[Narration]
Isla's P.O.V.
4:33 a.m.
Out.
I yawned while stretching my hands. Pagkatapos isara ang locker ay isinukbit ko na sa balikat ang aking duffel bag. Inilugay ko rin ang buhok, upang mabawasan ang sakit ng ulo.
Finally. Pakiramdam ko ay naging sobrang haba ng gabi. Hindi naman sobrang busy... pero dahil may nangpeste sa akin kanina, parang dinaganan ang katawan ko ng truck.
Kahit pagod ay mas pinili ko pa ring maghagdan pababa. Panigurado kasing marami ang mag-e-elevator. Ayoko munang makipag plastikan sa mga kasama ko. Mas nakakapagod, mas pipiliin ko na lang maglakad.
Tahimik ang pasilyo ng ospital. Nang makarating sa exit door ay nasalubong agad ng mga mata ko si Kuya Eddie, ang head security. Kinawayan ko ito.
"Kuya, pauwi na po."
Tumawa siya. Napakunot naman ang noo ko. Napansin ata kaya sinuklian ang aking tingin ng nanunuksong tingin. Parang kinikilig.
Nasiraan na ata ng ulo.
"Ma'am, 'di ka nagsasabi, may manliligaw ka pala."
"Kung mayro'n, e 'di sana naligaw ko na ng tuluyan, Kuya Ed."
"E bakit nandito pa rin, Ma'am?"
Nginuso nito ang labas. Mas kumunot pa ang noo ko. Naglakad ako at nilagpasan ang matandang gwardiya upang tignan ang tinutukoy niya.
Nanlaki saglit ang mga mata ko ng makita ang bulto ng tinuro. Nakasuot ito ng itim na cap. Dahil hindi pa masyadong maliwanag, hindi niya sinuot ang mask na suot niya kanina. Kung hindi lang pareho ang suot niya sa damit niya kanina, hindi ko ito mamumukhaan. Nakatitig lang ito sa paper cup na hawak. Sa unang tingin, aakalain mong namamalimos ito.
Kaso mas mayaman pa ata sa iyo 'yan, Isla.
Umiling ako kay Kuya Eddie at kiming ngumiti. "'Di ako pakay nyan, kuya. Sige, una na ako."
Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil dere-deretso na akong naglakad. Napatigil pa ako saglit dahil kailangan kong dumaan sa harap ng lalaki. Sa gilid kasi na iyon banda ang sakayan.
Sa lahat ba naman ng puwesto, diyan pa nagpark. At sa lahat ba naman ng araw na puwede mangyari ito, ngayon pa. Hindi ko pa nakukuha sa talyer ang kotse ko.
Ilang buntong-hininga pa bago ko napagdesisyonang lumakad. Tuloy-tuloy, walang hinto. Pasimple ko pang tinakpan ang gilid ng mukha ko nung malapit na ako rito. I sighed in relief when he didn't notice me.
Gusto ko ng makapahinga. Inayos ko na ang lakad ko. Gayon na lamang ang mura sa isip ng marinig ko ang boses nito.
"Isla!"
It's been so long... kailan ba nung huli kung narinig na may tumawag na is-la sa akin?
I could teach him a hundred times, but none would matter. This man never listen. I know... from experience.
You can’t judge a person just because of one night. Right. Be more logical, Isla.
I plastered my fakest smile to inform him that I was not pleased by his presence. Saka ito hinarap.
"Hello, Azriel."
So he stayed overnight.
Why?
"Hello, Isla."
Saglit kaming nagtitigan. Medyo madilim at nangingibabaw ang kulay lila na langit, pero sapat na iyon upang makita ko ang buo nitong mukha. Purong Pilipino si Azriel, but his features screams Spanish. Malinis ang medyo kulot nitong buhok. Golden skin, pointed nose, almond eyes. Mayabong ang pilikmata, pati ang mga kilay. His jawline was very sharp, too. Palangiti si Azriel, pero kapag ngumingisi ito, palagay mong laging may binabalak na masama.
BINABASA MO ANG
Hushed Lullabies
Randomthey met again. one who ignored a vow, one who kept his promise. will he be able to hush her independent heart with his sweet lullabies? Hushed Lullabies an epistolary by Kiy