Raine's POV
Sobrang saya ko dahil nakilala ko na ang Mommy ni Kaizen. Mabait sya, pero halatang strikta sya lalo na pagdating kay Kaizen,sila na lang kasi dalawa ang magkasama tapos bihira pa magkita dahil sa trabaho nya at si Kaizen naman nakabukod na ng tinitirahan.
Maaga akong pumasok dahil narin sa marami pa ko aasikasuhin sa resto ilang days na lang kase mag papasko na kaya maraming dapat asikasuhin."Ms. may naghahanap po sa inyo sa baba..Mrs.Lee daw po" sabi ng isa sa staff ko
Ang Mommy ni Kaizen ano kayang ginagawa nya dito ng ganito kaaga.
"Sige bababa nadin ako, salamat" sabi ko at bumaba na
"Hello po Tita," bati ko sakanya pero hnd nya ko pinansin
"Maupo ka, may kailangan tayo pagusapan" sabi nya
Kinakabahan akong naupo, "Ano po ba yun tita?may problema po ba kay Kaizen?" tanong ko sakanya
"Oo malaking problema, ikaw..." inabot nya ang isang envelope sakin
Tiningnan ko yun, at nagulat ako..puro records ko ang andun. Lahat ng tungkol sakin at sa mga nangyari sakin, pati na yung record ko ng nakunan ako.
"Ikaw ang problema iha, alam ko at nakikita ko na mahal na mahal ka ng anak ko..at yun ang kinatatakot ko..alam mo naman siguro na kami na lang dalawa ang magkasama ngayon, at ako na lang ang magisang nagsusustento sa kanya..hindi madaling kumita ng pera iha alam mo yan, halos di na kami nagkikita ng anak ko sa kagustuhan kong ibigay sakanya lahat..ang magandang buhay, mapagaral sa magandang eskwelahan,mabili lahat ng mga kailangan nya...sobrang dami ng pangarap ko sa kanya at ang gusto ko lang ay yung makakabuti para sakanya." pagpapaliwanag nya
"Di ko po maintindihan tita, alam po ni Kaizen lahat ng tungkol dito..nahihiya po akong humarap sa inyo ngayon dahil sa mga ngyari sakin dati, at nararamdaman ko na sa tingin nyo di ako karapat dapat sa anak nyo dahil sa nakaraan ko.." naiiyak kong sabi sakanya
"Tama ka, nung nabanggit sakin ni Kaizen na may gf na sya pinaimbestigahan na kita at nalaman ko lahat ng yan. At bilang isang ina, hindi ako makakapayag na ikaw lang ang sisira sa mga pangarap ko para sa kanya. Hindi ka makakabuti para sa anak ko, bata pa sya at marami pa makikilala na higit pa sayo. Hindi sya dapat nagmamadali ng ganito at seryosohin ang relasyon nyo."
Naiyak na talaga ko sa mga narinig ko, "Kung ang pagbabasehan nyo po ay ang agwat ng edad namin, ang pagkakaron ko ng anak,at ang pagiging ulila ko at magisa sa tingin ko po ay napakababaw na dahilan lang.Mahal ko po ang anak nyo, at wala akong hinangad na makakasama sakanya. Sinusuportahan ko po sya sa lahat, gusto ko na matupad nya lahat ng mga pangarap nya sana naman po bigyan nyo ng chance yung relasyon namin"sabi ko sknya
"Kung gusto mo talaga na matupad ang pangarap nya, ngayon pa lang layuan mo na sya. Hindi makakabuti sakanya ang relasyon nyo, minamahal kana nya ng sobra sobra at halos makalimutan na nya ang mga pangarap nya. Alam mo ba na matagal na nya gusto makapasok sa isang sikat na Hotel sa US, at natanggap sya dun at ngayon, ayaw na nyang umalis. Dahil yun sayo..hindi na daw sya tutuloy at dito na lang sya, sya na lang daw magmanage ng business namin dito at alam ko namang hindi yun ang gusto nya. Ayaw ka nyang iwan, ayaw nya na malayo sayo dahil mahal na mahal ka nya kahit na igiveup nya yung mga pangarap nya. Hindi ako makakapayag na ikaw lang ang makakasira sa mga yun at sa mga paghihirap ko para sakanya. Hindi ikaw lang ang gusto ko para sa anak ko, kaya ngayon pa lang hiwalayan mo na sya."
"Hindi ko po kaya na hiwalayan ang anak nyo, mahal na mahal ko po sya..nakikiusap po ako..wag nyo po gawin to samin.." pagmamakaawa ko sakanya
Tumayo na sya, "I'm giving you two weeks, para hiwalayan sya..nakahanda na ang lahat para sa pagalis namin next month. Magdesisyon kana kung gusto mo talaga sirain ang pangarap ng anak ko, mo, at mga kaibigan mo..
