Chapter 40: Bonding
Nagising ako sa isang malambot na kama habang may yakap-yakap na matigas na unan, nag-unat ako ng ka-unti, ang sarap ng tulog ko! Naka-ngiti akong niyakap ng mahigpit ang unan, ang sarap matulog.
Napa-kunot ang aking noo ng marinig kong umungol ang yakap-yakap ko, kinapa-kapa ko ito. May nakapa ako kung ano, kailan pa nagkapaa ang stitch ko? O baka guni-guni ko lang 'yun? Pati ang likod nito ay daretso na parang tao— tao?
Binuksan ko ang kalahating mata ko, tumambad sa akin ang matigas na dibdib ng kung sinuman. Napa-kagat ako ng ibabang labi nang may lumabas na marumi sa aking isipan, punyetang isip na 'to.
Inangat ko ang akong mukha, nasilayan ko ang anghel na mukha niya. Nanlaki ang aking mga mata, bakit siya nasa tabi ko at... yakap-yakap ko pa?!
"Ahh!" Tinulak ko siya dahil sa gulat, sinilip ko ang suot ko. Laking pasasalamat ko at may damit pa ako pero— iba?
"What the fuck?!" Mura ni Ryder, tumayo siya."What happened? Are you okay?"
Umiwas ako ng tingin at nag-taklob ng kumot."B-bakit nasa tabi kita? May ginawa kang masama noh? Sinasabi—"
"What are you talking about? You're the one who pleaded to me," hinawakan niya ang kanyang likod."My backs hurts as hell,"
Nanlaki ang mga mata ko."Ako?" Turo ko sa sarili ko.
"Yeah, didn't you remember?" Tanong niya atsaka umupo sa tabi ko, umusog ako."I cooked you porridge, bought you french fries from KFC and I made you apple juice last night because you're hungry,"
Napa-kunot ang aking noo."Nagising ako kagabi?" Tanong ko, tumango siya."Pero di'ba nasa—" hindi ko na-ituloy ang sasabihin ko nang bumukas ang pintuan at iniluwal no'n si Hera.
"Mommy! You're awake," tumakbo papalapit sa akin si Hera, sumampa siya sa kama.
Umupo ako."Kumain na kayo?" Tanong ko.
Tumango siya."Yes, daddy cooked for us! The dish is so yummy!" Sambit niya.
Sumulyap ako saglit kay Ryder na nasa tabi ko na pala."I'm a good chef, right sweetheart?" Pagmamalaki ni Ryder.
Tumango-tango si Hera."Yeah, you're a better cooker daddy," aniya.
Inikot ko ang mga mata ko atsaka humiga ulit, kinuha ko ang isang unan na inuunan ni Ryder kanina atsaka yinakap 'yun. Wala pa ang stitch kong unan dahil nakalimutan kong nasa labahan pa pala 'yun.
"Looks like your mommy is jealous," rinig ko bulong ni Ryder.
"Narinig ko 'yun ah!" Sita ko sa kanila atsaka sinamaan sila ng tingin.
Tumawa sila pareho."Honesty is the best policy, mom," sagot ni Hera.
"You're really my daughter," sabi ni Ryder kay Hera.
Inikot ko ang mga mata ko atsaka tumayo."Ewan ko sa inyong dalawa, bahala kayo r'yan," hindi pa ako nakakalabas nang marinig ko ang tawa nilang dalawa.
Nag-buntong hininga ako, like father, like daughter lang? Sa kwarto muna ako nila Raid dahil mas tahimik doon at walang ingay kaysa naman doon sa kwarto ko. Pagtritirpan lang ako ng mag-ama, nakahanap na ngayon ng kakampi si Hera.
Pag-bukas ko ng pintuan nadatnan kong natutulog pa rin si Raid, siguro ay natulog ulit siya. Sinara ko ang pintuan atsaka tumabi sa kanya. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang magising si Raid.
"Hmm... mommy? You're already awake," inaantok niyang sinabi."Where's Hera?"
"She's with your daddy," sambit ko."I have no work today, gusto mong pumunta tayo sa amusement park?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Caught By Your Arms(EDITING)
Roman d'amourMartinez Siblings Series #1: "I will still choose you even if the destiny against us" -Aella Swayze Bullying is what he does when his bored, always bully whoever he wanted. He's spoiled but he has his own money to pay what he caused, he thought tha...