Chapter 23

705 22 0
                                    


Xhastine's POV

Nang maka-uwi ako sa bahay  hindi na ako nag-abalang kumain tutal busog pa naman ako dumiretso lang ako sa kwarto at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kong ilang oras na akong umiyak napatahan na lamang ako ng pumasok sa kwarto ko si labiy dala ang isang tray na may lamang kanin, ulam at gatas, inilapag niya into sa side table at lumapit sa akin para yumakap sa mga bisig niya doon ako napa hagulhol ng iyak with her shoulder I somehow feel better pero alam kong hindi parin nawala doon ang sakit na naramdaman ko. Hindi ko matanggap na mas pinili niya ang Irine na iyon kesa sa'kin, well sino nga ba ako para sa kanya? I'm just the mother of he's sons pero tinanggap nga ba niya ang mga anak namin? Lalo na ngayon madadagdagan na naman, hindi ko nga alam kong tatanggapin niya itong pinagbubuntis ko.

"Shhh....labiy tahan na makakasama yan kay baby" labiy's right makakasama to para kay baby, so Xhast better calm yourself just think about your unborn baby.

"Labiy what happened? Nagka-usap naba kayo ni Axel?" Tanong niya nag paiyak saking muli.

"Y-yun na nga labiy... How can we talk kung busy siya sa Baguio kasama si Irine" pahina ng pahina ang boses ko parang maya maya lang ay mawawalan na ako ng lakas.

"W-what? I thought okay na kayo? Pero..pero pano nangyari yun? Ang sweet niya pa nga sayo nong sinundo namin kayo sa Isla tapos ngayon? Anong nangyari?" Alam kong nag aalala lang sa'kin si labiy kaya ganyan nalang siya kong magtanong sa'kin, I can't blame her dahil ultimong ako hindi ko alam kong anong nangyari at nagka ganon bigla.

"I don't know labiy... Basta ang alam ko kasama ni Axel si Irine, dahil yun ang sabi ni Cristel kanina sa akin.. Ang tanga tanga ko naman kasi nag text na nga siya sa'kin kagabi na may pupuntahan siyang importante pero pumunta parin ako sa bahay nila kaya eto tuloy ako.." lintaya ko.

"Ehh sino ba kasi yang si Irine nayan ha?"

"I don't know..." Mahina kong sabi at nagbaba nang tingin..

"Ehh why you didn't ask Cristel kung sino si Irine para malaman mo,natin" she have a point pero...

"Dahil ayokong marinig pa ang sasabihin ni Cristel.. kung sa nalaman ko nga lang na mas importante pa pala si Irine kesa sa'kin pano pa kaya kong malaman ko kong ano ang katayuan ni Irine sa buhay ng lalaking mahal ko... Hindi ko kakayanin ang salitang lalabas sa bibig ni Cristel kaya I chose to leave" mahinahon pero pahina ng pahina ang pagkakasabi ko.

"Pero bakit hindi mo parin tinanong si Cristel malay natin nagpasama lang o di kaya may business na pinuntahan ganon, why you chose to leave instead of listening her saying the reason kung bakit magkasama si Axel at yang Irine nayan" why can't she understand?...

"Labiy... Kasi the fact na sinabi niyang mas importante siya kesa sa-sa'kin" mahinang sabi ko habang tinuro turo ko ang sarili ko.

"Bakit mo nalamang mas importante siya kesa sa'yo?"

"I've been calling him many times last night but he didn't answer any of my calls so I think he's busy kaya nag text nalang ako sa kanya na kung pwede ay magkita kami ngayon pero sabi niya may 'mas' importante pa siyang gagawin ngayon"paliwanag ko at mas diniinan pa ang salitang 'mas'.

"I can't believe him" mahinang usal niya. Me too...

"Pano nayan, sasabihin mo parin ba kay Axel ang tungkol sa baby o wag nalang?"

"Siguro wag na muna ngayon hindi kopa kayang marinig ang paliwanag niya.. baka mas higit pa dito ang matatamo ko at ayaw kong maapektohan ang baby ko" usal ko at hinaplos ang tiyan kong nagkaroon na ng kunting umbok pero hindi parin halatang tignan.

