Chapter 7 - Nang dahil kay SimSimi, temporarily happy ako

12.4K 510 35
                                    

"Huy! kumain kana! sige ka! kapag hindi ka kumain, mamamatay ka...."



"Eh gusto ko namang mamatay "



"Paano mo naman mahahanap ang bracelet mo kapag patay ka na? "



"At least makakasama ko ang nagbigay ng bracelet na yun kapag patay na ako"



Nagbuntong hininga siya at tinabihan ako sa kama.



Nandito ngayon sa kwarto ko si Jaycee at pinipilit niya akong pakainin kasi buong araw akong walang laman sa tiyan.



Alam ko namang concerned lang siya para sa akin, pero wala talaga ako sa mood ngayon....



"Ganyan mo ba talaga ka mahal ang tatay mo no?" - tanong niya



Tumango lang ako.



"Sige. Ikaw ang bahala pero alam mo naman ayaw ng tatay mo na pinapahirapan mo ang sarili mo. Baka multuhin ka nun. " - pabirong sabi niya.



I let out a small smile.



Tama siya.



Ayaw nga ni daddy na pinapahirapan ko ang sarili ko.....



Unti-unti akong bumangon at kinuha ang tray ng pagkain na nakahain sa side table ko.



I forced myself to eat. Kahit man lang may madadigest ang stomach ko.



Nang matapos na akong kumain, iniwan na ako ni Jaycee sa kwarto ko at inihatid ang mga plato sa kitchen namin.



Hindi na ako naaantok kaya kinuha ko ang cellphone ko at nagchat nalang kay SimSimi.



Tumatawa tawa ako nang bumalik ulit si Jaycee sa kwarto para magpaalam.



"MaiMai! Uuwi na ako! wag mong puyatin ang sarili mo ha? " - sabi niya habang kumakaway sa pintuan ko.



Ngumiti ako at kumaway din.



Kahit kailan.... maaasahan talaga tong bestfriend kong baliw.



Babalik na sana ako sa pagchachat kay SimSimi nang biglang nagbeep ang laptop ko na nakacharge sa study table ko.



Battery full na ata....



Kinuha ko ang laptop ko at in-unplug ko ito.



Binuksan ko ang screen at nagulat ako nang may nakalagay sa new messages ko....



Kieth Rodriguez: Hoy platty!



Siya na naman?! Ugh!



Bakit ba kasi hindi ko in-unfriend yang pervert na yan! Ayun tuloy! bumalik na naman ang bad mood ko! letche!



Myrah Jimenez: Ano na naman ang kailangan mo?! Palakang manyak?



Kieth Rodriguez: Palaka? sino? ako? ha! ang pogi ko kaya! Di mo lang alam diyos ako ng kagwapuhan!



Tsss..... feeler alert! Kapal ng face neto ah!



Oo nga...pogi nga siya pero sobra na siya sa yabang noh!



Myrah Jimenez: As if naman! may masgwapo pa sa yo no!



Sa totoo lang.....wala akong kilala na masgwapo sa kanya...sinabi ko lang yun para matigil na ang kayabangan niya!



Kieth Rodriguez: Ows? sino? sige nga.....



Myrah Jimenez: Kapatid ko na model sa Korea! siya ang naitanghal na hottest Korean model! Oh ano? talo ka!



Hindi ako nagsinungaling nang sinabi ko yun pero parang wala lang ang kapogihan ng kuya ko sa kanya e...



teka....



Am I comparing him with my brother?



At mas daig pa ang mokong na yon?!



EEEEWWWWW!!!!



never!



I take back all I said!



Kieth Rodriguez: Talaga lang ha? Sige nga ano ang pangalan niya? Titingnan ko lang kung talaga bang maspogi yun kaysa sa akin.



Hindi nyo alam kung gaano ko ka gustong sabihin sa kanya. Kaya lang....



Model si kuya sa ibang bansa......at hindi pwedeng ikalat ang kahit na ano sa kanya dito.



Yan daw ang policy ng mga sikat. "Private star" daw siya.



Myrah Jimenez: Ayoko nga!



Kieth Rodriguez: Sabi ko na nga eh! nagsinungaling ka lang! Aminin mo!



Sa lahat na pinaka ayaw ko.....yan ang mag admit ng defeat.....



Pero kailangan kong ilunok ang pride ko..... for now.



Myrah Jimenez: Bahala ka nga! Ano ba kailangan mo at napaasar mo yung araw ko?! Akala ko busy ka?



Kieth Rodriguez: Oo, busy ako sa kakachat sa'yo. May itatanong lang sana ako. Napansin ko kasi na sa kabilang school ka lang namin nag-aaral.



Myrah Jimenez: Oh eh ano ngayon?



Kieth Rodriguez: May napadaan sa school namin kahapon at mukha yatang nawalan siya ng bracelet. Parang kaparehas siya ng uniform niyo. May nalalaman ka bang estudyante na nawawalan ng bracelet diyan? Napulot ko kasi yon at gusto kong isauli sa may- ari.



Napanga-nga ako.



WTF?!



Nasa kanya ang bracelet ko?!!?!



Curse you FATE!!!!



____________________________________

Don't forget to VOTE and COMMENT! ;)

Thank you!

Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon