Chapter 2

71 0 0
                                    

Love Rain's Bar

Raine's POV

Pagkatapos na pagkatapos kong kumanta..dali dali akong umalis sa stage..para kasing nakita ko sya...bumalik na kaya sya..

Hinanap ko sya..pero wala...namalikmata lang ba ko???

Baka nga hindi sya yun..sana...

Kasi di ko alam ang gagawin ko kapag nakaharap ko na ulit sya..

Hindi ko na kakayanin pa...

"Bes..tapos na set mo?" si Ash, di ko namalayan na andito na pala sila

"Dipa bes, may isang set pa ko..kumain na ba kayo sa baba?" tanong ko

"Syempre mahal ko..magpapahuli ba kami.." si Jem

"Mabuti naman..sige maiwan ko muna kayo magready lang ako sa next set.." umalis na ko sa vip table nila..lutang parin ang isip ko..di ko alam ang gagawin ko kung sakali na..sya nga yung nakita ko..

Fast Forward -- Friday @SanofiHotel

Wow....ang bongga naman nga engagement party na to...e ano pa kung wedding na..iba na talaga pag mayaman..

Andito na kami sa hotel, kasama ko yung ibang staffs ko at mga chef..

Simple lang na cocktail dress ang ginawa ni bes sakin..yung hindi naman magmumukhang ako yung maeengage..kailangan naman na desente din suot ko..kase may special credits din para sa resto namin mamaya..dagdag marketing ad din samin yin..siguraso kasi mayayaman mga bisita dito mamaya..

"Ms. ok na po lahat..mayamaya lang po magpapapasok na sila ng bisita.." - Hannah

"That's good..thanks Hannah..tell to our staffs na magrest na muna..ang catering service na nila ang bahala sa pagaasikaso ng mga bisita.." sabi ko

"Ok po Ms. thank you po.." -hannah

Hindi nga nagtagal dumadami na ang mga bisita..yung iba namumukhaan ko dahil loyal customers ng resto at bar namin..

Lumabas muna ko para pumunta ng washroom...

"Baby, di na ko makapaghintay e, pede ba wag na tayo umattend dito sa party na to..I want you now.." -girl

"You're fucking horny, baby..just wait..madali lang naman to..dont worry papaligayahin kita..." -boy

Nagsisisi ako na pumunta pa ko sa washroom..di ko inaasahan na eto maririnig ko..grabe naman..

"Baby wag dyan..nakikiliti ako..." malanding sabi nung girl

Nilampasan ko na sila, at alam ko nakatingin sila sakin..grabe ha..ako pa yung nahiya sa pinaggagagawa nila..ano ba yan..sana paglabas ko wala na sila...

Nagtagal pa ko ng konti sa washroom, para di ko na makita yung dalawang naghaharutan..at paglabas ko wala na naman sila..mabuti naman..

Nagmamadali na ko bumalik, nagstart na kasi..naririnig ko na ang host na nagsasalita..nagpapasalamat blah blah blah..

At di nga nagtagal nabanggit at pinasalamatan nya ang Love Rain..tumayo naman ako para magbow at konting kaway..sign of welcome..

At nakita ko yung lalaki kanina..nakatingin sya sakin..nagbawi na ko ng tingin..manyak talaga..naku..

"And finally the moment we are waiting for...I would like to introduce to all of you, the soon to be Mr. & Mrs. Renz Kaizen Lee".. biglang tumigil ang mundo ko..

Malakas na palakpakan ang tanging naririnig ko..kung panaginip lahat ng ito..sana magising na ko...

"Goodevening everyone, me and my fiance are very thankful to all of you for witnessing our special occasion this evening..Lets enjoy the night!" ang boses na yun hinding hindi ko makakalimutan...

Unti unti ng nanlalabo ang paningin ko..dahil sa mga luhang naguunahang pumatak sa mga mata ko..

"Ms.ok ka lang ba?Ms. hoy ms..baka akala ng mga tao dito pinaiyak kita.." natauhan na lang ako dahil sa lalaking to, sya yung lalaki kanina

"Sorry, aalis na ko.." paalam ko skanya..pero hinawakan nya ko..

"Sandali lang..diba ikaw si Ms.Love Raine Fernandez?if you dont mind, gusto ka makilala ng pinsan ko at ng fiance nya..nagustuhan nya kasi ang mga luto mo.."

pigil nya skin..

"You can talk to my other co-chefs..i really have to go.." pero bago pa ko makaalis..

"So, you are Ms. Fernandez..Im glad to finally meet you..my fiance, talk a lot about your restaurant..by the way Im Nicole Sanofi..and this is my fiance Renz Kaizen Lee.." pagpapakilala nya

"He-llo.." nauutal kong sabi, at nakipagkamay ako sakanila..

"We meet again Ms. Love..siguro di mo na ko naaalala..madalas ako kumain at uminom sa restobar mo.." ang cold ng boses nya..bakit ngayon pa..

"Thank you sa pagtitiwala na binigay nyo sa restaurant namin..kung may mga inquiries pa kayo, Hannah can attend to you..sorry but i really need to go..nice to meet you anyways.." dali dali na kong lumabas..pakiramdam ko kapag nagtagal pa ko sa loob..hindi na ko makahinga...

Pero bago pa ko makasakay sa kotse ko..may pumigil na sakin..

"Ang galing mo rin talaga..hanga na talaga ko sayo..and the best actress goes to..Ms. Love Raine Fernandez..ang galing mo!!!!" galit na sabi nya

"Kaizen..nasasaktan ako..bitawan mo ko.." pero lalo pang humigpit ang hawak nya sakin..

"Masakit na sayo to??nagpapatawa ka ba..wala pa nga ko ginagawa nasasaktan ka na agad?maghintay ka lang kasi..kulang pa yan...kulang na kulang pa yan..sa sakit na binigay mo sakin!" ramdam na ramdam ko ang galit sa puso nya..

"Aalis na ko please.." pakiusap ko sakanya..

"Dyan ka magaling sa pagtakas..yan lang ba ang kaya mo sabihin sakin ha???!!!!" -kaizen

"Ano pa ba ang gusto mo marinig ha..masaya ka na diba?ikakasal ka na!kaya pwede ba..tahimik na parehas ang buhay natin..kaya tigilan mo na ko!!di ka parin talaga nagbabago..batang isip ka parin!" hindi ko gustong sabihin ang mga salitang yun..pero kailangan..

"Tangina! oo nga naman..yun naman talaga ang tingin mo sakin e..bata...batang hindi deserving para bigyan ng paliwanag kung bakit ka iniwan at sinaktan!!yun ang tingin mo sakin diba?!!!!"

"Oo tama ka!!!!masaya ka na!!!wag na wag ka na ulit lalapit sakin!!" at tuluyan na ko umalis..

Hininto ko muna ang sasakyan..at tinawagan ko si Ash..

"Yow bes..musta party??dami ba fafa?" -ash

"b-es..." at di ko na napigilan na humagulgol

"Ano ngyari bes?asan ka susunduin ka namin ni Jem?" pagkatapos ko sabihin ang location ko..lumabas ako ng sasakyan

"Putcha namang tadhana to!!bakit ngayon pa!!!bakit!!!!!" sigaw ko...

At unti unting bumabalik sakin lahat ng mga alaala...

Ikaw Parin :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon