Chapter 41

70 4 0
                                    

Chapter 41: "Sometimes... we just have to treasure things before it gone"

Napa-linga-linga ako, na saan ako? Bakit ang tahimik ng lugar? Nag-lakad-lakad ako. Maraming bulaklak sa paligid, panigurado akong Camellia flowers ito dahil ito ang paborito kong bulaklak.

Tahimik ang paligid... wala akong makitang tao, tanging ako lamang ang naka-tayo sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako, basta't naka-tayo ako sa harapan ng isang lalakeng naka-talikod.

Hindi ko alam kung tao siya o isang rebulto, hinihakbang ko ang paa ko ngunit kapag humahakbang ako ay humahakbang din siya. Napa-kunot ang noo ko, bakit siya lumalayo sa ako? Naisipan kong tawagin nalang siya.

"Uhm... hello? Anong lugar ito? Na saan ako?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

"Hello?" Tawag ko ulit."Bingi ka ba kuya?" Bulong ko sa sarili ko.

"Hi? Low? Yuhoo! Kuya, nandito ako sa likod mo, tinatawag kita," sabi ko."Humarap ka dito sa akin, wala ako r'yan sa harapan mo," katulad kanina ay hindi siya sumagot o gumalaw manlang.

"Bakit ba kasi ako nakikipagusap sa rebulto? Mukha tuloy akong—" natigilan ako nang unti-unti siyang humarap, nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino 'yun."K-kuya? Ikaw ba 'yan?"

Ngumiti siya sa akin, nakita kong butas ang kanyang dibdib at tagiliran sa t'yan. Naalala ko 'yun, 'yun ang parteng na baril si kuya kung saan hindi ko alam na huling yakap at kausap ko na pala sa kanya.

"Kitten... nandito na ako ulit oh, hindi mo manlang ba ako yayakapin?"

Nanggilid ang aking mga luha."K-kuya," lalapit sana ako sa kanya ngunit katulad kanina ay sa tuwing humahakbang ako ay lumalayo siya."Bakit ka lumalayo? Kala ko ba gusto mo akong yakapin kuya?..."

Ngumiti lamang ito sa akin."I miss you, kitten,"

"Kuya, bumalik ka na. Nag-hihintay ako sa 'yo... matagal na," pagmamakaawa ko."Umuwi ka na kuya, please? Sabay tayong umuwi gusto mo? Mahal na mahal kita— namin kuya, nag-hihintay pa si mama sa 'yo pati na rin ang mga pamangkin mo,"

Umiling siya."But my home is here," sagot niya.

Nag-simulang tumulo ang aking mga luha."H-hindi! Huwag kuya please, 'wag mo akong iwanan ulit..." umiling-iling ako."Sumama ka sa akin kuya, ipapakita ko sa 'yo 'yung bahay natin at kung saan ka naka-tira—"

"Remember that I'm always there kitten, huwag mong kalimutan ang mga bilin ko ah? Huwag kang makulit, huwag kang maka-sarili katulad ng dati... bumalik ka na sa kanila, naghihintay sila sa 'yo. Mahal na mahal kita, Aella, paki-sabi na rin kila mama," tumalikod na siya.

Umiling ako."Huwag kang tumalikod kuya! Huwag please! Sumama ka sa akin," sinubukan ko siyang lapitan ngunit lumalayo siya bawat hakbang ko, sinubukan kong habulin siya ngunit hindi ko siya maabutan kaya't bumagsak ako sa lupa dahil alam kong wala ng pag-asa.

"B-bakit? Sabi mo hindi mo ako iiwan, sabi mo sabay tayong mamasyal? Sabi mo mahal mo ako? Bakit?! Bakit ba kayo nangangako kahit wala namang kasigaruduhan? Bakit n'yo ako ginaganito? B-bakit napako ang mga pangako mo? Bakit kuya? Bakit..."

Hindi niya ako sinagot bagkus ay nag-simula na siyang mag-lakad papalayo sa akin, nanatili akong umiiyak ng tahimik habang pinag-mamasdan ang rebulto niyang papalayo sa akin. Ano bang nagawang mali ko para magkaganiti ang buhay ko? Bakit ba lagi akong iniiwan ng mahal ko sa buhay?

"Kuya... kuya, sumama ka sa 'kin. Kuya please? Nagmamakaawa ako," paos na ang aking boses at nanghihina na rin ang aking katawan.

"Mommy wake up! You're having a bad dream,"

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon