Chapter 46

63 3 5
                                    

A/N: this will be Aella's POV.

Chapter 46: Day 1

AELLA MOON SWAYZE

5:48 a.m. After she left at the hospital

Kahit mahirap man sa aking umalis, kahit gusto ko man manatili sa kanilang tabi ngunit malalagay lang sila sa panganib dahil sa akin at ayaw kong mangyari 'yun. Simula pag-talikod ko sa hospital ay kaagad na bumagsak ang aking luha.

Alam ko sa ngayon ay alerto na silang lahat na nawawala ako at hinahanap na ako dahil panigurado akong nagising na si ate Alyssa. Pero hindi ako pwedeng mag-back out ngayon dahil malapit na ako makarating sa destinasyon ko.

Ang destinasyong matagal ko ng tinalikuran simula pa lamang noong bata ako. Kung saan saksihan ko ang mga taong namatay, k-kung saan ako dinala nang aming walanghiyang halimaw na Tito— hindi ko maisip kung bakit sa sarili niyang pamangkin ay nagawa niya ito.

Oo... nag-panggap akong walang naalala upang talikuran ang lahat ng sakit at paghihinagpis na nararamdaman ko. Naalala ko kung paano ako alagaan nina tita Guadalupé at tito Samuel.

"Iha, dito ka muna titira sa bahay na ito hangga't hindi pa namin nahahanap kung sino man ang may gawa n-nito sa inyo."

Mariin akong napa-pikit at biglang lumabas ang imahe nina Raid at Hera habang si Ryder ay nasa likuran nila na naka-ngiti ng malungkot.

"Mommy... mommy balik ka ah?"

Tumingin ako sa itaas upang hindi tuluyang mahulog ang mga luha ko. Kaagad akong napa-tigil nang maka-rinig ako nang kaluskos sa paligid. Paparating na sila. Nag-buntong hininga ako atsaka itinigil ang sasakyan sa gilid.

Walang poste ng ilaw rito, ang tanging nasa paligid ko lang ay mga malalaking damo at puro puno. Sa tingin ko ay malapit na ako sa bayan, doon muna ako pupunta para bilhin ang mga kailangan ko. May baril naman na ako at mga bala kaya ang kulang ko nalang ay matutulugan kung sakaling maka-takas ako mula sa kanila atsaka pagkain na rin at damit.

Kailangan kong maging handa sa kung anong pwedeng mangyari dahil baka dumating ang hindi ko inaasahan. Inilabas ko ang aking cellphone na bago. Bumili ako ng bago dahil alam kong ma-tr-track nila ang aking selpon kahit wala ang number ko.

Binuksan ko ang gallery ko at ang unang bumungad sa akin ay ang picture ng aking pamilya. Tatlo lang silang nandoon dahil panigurado akong pinaki-elaman nila ang cellphone ko habang tulog ako.

Napa-ngiti ako habang hinahaplos ang imahe."If only I had a two choice..." bulong ko."Kamusta na kayong dalawang makulit? Sana naman ay hindi n'yo papahirapan ang Ama n'yo pagkagising niya. Uuwi ako sa inyo, uuwi ako ng buhay. Mahirap mangako pero gagawin ko lahat para makasama ko kayo ulit." Sandali ko lang tinitigan ang imahe nila bago paandarin muli ang sasakyan.

Mga ilang metro lang ang layo ko sa bayan. Sa tagal kong hindi pumunta rito ay natatandaan ko pa rin ang mga lugar at shortcut dito. Dito ang lugar kung saan kami naka-tira nila Mom at Dad noon, noong panahong masaya pa ang lahat at wala pang hadlang sa kasiyahan namin.

Madilim pa ang langit pero sumisilip na ang ka-unting ilaw ng araw. Kung walang panganib dito ay baka rito ko na dinala sila Raid at Hera para makita nila kung anong itsura ng pamumuhay ng mga taga-probinsya.

Ilang saglit pa ay naka-rating na ako sa bayan. Bumaba ako ng aking sa sasakyan. Gising na ang mga tao rito, nag-hahanda para sa ititinda nila. Dumaretso ako sa isang matandang bulag ang isang mata, may hawak-hawak s'yang batsa na may laman na mga isda.

"Manang," tawag ko rito.

Tumingin siya sa akin na para bang nag-tataka kung sino ako."Sumunod ka sa akin," 'yan lang ang sinabi niya bago ibaba ang batsa atsaka umalis.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon