*pak!*
"Bobo! sabi ko yung babae lang ang kunin nyo!" - sinapak niya ang lalaki sa likod ng ulo. "Simpleng bagay lang hindi nyo maintindihan?! Lintek!" - he groaned inwardly.
"Ah....eh... Pasensya na bro, hindi kasi namin alam kung saan ilalagay yung katawan ng lalaki eh.... akala namin--" - hindi na natapos ang sentence niya kasi sinapak ulit siya sa ulo.
*pak!*
"Gago! iniwan nyo nalang sana sa gilid ng sidewalk! Pinsan ko yan eh! paano kung isusumbung niya ako?! ha?! damay din kayo! Yung babae lang ang may atraso sa'kin!" - sabi niya habang nanggigigil sa sobrang galit.
"Sorry na nga eh! Nataranta lang talaga kami! Hindi kami sanay sa kidnapan! Basketball players kami bro, hindi kidnapers!" - paliwanag ng isa.
"Oh ano ngayon? Kayo naman ang pumayag sumama sa'kin ah. Wala nang magagawa yang sorry mo! Pag ako sumablay dito, lagot kayo sa'kin!" - sabi ng lalaking may piercing and with a loud thud on the door, tuluyan nang lumabas sa kwarto.
Tss.... kung hindi lang dahil sa pera mo, matagal ka na naming binugbog! - the other guy thought.
Sumunod siyang lumabas sa kwarto with an even more irritated slam on the door.
----
"psst."
hmmm.... sweet .... chocolate..... cake....
"psst."
hmmm ....oh so smooth creamy filling......
"PSST." - he tried again, louder.
hmmm .... fluffy strawberry icing....
"hoy Myrah! gumising ka na nga!Nakidnap na nga tayo, tumutulo pa yang laway mo!" - may narinig akong boses ng lalaki na parang pinipigil ang pagsigaw sa likod ko.
Psh. wala lang yan!
Ipagpatuloy mo lang ang napakasweet dream mo, Myrah.
Anong mapapala mo kapag sumunod ka sa kanya? Wala diba? Minsan ka lang nakakapanaginip ng desserts! Ano ka ba?! Matulog ka na nga ulit!
"Ahhh...ayaw mo talagang gumising ha?" - sabi niya na puno ng pagbabanta ang boses. Parang sasabog na ata siya sa inis.
Wala akong paki kung naiinis siya no! Basta matutulog ako! What's the worst thing he could do?
Lick me to death?
And then, I thought too soon.
May bigla akong naramdaman na nakakapangilabot na lamig sa leeg ko. At parang may slime na dumidikit dito. And when it reached my earlobe, hindi ko na natiis.
I opened my eyes and instinctively headbutted the person licking me.
Hoy! kung ikaw kaya tinitilaan ng taong hindi mo kilala anong gagawin mo?!
Pucha ka Myrah! ba't mo pa kasi naisip yun in the first place?!
Alam mo naman na hindi sang ayon sa'yo si fate!
Ayun tuloy! you ate your own thoughts >.
"Aray! Damn Myrah! ang sakit nun ah!" - (half)sigaw-(half)whisper niya sakin.
Luh? Sakit daw?!
I glared at him. Pero since nakaback-to-back kami, half-lang ang nakita niya.
"Tinatanong pa ba yan Mr. Rodrigez?! Eh kung ikaw yung nasa posisyon ko, anong gagawin mo?! Pasalamat ka nga na nakatali tayo at headbutt lang ang natama mo!" - I hissed at him.
But before he could reply, I realized something from my last sentence....
"Teka.... nakatali?" - I glanced at my lower body and saw that I was tied to the moron at my back. My eyes widened in shock.
Da HECK?! Anong nangyari?!
Parang na-flush out na yung galit ko at nareplace na ng takot.
Tumingin ako ulit kay Kieth with a panic expression this time. Na para bang tinatanong ko kung mamamatay na ba kami.
And all he gave me as a reply was a short "Exactly" and his famous smirk.
Its like hes telling me that this is the reason why he woke me up.
But the question still remains....
WHY DID HE LICK ME INSTEAD OF WAKING ME UP LIKE WHAT A NORMAL PERSON WOULD DO?!
"Ok. Gets ko na kung bakit mo ko ginising pero, kailangan pa ba talagang tilaan mo yung leeg ko? Hindi ba pwedeng gisingin mo 'ko in a normal way?" - sabi ko.
"Bakit? nung ginawa ko yang 'normal way' na sinasabi mo, umipek ba?" - he countered.
Hindi ako nakasalita.
"Thought so."
"Pero, paano mo yun ginawa? Ano? may owl head ka na ngayon? ganun? " - I asked sarcastically.
He shrugged. "Hindi naman. Sadyang mataas lang yung dila ko." - pabiro niyang sagot.
Hindi na ako nakareply sa sinabi niya dahil may biglang pumasok sa kwarto.
"Oh gising na pala kayo." - sabi ng isang lalaki na nakaski-mask. "Siguro naman, alam niyo na kung anong sitwasyon ang kinalalagyan niyo ngayon?"
"Actually, hindi eh. Pakiexplain nga." - sabi ko.
"Wag kang magmaang-maangan diyan miss Jimenez. You know exactly what I mean."
"Oo alam ko na kinidnap niyo ako at tong kasama kong lalaki. That much, I know. Pero hindi ko gets kung bakit nyo to ginagawa." - I said as a matter of fact.
"You'll know sooner or later." - he smirked.
I don't know if its because of the ski-mask, or him being my kidnapper, but I prefer seeing Kieth's smirk than his.
I have a bad feeling about this....
_________________________
I hope you guys liked this one!
Peace out!
~Ms. Author~
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)
Teen Fiction" Never in my whole life did I expect that the reason why I fell in love was just because of a chatting robot. " -Myrah Si Myrah Jimenez ay isang average high school student with a not so average addiction. At si Kieth Rodriguez naman ay isang ave...