Chapter 12

19 0 0
                                    

Raine's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ko haharapin si Kaizen. Actually kanina pa sya tumatawag at nagtetext pero di ko sinasagot. Mas mabuti na siguro ang ganito, kailangan kayanin naming dalawa.

"Bes, gising ka na?papasok ako ha" si Ashley

"Tinawagan ako ni Kaizen, tinatanong ka di ko alam ang sasabihin ko e, sabi ko na lang nagpapahinga ka pa..pupunta na lang daw sya dito sabi ko naman wag na kasi may aasikasuhin ka, sya resto na lang daw sya maghihintay." paliwanag ni bes

"Paninindigan ko na ang desisyon ko bes, eto na lang ang alam kong tama para sa ikakatahimik ng lahat." sabi ko sakanya

Bumuntong hininga muna sya bago magsalita, "Hindi ko alam kung pano at ano sasabihin para gumaan yang dinadala mo bes, alam ko mahirap pero kailangan lakasan mo ang loob mo, andito lang ako bes."

"Salamat bes, sige na pumasok kana tanghali na e, magaayos lang ako at pupunta narin ako sa resto magkita na lang tayo dun mamaya." sabi ko sakanya

"Sige bes kita kits mamaya, pupunta din daw si Jem,after daw ng event dun sa isang resort nila deretcho na sya sa resto."

"Naabala na tuloy kayo parehas, salamat talaga bes."

"Ano ka ba, wala yun..sige alis na ko ha.." nagkiss muna sya bago umalis.

Pagkatapos kong magayos ay dumeretcho na agad ako sa resto. Nagulat ako ng makita ko dun si Kaizen.

Niyakap nya agad ako paglapit sakin, "Okay ka lang ba?ayos na ba pakiramdam mo?di mo sinasagot mga tawag at text ko sayo e."

Nilampasan ko lang sya, "Ayos lang ako, tsaka kailangan ba talaga lagi tayo magkausap sa o magkatext.."walang gana kong sagot

Nagtataka naman syang tumingin sakin, "May problema ka ba?tayo?"

"Diba may lakad kayo ng Mommy mo, sige na umalis ka na..di rin kita maaasikaso dito madami ako gagawin ngayon." tinalikuran ko na sya

Hinila naman nya ko sa kamay ko, "Sandali Raine, may nagawa ba ko?nakukulitan ka ba sakin?ano ba problema..ayusin natin to Love, ayoko ng ganyan ka.."

"Walang problema okay?diba sabi ko marami ako gagawin..next time na tayo magusap..sige na.." tinanggal ko ang kamay nya at umalis na ko

Di ko na napigilan ang iyak ko pagpasok ko ng opisina, ngayon pa lang ang sakit na..pero kailangan ko tong gawin..kailangan natin kayanin to Kaizen...

Kaizen's POV

Hindi ko na sinundan si Raine, nararamdaman ko na may mali sakanya..samin..kilala ko sya at alam ko na may problema, pero bakit ayaw nya sabihin sakin. Di ko maintindihan pero natatakot at kinakabahan ako, bakit ganito?.

"Anak, goodnews tumawag sakin yung Sanofi Hotel irereconsider daw nila yung application mo." masayang sabi ni Mommy

"Ma, diba nagusap na tayo tungkol dyan?hindi na nga ko tutuloy diba, dito na lang ako magpapasa ng application marami din namang sikat na hotel dito." naiinis kong sabi sakanya

Tumayo sya, "Eto ang pangarap mo diba?natin actually, bihira ang mabigyan ng opportunity na makapagtrabaho dun sa Hotel na yun alam mo yan. Igigiveup mo na lang ba ang lahat ng pangarap natin anak?akala ko ba sasamahan mo ko, akala ko tayong dalawa ang tutupad sa mga pangarap na yun, dahil tayo na lang ang magkasama anak." umiiyak na sabi nya

Niyakap ko naman sya,"Ma di ko naman nakakalimutan ang mga pangarap natin, tutuparin ko parin lahat ng yun, pero magagawa naman natin yun dito, mapapaunlad natin ang business natin, magkakaron ng sarili nating hotel, di na natin kailangan dun sa ibang bansa Ma." paliwanag ko sakanya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw Parin :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon