Chapter 35

86 5 0
                                    

Chapter 35: Jealous?

Nasa elevator ako ngayon, ako ang nasa dulo at gilid pa ako. Mabuti nalang at gentleman itong nasa harapan ko, pinipilit niyang huwag dumikit sa aking ng maigi dahil kung hindi ay baka kanina pa ako naiipit.

Maaga akong umalis sa bahay dahil ako na mismo ang nag-hatid kila Raid sa bahay nila mama, sayang-saya nga silang dalawa kasi raw may dala akong jollibee kagabi. Hindi ko nga masabing galing 'yun sa ama nila dahil alam kong hindi na kakainin 'yun ni Raid.

Saktong pag-bukas ng pintuan ay nag-si-labasan ang lahat na mga taga-11th floor, kasama na ako roon. Bumungad sa akin ang nag-tatakbuhang mga empleyado, nagka-bangga-bangga na nga sila kaso para silang walang paki-elam.

Napadaan ako sa dati kong opisina, napa-kunot ang aking noo nang makitang halos magkandaugaga sila. Para bang may special na okasyon ngayon, may na babangga akong mga co-workers at napapa-sabi nalang ako ng 'sorry' kahit sila ang may kasalanan.

Mukhang may importante silang gagawin, nang makarating ako sa harapan ng pintuan ay binati kaagad ako ng bodyguard na nasa gilid.

Nginitian niya ako."Good morning, ma'am," bati niya.

Nginitian ko siya pabalik."Magandang umaga rin," hihilahin ko na sana ang pintuan nang pigilan niya ako."Bakit po?"

"Ahh, ma'am, 'wag n'yo pong papainitin ulo ni boss atsaka nasa conference meeting sila," aniya.

Humagikgik ako."Huwag kayong mag-alala kuya, kayang-kaya ko 'yun," pag-mamalaki ko.

Napa-kamot siya sa kanyang ulo."Sigurado ka ma'am? May choice ka pa namang mag-back-out at mag-file ng day off," sambit niya.

Napa-kunot ang aking noo."Ano po bang nangyayari? Kanina pag-labas ko ng elevator nag-sisitakbuhan lahat, may mga naka-bangga nga sa akin kaso mukhang wala silang paki-elam," kwento ko.

"Ah, ma'am kasi balita raw ho may nag-nakaw ng file kung saan nandoon nakalagay ang mga bank accounts ng kompanya. Nagkakahalagang malapit na sa isang bilyon 'yun, kaya sobrang init ng ulo ni sir ngayon. Lahat sinisigawan niya, kahit nga si ma'am Kristine at ako eh." Paliwanag niya.

Ba't na sali si ma'am Kristine? Tumango na lamang ako."Salamat sa impormasyon, kuya. Pasok na ako, baka magalit pa si boss," paalam ko.

"Ingat ma'am!"

Binuksan ko ang pintuan atsaka inilapag ang bag ko sa lamesa bago lumabas para pumuntang conference room. Katulad kanina ay maraming naka-bangga sa akin, mabuti nalang at na balanse ko ang tayo ko.

Tumingin ako sa board sign para tingnan kung conference room ba 'yun, laking pasasalamat ko at tama ang napuntahan ko. Huminga ako ng malalim bago pumasok, napa-tingin kaagad ako kay boss na nasa gitna.

Na roon si boss kasama ang mga share holders, na mukhang nag-me-meeting sila. Nagulat silang lahat pati na rin ako nang ibagsak niya sa lamesa ang mga files, walang gustong umimik ni-isa sa kanila dahil mukhang alam na alam ang ugali ni Ryder kapag nagagalit ng sobra.

Actually ngayon ko lang siya nakita na ganito, para bang may nang-agaw sa kanya na pag-mamay-ari niya— pag-mamay-ari naman niya talaga 'yun. Nag-buntong hininga ako atsaka kumatok sa pintuan dahilan ng pag-tingin nila sa akin.

Ang kaninang kunot noo niya ay napalitan ng malambot na mga mata, tumikhim siya."Anything you need?" Malamig na tanong niya.

Tumango ako."Kakausapin sana kita boss kaso mukhang busy—"

"No, I'm not busy. Let's go, I fucking hate the atmosphere in here," sabi niya atsaka kinuha ang coat niya.

Tumango nalang ako atsaka naunang lumabas, hindi ko namalayan na sabay na pala kaming nag-lalakad. Ang bilis naman niya, sabagay mahaba rin ang bias niya kaya't hindi na ako mag-tataka na mauunahan niya pa ako.

Caught By Your Arms(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon