Chapter 9 - Nang dahil kay SimSimi, badtrip ako

11.7K 519 48
                                    

"Sorry..... nasaktan ka dahil sa'kin" - mahinang sabi ko.



He stood up and dusted his shirt arrogantly.



"Tss....Tanga mo kasi. Ayun tuloy nadumihan ako! " - galit na sabi niya.



Tumingin ako sa kanya. Kahit man sabihin ko na gwapo siya, mayabang pa rin ang mokong na yan!



"Sorry talaga" - Ayan ha....binaba ko na pride ko.



"Tch...... kung hindi dahil neto hindi sana masakit ngayon ang ulo ko! " - inihagis niya ang phone ko sa'kin. Muntik na ngang mahulog, buti nalang nasalo ko kaagad.



Eh lentek siguro to ah!



"Nagso-sorry na nga ako diba?! Di mo ba gets?! Pag-nagsorry ang tao, pinapatawad! Hindi sinisermonan!" - hindi ko napigilang sumigaw.



Siya kasi eh! Pagwapo pa ang dating pero bulok naman ang ugali!



Nagsorry na nga ako eh! Di pa ba sapat yun?!



Kasalanan ko nga, oo, pero di naman siguro ipamumukha nya sa'kin kung gaano ako ka tanga!



Masakit kaya!



"Bahala ka nga! Tabi diyan!" - binangga niya ako at naglakad palayo



Ano ba problema ng lalaking to?! And to think, excited pa ako makita siya!



Aish! Good riddance sa'yo! JERK!



Bumalik ako sa classroom namin na nakasimangot.



The whole afternoon period akong badtrip. Nagdadalawang isip nga ako kung tutuloy pa akong makipag kita sa lalaking yon ngayong hapon.



Baka hindi na.



Hoy babae! Wag mong kalimutin ang bracelet mo no! nasa kanya yun! Ano? hindi mo babawiin ang bracelet mo dahil tinapakan ang pride mo?! Akala ko ba mahalaga yang bracelet na yan?! - sigaw ni Myrah 2



Oo nga....mahalaga ang bracelet na yun para sa'kin. More than anything in the world.



Ayoko mang makita ulit ang pagmumukha ng lalaking yon.... pero tama nga si Myrah 2.....kailangan kong kunin ang bracelet ko.



Lumipas ang apat na oras at hindi ko namalayang palabas na ako ng campus.



I bid Jaycee goodbye and made my way to the meeting place.



Pagdating ko, wala si Kieth. Ni anino nga wala eh.



Eh gago naman pala tong palaka na to ah!



Ano to lokohan?!



I was already fuming in anger when I felt a hand on my shoulder.



Unti-unting nawala ang galit ko nang makita ko si Aito.



"Huy, bat nandito ka? hindi ka ba uuwi?" - tanong niya..



Tumingin ako sa likod niya. Parang may nakita akong gumalaw dun just a second ago.....Siguro namamalik-mata ako...



Bumalik ang tingin ko kay Aito. "Ahhh....meron kasi akong kukunin" - I smiled.



May kinuha siya sa back pocket niya.



I tilted my head in confusion.



"Eto ba?" - inabot niya sa'kin ang bracelet ko.



I stared at it dumbfounded.



Paano napunta sa kanya ang bracelet ko? Akala ko ba si Kieth ang bibigay sa'kin neto?



"Saan mo nakuha 'to?" - tanong ko sa kanya.



"Napulot ko lang.... may nakalagay na initials mo kaya alam ko na sa'yo yan." - paliwanag niya.



Napulot niya?



"Saan mo napulot?" - tanong ko ulit



"Wag mo nang problemahin yun! Ang mahalaga, nasa 'yo na ang bracelet mo." - pilit niyang iniba ang topic.



I shrugged and thanked him.



Nag-aya siyang ihatid ako at hindi na ako nakadeny.



After all, siya ang nagbigay sa'kin ng bracelet ko. Utang ko sa kanya yun.



Nang makarating na ako sa bahay, nagpaalam na siya at pumasok na ako.



Dumeretso ako sa room ko at tinignan ulit ang bracelet ko.



Paano napunta kay Aito ang bracelet ko na diba sabi ni Kieth siya ang nakapulot nun nung gabi na napa-away ako sa mga mokong na basketball players?



Sabi ni Aito, siya ang nakapulot.



Sabi naman ni Kieth siya ang nakapulot.



Pero bakit si Aito ang nagbigay ng bracelet ko? Na kami naman ni Kieth ang nag-agree ng pagkikita?



Nalilito na talaga ako......



Well, at least nasa 'yo na ulit ang bracelet mo.



Tiningnan ko ang kamay ko.....



Oo nga.....at least nasa akin na ulit ang bracelet ko.



Ayoko nang isipin ang kung anu-ano diyan.



Basta ang mahalaga.... makakatulog na ako ng mahimbing dahil hawak ko na ulit ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko.



Kieth's POV



"Oh ikaw na ang magbibigay sa kanya nyan tol ha?" - iniabot ko ang bracelet.



"Sige tol, ako na bahala"



Ngumiti lang ako at minasdan siyang lumapit kay Myrah.



Oo...alam ko na ang pangalan niya. At alam ko na din na siya ang kachat ko kagabi.



Biglang timingin siya sa direksyon ko at dali-dali akong nagtago sa likod ng puno.



Myrah E. Jimenez, bakit ka pa nagsinungaling sa'kin?



_________________________

Anong masasabi nyo?

Please VOTE AND COMMENT po!

Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon