Special Chapter 1

69 2 0
                                    

⚠️SPOILER ALERT⚠️

Special Chapter 1

Nanginginig ang aking katawan pero mas nangingibabaw ang iyak ng mga batang kasama ko lalo na 'yung ka-edad kong babaeng naka-suot ng mamahaling gown. Pinuntahan ko siya at niyakap.

"Tumahan ka na, makakabalik ka sa mga magulang mo. Itatakas ko kayo rito." Pagpapatahan ko sa kanya.

Pinunasan niya ang kanyang luha. "Salamat sa pagpapatahan sa akin," aniya. "That freakin' men! Ugh! My parents shouldn't left me with that dumb maid!" Galit niyang sinabi.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Quinn Clelia, you can call me Lia if you want," pakilala niya.

"Aye, itawag mo sa akin," sumandal ako sa pader. "Ilang taon na akong nagtatago sa kanila pero nalaman kong may ginawa silang gan'to kaya nagpakuha ako sa kanila para iligtas kayo."

"It's funny because it's my second time being kidnapped again," sabi ni Lia na parang sanay na siya. "Because of my parents being an influence and famous business woman and man. Kaya maraming target ako para magkapera sila."

Nagulat kami nang biglang may humampas sa pintuan. "Manahimik kayong mga walang kwenta!" Sigaw ng tauhan sa labas.

Kita ko ang takot nilang lahat kaya lahat sila ay napatahimik. Nagbuntong hininga ako.

Tiningnan ko silang lahat. "Huwag kayong maingay, papagalitan nila lalo kayo. Makakalabas kayo rito, basta't sundin niyo lang ako." Sabi ko.

"Eh sino ka ba?! Paano tayo makakatakas sa bulok na 'to!?" Reklamo ng binatang lalake. "Bata ka pa! Wala kang alam sa ganito! Lahat tayo dito ay mamamatay at kakatayin nila tayo at ibebenta ang organs natin!"

Sinamaan ko siya ng tingin pero nanatili akong kalmado. "Ikaw na baboy ka. Kung ayaw mong makalabas e'di wag!" Inirapan ko pa siya. "Nakatakas na ako sa kanila, maraming beses na. Kaya, kaya ko kayong itakas dito, tumahimik kayo kung ayaw n'yong magaya katulad sa sinabi ng baboy na 'yan."

"P-pero sigurado ka ba? Alam mo ang daan dito?" Nag-aalinlangang tanong ng babae.

Tumango ako. "Oo. Kung ayaw n'yong sundin ang mga sasabihin ko para makalabas tayo, sabihin niyo lang hindi puro dada." Seryoso kong sambit.

"Sus! Pakitang gilas ka lang eh—" natahimik ang baboy nang biglang bumukas ang pintuan.

Kitang-kita ko ang pigura ng masamang damo na nakangisi. "Salamat at nahuli na kita. Kung hindi ako nagplanong gan'to ay baka matagalan pa ako." May hawak siyang papeles at ballpen at sabay na binagsak sa harap ko na mas lalong ikinatakot ng mga kasama ko.

"Hindi ko 'yan pipirmahan! You killed my parents! You killed your own brother! Monster!" Sigaw ko. "Pera ang habol mo sa kanila, eh bakit hindi ka gumawa ng sarili mo?! Tanga!"

Nainis siya sa sinabi ko kaya't hinatak niya ang aking buhok na ikina-daing ko. "Huwag na huwag mo akong aangasan, bata. If I told you to sign it, sign it! Naiintindihan mo?!" Binitawan niya ang buhok ko. "O kung ayaw mo, isa sa kanila ang ipapakatay ko. Kapag hindi mo pa rin pinirmahan, isa-isa ko silang kakatayin sa harapan mo hanggang maubos sila. That's what you want, right? Brat?"

Dinuraan ko siya. "Kapag hinawakan mo sila, papatayin kita!"

Ngumisi siya. "That's right. Ipakita mo sa kanila kung gaano ka-demonyong bata ka, sabagay mana ka sa akin. If I were you, I would sign the papers and join forces with me." Aniya. "Babalik ako mamaya, kapag hindi mo pa rin 'yan pinirmahan, kukunin ko ang isa sa kanila."

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon