Kaizen's POV
1week na nakalipas simula nung iwan kami ni daddy..hindi na msyadong masakit ngayon..tanggap ko na siguro na hindi na sila magkakabalikan..naalala ko tuloy yung babae na nakasama ko nun..actually, hindi na sya nawala sa isipan ko..nagiwan sya ng note nung umalis sya 'Happy Birthday Bata!wag ka na malulungkot ha..promise ako din magiging happy na..thanks sa pakikinig sakin' - Raine
Ilang beses din ako dumaan sa resto nya pero di ko sya makita dun..kamusta na kaya sya...
"pare andyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" si Jeron kaibigan ko
"bakit?ano balita?" tanong ko
"goodnews, wala si Prof. Salazar..it means uwian na..kaya sumama ka na sa lakad ng tropa..medyo stress tayo ngayong week kaya its time to party dude.." sabi nya
"pass muna ko pare, wala ko sa mood e.." pagtanggi ko
"sayang naman..sarap pa naman uminom dun sa Love Rain..bukod sa marami chikababes..ganda pa nung may ari..at sobrang ganda ng boses.." - jeron
"sa Love Rain? kilala mo may ari nun??kumakanta?" sunod sunod na tanong ko
"oo dun nga, malimit kasi ang family namin kumain dun sa resto, the best dun dude..astig nga, yung may ari parang empleyado lang din dun..tas kumakanta din sya..pero every friday lang ata depende sa sched nya..hanga talaga ko dun..galing pa magluto.." paliwanag nya
"parang close kayo ah..kilala mo ba sya?" tanong ko ulit
"hindi naman kami close feeling lang ako..hahaha kabatch kase sya ni ate nung college kaya nakukwento nya minsan..ang alam ko Love Raine yung name nya..Fernandez apelyido.."
"Ano oras ba kayo pupunta??"
"After kina Jhomar, punta na kami dun..mga 8pm siguro"
"Sige sunod na lang ako dun ha..uwi muna ko sa bahay.." sabi ko
"asahan namin yan dude ha..sige kita na lang dun mamaya..alis na ko" umalis na sya
Bigla akong naexcite na makita ulit sya..di ko alam kung bakit..
Raine's POV
Dahil sa kakulitan ng bestfriend kong c Ashley 1week akong hindi pumasok, nagyaya kase ang babaeng yun sa Tagaytay..para magrelax naman daw kami..
Kanina lang umaga kami dumating kaya eto gabi na ko makakapunta sa bar, may napansin ako sa sasakyan ko..
"kanino kayang jacket to?hmmm 'LEE'? nagisip ako kung may kakilala ba kong lee?si Kaizen kaya?
May tatak na JJ University yung jacket, inamoy ko din..ang bango ahh..kay Kaizen nga to siguro ganito yung amoy sa kwarto nya e..
After 20 mins nasa parking na ko ng resto, at shit pagbaba ko..bakit ang lamig.....
No choice, suotin ko muna jacket ni Kaizen..im sure naman malinis to..
Pagpasok ko pa lang, nakangiti na mga staffs ko..1week lang yun pero namiss ko din sila..
"Welcome back Ms. Raine!!!Namiss po namin kayo" bati nila
Ngumiti ako, "weh?talaga lang ha..namiss ko din kayo, musta naman dito?" tanong ko
Sumagot si Hannah, "Mas madami na po nagiging customers natin ngayon..December na kasi..pero so far always good po tayo.."pagmamayabang nya
"good job guys!!dahil dyan may pasalubong ako sa inyo..ikaw na bahala Hannah ha..pakikuha na lang sa kotse..magprepare lang ko sa mga kakantahin ko.." sabi ko
