Chapter 10

10 0 0
                                    

Present

Raine's POV

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaupo sa may gilid ng sasakyan ko at wala paring tigil ang daloy ng mga luha ko habang inaalala ang mga ngyari sa nakaraan..
Kung bakit kasi yung akala kong naibaon ko na sa limot ay muling magbabalik..
Ang sakit sakit..hindi ko inakalang dadating ang panahon na muli ko syang makikita..ang lalaking sobra kong minahal..at sobra sobra kong nasaktan..

Napalingon ako sa lalaking bigla na lang tumabi sakin at nagsalita..
"Bakit ba kayong mga babae ganyan kayo lagi nyo na lang dinadaan sa iyak..kaya naman kami mga lalaki hindi namin kayo matiis..dahil isa yan sa weakness namin..ang makita ang babae na umiiyak..eto oh.." sabay abot sakin ng panyo..

Nanatili akong nakatingin sa kanya at hindi inabot ang panyo "Sino ka ba?bakit mo ba ko sinundan dito?" tanong ko sakanya

"Sorry kung di agad ako nakapagpakilala sayo, I'm Jerome Chan, nagkita na tayo dun sa engagement party ng pinsan ko kanina..Ms. Love Raine Fernandez right?" pagpapakilala nya sabay abot ng mga kamay nya

Tiningnan ko lang ang kamay nya at tumingin sa ibang direksyon ng hindi inaabot ang kamay nya.

Narinig ko naman ang buntong hininga nya, "Sorry kung msyado akong feeling close sayo..nagtaka lang naman kasi ako kanina nung nakita kitang umiiyak..tapos nakita ko kayo nung fiance ng pinsan ko na nagtatalo sa parking lot..tapos nung nagmamadali kana umalis..sinundan kita.." taas kilay ko naman syang tiningnan

"Bakla ka ba?" tanong ko at bigla naman syang nagulat

"H-ha??ano sabi mo??b-bakla ako??" nauutal nya na tanong

"Oo kasi ang tsimoso mo e.." sabi ko

Napatayo naman sya habang nakaturo pa sa mukha nya, "Etong mukhang to?bakla?ang gwapo gwapo ko kaya..at porket sinundan kita dito bading agad..diba pedeng concern lang.." mahaba nyang paliwanag

"Andami mo sinabi,tsk..nahahalata ka tuloy.."sabi ko pa sakanya

"Hoy ha..hindi ako BAKLA ha..concern lang ako sayo.." bigla naman syang lumapit at humarap sakin..

Nagulat naman ako sa ginawa nya, "Gusto mo ba patunayan ko sayo na hindi ako bakla..baka pagsisihan mo ang sinasabi mo.." nakangiting hamon nya sakin habang palapit ng palapit sa mukha ko..

"O-oo na..hindi kana bakla..concern ka lang..layuan mo na ko.." sabi ko at bahagya ko pa syang tinulak..

Natawa naman sya, "Sayang..hahalikan pa sana kita kung sinabihan mo pa ko ng bakla ako..tsk.." nanghihinayang na sabi nya

"Bastos ka!umalis kana nga dito.."pagtataboy ko sakanya

"Joke lang ikaw naman, wag ka magalala di ko naman gagawin yun sayo..
....hanggang dipa tayo.." seryosong sabi nya

Kinabahan naman ako bigla sa sinabi nya..loko ba tong lalaki na to..

"H-ha ano sabi mo??" kunyaring di ko narinig yung sinabi nya

"Ang ganda mo na sana..may pagka bingi ka lang..tsk..wala yun..eto na panyo..punasan mo na yang mukha mo..mukha ka ng ewan dyan" pinatong nya sa mga tuhod ko yung panyo nya

Nakamakeup nga pala ako at panigurado nagkalat na to kakaiyak ko kanina..Kinuha ko ang panyo nya at pinunasan ko ang mukha ko..

"S-salamat, sakin na lang to ha..nadumihan ko na e.." nahihiya ko pang sabi sakanya

"Napaka swerte naman nya..nakakainggit.." biglang sabi nya sakin

"Ha?sino?" tanong ko sakanya

"Yung taong iniiyakan mo..kasi halatang napaka importante nya sayo..hindi ka naman kasi masasaktan ng ganyan kung di mo sya mahal..si Renz yun diba?ang dahilan ng mga luha mong yan.." sabay tingin nya sakin

Ikaw Parin :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon