginagalingan, eh. Mamaya, masundan agad si Achin.”
“Okay lang. Kahit tatlo pa, basta ikaw na ang magbubuntis.”
Nanginig ang katawan ni Azriel sa pagtawa. Maya-maya ay inangat niya na ang kaniyang tingin. His dark, doe eyes locked stares with mine. Sa bawat pagkakataon na nakatitig ang madilim at itim na itim na mga mata sa akin ni Azriel, pakiramdam ko, nakulong ako at hindi na makakatakas.
Funny how I saw Azriel in the past as that one, jerk kid. Now, no trace of that can be found within him. Just a man with an endless love and passion, replacing the guitar on his grip with my waist, replacing the pick with a ring on his finger.
Who would have known we’d come this far?
Namayani ang katahimikan. Nung aksidenteng nagtagpo ang aming mga tingin, natawa kami pareho. We were silent, but it was not an awkward silent. Paano nga naman masasabing tahimik kung maingay ang puso’t mga mata namin?
Maya-maya, binasag ni Azriel ang katahimikan. Halos mapunit ang labi ko sa lawak ng ngiti ko. Alam na alam talaga palagi ni Azriel ang dapat na sabihin.
“Mahal kita, Isla. Paulit-ulit.”
BINABASA MO ANG
Hushed Lullabies
De Todothey met again. one who ignored a vow, one who kept his promise. will he be able to hush her independent heart with his sweet lullabies? Hushed Lullabies an epistolary by Kiy