Chapter 36: Fear
Tumingin ako sa orasan, nag-buntong hininga ako nang makitang 11:35 PM na. Nag-overtime kaming lahat upang mabawi ang higit na isang bilyong perang nawala, si boss mismo ang nag-utos na walang uuwi hangga't hindi na kukumpleto ang lahat.
Ang iba naman sa opisina na ito ay mayroong hacker at tracker na empleyado kaya't nag-sama-sama sila sa iisang kwarto para doon pag-usapan lahat. Nandito ako ngayon sa opisina ni boss dahil narito ang lamesa ko at dito ang pwesto ko.
Nag-paalam na ako kila Raid na baka gagabihin ako ng uwi dahil may nangyari sa kompanya at pinabantayan ko sa kanya si Hera para huwag mag-kulit habang wala ako roon.
Nasa gilid ko naman ngayon si Jhai na mukhang sanay na sanay na, napa-lingon kami sa pintuan nang bumukas 'yun at iniluwal n'on si boss na mukhang pagod na pagod galing sa meeting.
Bigla akong siniko ni Jhai, tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay."Bakit?"
Nginusi niya si boss."Hilutin mo si sir, mukhang pagod na pagod oh," sabi niya.
"Hindi ako masahista, Jhai. Kung gusto niyang mag-pamasahe edi sa iba siya mag-pamasahe—"
"But your his personal assistant slash secretary," dagdag niya.
Inikot ko ang aking mga mata ko, napa-tingin ako sa selpon ko nang tumunog ito."Bahala ka r'yan, ikaw mag-masahe sa kanya kung gusto mo," sabi ko, kinuha ko ang selpon ko atsaka tumayo para sagutin 'yun.
Humarap ako sa glass wall."Mommy? I can't sleep po, I'm scared. Kuya is sleeping right now, I want to wake him up but he's kinda tired," inaantok na sinabi sa akin ni Hera.
Na-mana sa akin ni Hera ang pagiging matatakutin sa madilim, napa-ngiti ako."Want me to sing a lullaby song for you?" Malambing na tanong ko sa kanya.
"Yes please, moma,"
"Alright," huminga ako ng malalim."Lullaby and good night, In the skies stars are bright. May the moon's silvery beams, bring you sweet dreams~" mahina lang ang boses ko dahil ayaw kong may makarinig sa akin. "Close your eyes now and rest, may these hours be blessed. 'Til the sky's bright with dawn, when you wake with a yawn~"
After that I heard her humming, joining me."Lullaby and good night, you are mother's delight. I'll protect you from harm and you'll wake in my arms, sleepyhead close your eyes. For I'm right beside you, guardian angels are near. So we'll sleep without fear~" pagkatapos noon ay hindi ko na siya narinig na sumasabay sa akin.
Napa-ngiti ako atsaka tumitig sa buwan na kitang-kita mula rito, bilog na bilog ito at sobrang linaw na para bang nag-bibigay ng ilaw. Paniguradong kitang-kita ito sa kwarto nila Hera dahil alam kong paborito nila ang buwan kaya't doon ko sila pinatulog.
"I hope you see this moon... good night, I love you," pagkatapos noon ay ibinababa ko ang tawag pero hindi ako umalis sa puwesto ko.
Nanatiling naka-titig lamang ako sa buwan hanggang sa may mahagip akong naka-itim na mukhang nag-mamadali siya. Napa-kunot ang aking noo at lumapit sa glass wall, saktong tumingin siya sa kinatatayuan ko ngayon.
Bagkas sa mukha niya ang pagkagulat pero hindi ko nakit ang kanyang huong mukha dahil masyadong madilim doon. May hawak-hawak siyang mask na hula ko ay kulay itim ito, teka, bakit parang may kamukha? Parang nakita ko na ito— nanlaki ang aking mga mata.
"Boss! Building B, 12th floor," sigaw ko kay boss habang hindi lumilingon sa kanya.
Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko."What are you talking about?—"
Hinila ko ang neck tie niya at tinuro ang lalakeng pababa ngayon ng fire exit, hindi ko alam na glass wall din 'yung sa fire exit pero bakit parang hindi niya kami nakikita?
BINABASA MO ANG
Caught By Your Arms(EDITING)
RomanceMartinez Siblings Series #1: "I will still choose you even if the destiny against us" -Aella Swayze Bullying is what he does when his bored, always bully whoever he wanted. He's spoiled but he has his own money to pay what he caused, he thought tha...