"Okay it's your choice—"aniya at tumayo mula sa pagkakaupo at humarap sa'kin "—but remember I'm always here for you no matter what" dagdag niya at yumakap sa'kin.

"Thank you labiy"pasalamat ko at humiwalay sa yakap.

"You're always welcome labiy and oh by the way eat your dinner na at matulog kana dahil makakasama iyan kay baby sige ka..."pabirong banta niya sa'kin napatawa nalang ako kahit papano. Nang makalabas siya ay kumain na ako ng pagkaing dala niya at ininom narin ang gatas kasama ang vitamin for preggy. After eating my late dinner na hindi parin naman late dahil maaga pa hahahahaha ang gulo ko ay napag desisyonan kong magpahinga na.

//KINABUKASAN//

Kinaumagahan ng magising ako ay usual morning sickness attack, naligo nalang ako at sinuot ang black fitted dress ko na above the knee ng matapos ay bumaba na ako sa kusina, uminom lang ako ng gatas at vitamins at hindi nalang kumain ng food dahil hindi rin naman ako gutom. Ilang minuto lang ay umalis na'ko patungong ospital.

Hindi tulad kahapon na walang masyadong pasyente  dahil ngayon ay hindi naman karamihan at hindi din kaunti, kadalasan sa kanila ay dinadala sa OR para operahan, ang iba naman ay mga minor case lang. Kung matatapos naman ang operasyon ay bumabalik lang din ako sa opisina ko at pinipirmahan ang kinakailangan. Nang dahil sa  naging abala ako sa trabaho ay hindi ko nagawang intindihin ang problemang dinadala ko,gusto ko kasi na pag panahon nang trabaho ay wala na akong iba pang iisiping iba kundi fucos lang.

Ganon nalang ang naging pagod ko buong hapon tuloy ay sa pag-uwi ko ng bahay ay hinsi kona nagawa pang sumabay sa kanilang kumain dahil sa pagod, kahit na pagod ako at dumiretso ng pahinga ay nakakain parin ako sa tamang oras dahil sa dinalhan ako ng pagkain ni mommy. Nang matapos korin din namang kumain ay bumalik lang ulit ako sa tulog.

Tulad ng nakasanayan, araw-araw paring pumapasok sa ospital dahil may kailangan pang asikasuhin pero ang ngayon ay hindi na tulad noon dahil ngayon ang flight ko pabalik sa America, dadaan lang ako sa ospital para mag paalam sa mga empleyado ko. Kaliwa't kanan ang kanilang mga pabilin, may ibang naluluha. I will miss them too.

Hinatid nila ako mommy't daddy,labiy at bespren sa Airport, gaya ng mga empleyado ko marami silang naging habilin sa akin syempre hindi nawawala ang dramahan pero sa huli umalis parin ako ng may ngiti sa labiy pero at the same time I felt sadness hindi ko parin siya nakakausap en-extend ko na nga ang isang linggo ko para maging dalawang linggo pero walang presensiya ni Axel ang nagpakita. Siguro wala na siyang balak pang magpakita sa akin, sa amin. Siguro tama si labiy bakit pa hahanapin ang taong ayaw namang magpahanap, dahil kung talagang hindi siya nagtatago sa dalawang linggong yun ay magpapakita siya, pero wala.  Should I stop hoping that one day he will show up at tuparin ang pangako niya sa akin...

Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng eroplano ay bahagya kong nilingon ang Airport at nagpakawala ng isang luha at buntong hininga hanggang sa tuluyan na akong pumasok at umupo sa bakanteng upuan. Minutes later ay namalayan ko nang tuluyan ng umaandar ang eroplano at dahan dahang umaangat pataas, lumingon akong muli sa labas at mariing ipinikit ang aking mga mata.

Pag balik ko rito sisiguradohin kong dala ko na ang dapat sa'kin.

To be continued......

Votes and Comments are highly appreciated thank you......

A Forgotten Love (Completed)Where stories live. Discover now