Myrah's P.O.V.
"Sige na! tanungin mo kaya?" - Jaycee whispered to Aito while pushing him towards me.
"Ayoko! Ikaw kaya! Kaw yung best friend oh!" - Aito countered while pushing Jaycee.
Tapos na ang class hours namin pero hindi pa rin ako makatayo sa upuan ko.
Nakasandal ako sa kamay ko while staring at nothing.
Sa pananaw ng iba, eh parang naging the living dead na ako.
Oh yes, I became one with the corpses the moment napahiya ako sa harap ni Kieth.
And now? Ayoko nang ipakita ang pagmumukha ko sa kanya.
I am dead.... I am sooo DEAD.
"No way! sabi nga nila diba? gentlemen first? Oh sige ikaw na" - counter ni Jaycee habang nag-switch ulit sila ng role sa pagtulakan.
"Naka-drugs ka? Its ladies first! Ayokong makaharap yan noh! Parang nawala ang kaluluwa niya! Tingnan mo!" - sabi ni Aito. And the cycle goes on para sa kanila.
sigh....
Just thinking about what happened was enough to drain me of the last drop of life in me.
Eto kasi ang nangyari.....
Pagkatapos kong malaman na totoong Kieth pala ang kaharap ko, biglang namula ang mga pisngi ko. And I didn't have time to hide it from him.
Tumawa siya ng tumawa hanggang sa makikita mo na ang steam sa ulo ko. Hindi na ako nakasalita dahil sa kahihiyan. Pagkatapos niyang tumawa, he wrapped his jacket around me tightly na hindi pa rin nawawala ang ngiti niya at sinabi,
"Ang cute mo, you know that? Oh heto, para hindi mahalata ang stain sa uniform mo."
After that, he left.
Ako? nga-nga.
"Um... Myrah.... ayoko sanang itanong 'to pero... okay ka lang?" - tanong ni Jaycee.
Si Aito nasa likod niya nagtatago na parang any minute now ay kakagatin ko sila.
Not saying a word, I stood up and started walking away.
Hindi na rin sila nagsalita at sumunod na lang sa'kin.
Nagtutulakan sila sa likod ko habang patuloy akong naglalakad na parang zombie.
All the other students we passed by were looking at me like I'm from another planet.
What? Ano sa inyo kung trip kong maging zombie?! HA?! Wala kayong pake-alam!
Palabas na sana kami when we passed by the bulletin board.
The minute I turned my head, nakita ko kaagad ang pangalan ng taong ayoko nang makita in a million years.
EXCHANGE STUDENT PARTICIPANT: Kieth Rodriguez
Oh.... my.... gosh....
Kaya pala nandito siya sa school kanina!
FUDGE!
Shet naman oh! bat ba kasi ako pinaglalaruan ni tadhana?!
Why?! WHY?! Why torture me?!
Hindi pa ba sapat na more than half of my pride na ang na shatter within one day?!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Kay SimSimi (COMPLETED)
Teen Fiction" Never in my whole life did I expect that the reason why I fell in love was just because of a chatting robot. " -Myrah Si Myrah Jimenez ay isang average high school student with a not so average addiction. At si Kieth Rodriguez naman ay isang ave...