Chapter 25

856 14 0
                                    

Xhastine's POV

Isang linggo na ang lumipas simula noong dumating ang pamilya ko dito sa America, hindi na ako umuuwi ng gabi kundi hapon na dahil pinag bawalan ako nila, sanay narin akong umuuwi na dinig na dinig ang tawanan sa loob ng bahay ng dahil nga doon ay mas nabawasan ang stress ko.

Nasa entrada palang ako ng gate ay dinig na dinig kona ang tawanan ng mga anak ko pero bakit parang mas trumiple ata ang tawanan nila? Maingat kong pinark ang kotse ko sa labas ng bahay ko at pumasok sa loob.

"Babies I'm home!"sigaw ko at niluhod ang isa kong tuhod para salubungin ang yakap ng mga anak ko pero imbis na kamay ng mga bata ang sumalubong sa akin ay may malaking bisig na yumakap sa akin mula sa likod.

I know this smell....

Axel...

Parang napako ako sa niluhodan ko, bakit siya nandito? Pano niya nalaman ang address ng bahay ko?.

"Hi love" pabulong na bati niya sa mismong batok ko. Dahan dahan akong lumingon sa kanya, then I'm not mistaken si Axel nga...

Biglang nag silabasan ang mga luha ko. Dahil sa pangungulila ko sa kanya ay niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, nilingon ko ang mga anak at magulang ko na ngayon ay nakangiti na sa'min doon ko napansin ang iba pang mga tao, nandoon sina Cristel, ang anak niya na si Sandra sina Caryl, ang iba ko pang kaibigan dito sa America at ang pamilya ni Axel..

"Where's my kiss babies?" Nagtakbohan naman ang mga anak ko sa gawi namin at yumakap sa'kin at humalik sa pisnge...

"Where's daddy's kiss too?"tanong naman ni Axel na nakanguso.

"Go give your daddy a kiss" utos ko sa mga anak namin pumunta naman sila sa kay Axel para yumakap at humalik sa pisnge.

"Daddy! Daddy! Go give mommy a kiss too!" namula ang pisnge ko sa sinabi ng anak kong si Xyrus.

"Kiss daw kita mommy"bulong ni Axel sa mismong tenga ko naman, parang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kilig.

"Heh!" Singhal ko at mahinang tinampal ang braso niya, tumawa naman ang loko.

"Mommy! Mommy! Kiss muna daddy"ang anak ko namang si Xyrill.

"Sa pisnge lang ahh.. sa pisnge lang" pero deep inside I want to kiss him in lips, pero wag dito dahil merong mga tao at nakakahiya yun.

"Ayy bat sa cheeks lang love" naka ngising ani niya mahina ko namang tinampal ang nguso niya.

"May mga tao Axel mahiya ka. May dapat kapang ipaliwanag sa'kin ahh.. oh sige na tagilid na para matapos na'to dahil gusto konang magpahinga"mahina kong sabi, ngumiti naman siya at tinagilid ang mukha niya.

Dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa pisnge niya ng bigla siya humarap sa'kin, kaya ang ending sa lips ko siya nahalikan..

"Ugh! Ang daya mo Axel! Sinabi ng sa pisnge lang" sigaw ko ng  matapos kong nilayo ang mukha ko sa kanya.

Maglalakad na sana ako ng pinigilan niya ako sa madaling salita hinawakan niya ang kamay ko na naging dahilan para mapatigil ako at lumingon sa kanya.

May kinuha siya sa bulsa niya,at dahan dahang niluhod ang isang tuhod  at binuksan ang isang box namilog ang mata ko ng makita ko kung ano ang laman isang singsing.......

Napataop ako sa aking bibig para pigilan ang paghikbi.

"Cleanna Xhastine Vane, will you marry me? And spend your life with me? Please say yes baby" dumako ang paningin ko sa pamilya ni Axel, pulos umiiyak ang mga ito, akala ko ba ayaw nila sa akin? Bakit sila nandito ngayon? At umiiyak pa. Well bahala na.

A Forgotten Love (Completed)Where stories live. Discover now