Chapter 5

55 0 0
                                    

Raine's POV

"Hoy bes, wala ka ba balak pumasok?may problema ka ba?lately kasi napapansin ko lagi ka matamlay, dahil na naman ba yan dun sa ex mong walang kwenta?" nagaalalang tanong ni Ashley

"Hindi ko na sya naiisip bes, wag ka magalala..wala lang siguro sa mood..pupunta din ako mamaya sa resto..magpapahinga lang ako..medyo masakit ang tyan ko e.." walang gana kong sabi

"Hindi ka kase kumakain sa tamang oras kaya ka ganyan..bumaba ka na dun, naghanda na ko ng almusal..tapos uminom ka na agad ng gamot..wag matigas ang ulo.." pangungulit nya

Tumango tango ako, "Oo na po..sige na umalis ka na..tanghali na..baka marami na naghihintay na client sayo.." pagtataboy ko sakanya

"Sure ka na ok ka lang ha?tawagan mo lang ako if you need anything at kapag dipa nawala sakit ng tyan mo ha.." sabi nya

"Ayos lang ako..wag mo na ko alalahanin.." ngumiti ako sakanya

Humalik na sya sakin at nagpaalam.."bye bes!"

Honestly, after that night naging ganito na ko..di ko alam kung bakit..lagi ko sya naaalala..

Tapos ganito pa, di pa ko makakain ng maayos feeling ko kasi lagi ako masusuka..imposible namang buntis na naman ako..hays ano ba nangyayari sakin..

Napagpasyahan ko na lang din na pumasok na kesa naman na iisipin ko na naman sya..kailangang mabaling ang isip ko sa ibang bagay..

Mabilis akong nakarating sa resto, pinilit pa nga ng mga staffs ko na umuwi na lang ako at magpahinga na lang, napansin din kasi nila na matamlay ako..

May biglang kumatok sa office ko, "Ms. tumawag po yung director ng school na naginvite sa inyo bilang judge dun sa event nilang gagawin..kinoconfirm po nila kung makakadating ba kayo ngayon, sabihin ko na lang po na hindi?" paliwanag ni Hannah

"ngayon na ba yun, nakalimutan ko..pero sige iconfirm mo na dadating ako..nakakahiya naman na ngayon pa ko magbackout dun..gusto ko din umattend dun sa event na yun.." sabi ko

Nainvite kasi ako na maging hurado para sa isang cooking contest,hindi lang kasi basta contest yun..dun mo kasi makikita kung sino ang may mga potential na maging chefs..karamihan sa mga chefs ko dito sa ganung event ko nakilala..

Mukha namang nagaalinlangan si Hannah, "sigurado po ba kayo?pede ko naman po sabihin na si chef jayson na lang magrepresent sa inyo" nagaalalang sabi ni Hannah

Ngumiti ako, "Ano ka ba Hannah ok lang ako, no worries..ok?magaayos lang ako tapos pupunta na ko dun.." sabi ko

"Ok po Ms.cge po iconfirm ko na po na makakarating kayo..." at lumabas na sya

Nagayos naman ako ng konti, medyo maputla na pala ang mukha ko, kaya siguro nagaalala si Hannah..

Binasa ko yung information na binigay ni Hannah..JJ University? san ko nga ba narinig yun..para kasing pamilyar..

After 15mins lumabas na ko sa office at nagpaalam sa mga staffs ko..1hr kasi ang byahe papunta sa University kaya kailangan ko na umalis..

Hindi naman ako nahirapan hanapin yung school, at bago pa ko makapasok sa gate may naalala na ako..

Oo tama..kaya pala pamilyar tong JJ University..dito sya nagaaral..

sana naman hindi ko sya makita..

sana...

Kaizen's POV

Nandito ako sa library, eto ang paborito kong tambayan sa school kapag marami akong iniisip na problema..

Ikaw Parin :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon