Chapter 12

86 16 2
                                    

Chapter 12: Tadhana

"Aye!" Tawag sa'kin ni Yen.

Tinaasan ko siya ng kilay."Hmm?"

"Kanina pa kita tinatawag bingi ka ba? Ano bang nangyayari sa'yo ha? Pagkarating mo kanina dito sa skul parang hindi ka namamansin, nag-bakasyon ka lang gan'yan ka na." Sabi niya.

Umiling ako."Wala." Maikli kong sagot.

"Oh di'ba! Ang ikli ng sagot mo, sino ba kasi kasama mong nag-bakasyon at gan'yan ka?." Taas kilay niyang tanong.

Inikot ko ang mga mata ko."Anong gusto mong sabihin ko? Nothing, nothing, wala, wala?." Pambabara ko."Atsaka huwag mo ng itanong kung sino."

Inirapan niya ako."Hmp! Sila Lia na nga lang kakausapin ko para naman may sense." Aniya, kinawayan niya sila Lia at Ara na may hawak-hawak na tray.

Nagbuntong hininga na lang ako at kumain, hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa'kin, para akong sinapian ulit ni katahimikan.

"Sorry, medyo late kami. Si Ara kasi ang tagal matapos, ginagandahan pa 'yung drawing eh maganda na nga." Sabi ni Lia at umupo siya sa tabi ko.

Inirapan naman siya ni Ara."Gusto ko eh, paki mo ba?."

May kinawayan sila Yen, Lia at Ara, hindi ko na tinignan dahil wala akong paki-elam. Kumakain lang ako rito, hanggang sa mapansin kong papalapit sa'min ang magkakapatid kasama na.... siya.

Tumayo kaagad ako at umalis ng hindi nagpapapaalam, ayaw ko s'yang makausap o ni makaharap man dahil nanganganib ang pusong bato kong unti-unti ng nasisira.

Nagsisismula pa lang akong ayusin ang pader pero bakit parang pinaglalaruan mo kami tadhana? Nananad'ya ba siya? Palabas ako ng cafeteria ng biglang may humablot ng buhok.

"Malandi ka talaga! Slut!" Sigaw sa'kin ni Sidney.

Ang sakit sa anit! Hinawakan ko ang kamay niya atsaka diniinan ang kuko ko para mapabitaw siya, ng mapabitaw siya ay kaagad kong hinila ang buhok niya at isinubsob sa pagkain ng hindi ko kilala.

"Tang ina! Ayaw ko sa lahat ay 'yung binibwiset ako habang badtrip ako, ano masarap ba?."

Hinila ako nila Ericka para bitawan si Sidney."Let her go, slut!" Sabi nila.

Kaagad kong sinuntok si Lyka na naka-hawak sa kabilang kamay ko."Ahh!" Daing niya at napa-upo, napa-layo naman sa'kin si Ericka.

Tinignan ko sila ng malamig na tingin."Kung ayaw niyo makita n'yo ang tatay ni Yen, ang hari ng mga demonyo, huwag n'yo ako bibwisitin habang badtrip ako." Banta ko sa kanila at umalis na roon dahil masyado ng maraming nanonood.

"Aye!" Tawag sa'kin nila Ara pero hindi ko sila pinansin bagkus ay tumakbo na ako papaalis doon.

Wala akong panahon para makipagusap, badtrip na badtrip ako ngayon, isama mo pa ang biglang umepal na mga Bratenela. Umupo ako sa bench habang pinagmamasdan ang ganda ng hardin dito malapit sa open field.

"Aye!" Hindi ko na kailangan lumingon dahil kilala ko na ang boses na 'yun."Anong ginagawa mo rito?." Tanong ni Adri na kakaupo lang sa tabi ko.

"Humihinga." Maikli kong sagot.

Tumawa siya ng mahina."Mukhang badtrip ka ngayon ah? Gusto mo chocolates?." Tanong niya at inabot sa'kin ang Hershey's na dark chocolate.

Umiling ako kahit paborito ko 'yun."Masakit lalamunan ko." Umiyak kasi ako magdamag at uminom pa ako ng malamig na malamig na tubig kanina, kaya ayun sakit ng lalamunan ang nakuha ko.

Tumango siya at binawi ang Hershey'y."Ahh, kaya pala ang sobrang tipid mo mag-salita ngayon." Wika niya."Ba't wala ka sa cafeteria? Kumain ka na ba?."

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon