Chapter 12

744 21 0
                                    

Tine's POV

"Kanino?"

"Kay.....Elisse po"Kay labiy?....

"Kay labiy?"

"Yes, Kristine kay Elisse"

"Pano mo nasisigurong kay Elisse nga iyon?"naguguluhang tanong ni mommy,kung kanina ay nakayakap siya kay daddy ngayon ay humiwalay na ito. Kusang tumulo ang mga luha ko. Ang saya saya ko. A-ang best friend ko ay ang nawawala kong kakambal. Ang tagal kong pinangarap ito,sa wakas nagkatotoo na.

"I knew it"wala sa sariling nasambit ko

"You knew what?"tanong ni mommy,tumingin naman si daddy sa direksiyon ko.

"Noong una nag titingin ng pictures si labiy sa cellphone ko,nakita niya ang pictures namin ni Xhastine,may hawak kaming dalawa na teddy bear yung regalo ninyo sa'min,at yung dinala niya before the accident happened,tapos sabi niya may teddy bear daw siyang ganon,pinakita niya panga sa'kin,kamukhang kamukha non ang teddy bear ni Xhastine,and that time I starting to doubt her,and now I'm right, she's my twin"lumuluhang sabi ko.

"Why didn't you tell us"

"Ahm..Cristel pano mo nalaman na si Elisse ang nawawala naming anak"

"Umiinom ako ng tubig noon,and narinig ko ang sinabi niya na iinom siya ng tubig at yung inutos niyo Mr. Felix,pero it turns out na I need to pooped pero imbis na ilagay ko sa lababo ang baso na ininuman ko para makuha niya Elisse ehh nadala ko sa loob,and may baso akong naiwan doon sa lababo yun ang ininuman ng boyfriend ko,ang baso na nadala ni Elisse ay siya ding baso na ininuman niya,dahil ang basong ininuman niya ay ang basong paborito ko,kaya nalaman kong yun ang ininuman ni Elisse"paliwanag ni Cristel.

"Honey....si E-elisse ang anak natin"

"Yes honey"

"I want to see her,I want to tell her,that she's my daughter,I want to hug her"

"Me too mom"

"Ahm.. Kristine puntahan niyo na si Elisse sa apartment niya"nakangiting sabi ni Cristel sa'min

"Thank you"

"You're welcome"

Namumugto ang aming mga mata ng makarating kami sa mismong tapat ng apartment ni labiy. I leave a deep breath before entering the gate. Tatlong katok ang ginawad ko bago kami pagbuksan ng pinto ni labiy,bumungad sa akin ang maamo niyang mukha,talgang magkahawig na magkahawig kaming dalawa. Isa isa namang nag situluan ang mga luha ko,agad niya akong niyakap at dinala sa sofa niya,Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay ang pagka maalalahing tao. Umupo sa kabilang sofa sina mommy at pinahiran ang mga luha niya,si daddy talagang pinakita niya ang pagiging matatag. Kami nalang ang pumunta dito at hindi sa sumama si Mr. Felix dahil may kukunin pa daw siyang resulta ng mga nag pa DNA test.

"Anong nangyari sa inyo bakit kayo umiiyak?"umiling lang ako ng umiling.

Kinuha ni mommy ang brown envelope at binigay kay labiy, tinanggap niya naman ito.

"Ano po to?"

"Resulta yan ng DNA test"sagot naman ni daddy

Maingat na binuksan ni labiy ang envelope,tumambad sa kanya ang resulta.

"Congrats po sa inyo,nahanap niyo napo si Xhastine"magiliw niyang sabi sa'min pero mahahalata mo ang lungkot sa boses niya.

"Labiy naaalala moba yung nasa bahay tayo ni Cristel? di'ba binigay moyong baso kay Mr. Felix"tumango naman siya

A Forgotten Love (Completed)Where stories live. Discover now