Chapter 35 - A best friend's hate

6.8K 233 49
                                    

Jaycee's P.O.V.



"Hoy Jaycee! Bilisan mo! baka ma-late tayo!" - sigaw ni Aito sa labas ng bahay ko.



"Oo na! Oo na! Just give me 5 more minutes!" - sigaw ko sa kanya.



"Eh yan ang sinabi mo kanina!" - pilit niyang sigaw.



"Last na 'to promise!" - sabi ko.



Narinig ko ang groans ng neighbors. Heh... ang laki kasi ng boses namin.



Kanina pa kasi si Aito sa labas ng bahay naghihintay sa'kin. Yiieeeee! kenekeleg ako! Chos! nandito lang siya dahil nakagawa ako ng assignment at siya hindi.



Mangongopya siya sa'kin mamaya sa school before flag ceremony. That's why gusto niyang maaga kami pumunta dun. Tss...



And of course, nagpapakipot ako para lang masulit ko ang panahon na siya naman ang naghihintay sa'kin. Kahit na its not what I imagine but.... eh, I get what I get.



Kaya ayun. Madaling-araw pa nga lang, eh nagsisigawan na kami ni Aito. At halatang-halata na naiistorbo na ang mga kapitbahay namin. Sino kaya ang hindi? Ang lakas ng boses ng lalaking yon!



"A-ah... hijo, baka gusto mong pumasok muna? Pwede naman kayo mag-usap ni Jaycee sa loob."



Hindi na siguro kinaya ng nanay ko ang ingay dahil lumabas siya at inaya si Aito na pumasok sa loob.



Kakalabas ko lang ng room ko nang nakita ko 'to at bago ko man mapigilan ang nanay ko, inunahan na ako ni Aito.



"Ah.. Eh wag na po. Dito lang po ako." - sabay ngiti. At si mama naman parang tinamaan ng pana ni kupido.



EW! Ma! akin lang siya!



Lumingon ang nanay ko sa'kin and she mouthed, "Ang pogi ng boyfriend mo anak!"



I gave her my death glare but I was cut off by a certain someone.



Aito saw me and immediately called for me. Wala na akong magawa kasi wala na akong ma-isip na excuse para lang maghintay pa siya.



So I grabbed a slice of bread from the kitchen table and ran outside. But not before kissing my mom goodbye and whispering, "Ma friends lang ho kami."



Oh and if you're wondering, may kapatid akong babae na natutulog pa sa kwarto niya and my dad went to work early kaya hindi ko na sila nabid ng goodbye.



Nag-skip ako across our pavement until I reached our gate.



"Took you long enough." - pasimpleng sabi ni Aito at the other side.



"Hehe.." - Nagpeace sign ako sa kanya with a smile habang binubuksan ko ang gate namin.



Nang nakalabas na ako at kaharap ko na siya, bigla siyang nag-hold out ng kamay niya.



Oh my....



Biglang tumalon ang puso ko. Is he.... asking me to hold his hand?!



Tumingin ako sa kanya with unsure yet hopeful eyes with my hand to my heart. At inilapit niya ang kamay niya sa akin.



Gulp.... Ito na ba ang the moment na hinahanap ko?!



Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon