Chapter 7

66 2 0
                                    

Jem's POV

Saturday na at excited na ko umuwi at makita si Raine. Ngayon aaminin ko na sakanya na mahal ko sya noon pa..

Dumeretso na agad ako sa resto para makita ang babae na nagpapatibok ng puso ko..

"Hannah, san si Raine?nasa office ba?" tanong ko kay sa staff nya

"Naku Sir JC, kasama po sya ni Ms. Ashley pupunta po sa shop." sabi nya

"Okay salamat Hannah..puntahan ko na lang sila dun" umalis na ko para puntahan sila, medyo malapit naman yung shop ni Ash dito kaya naglakad na ako..

Nakita ko silang masayang nagkukwentuhan, at eto na naman ang puso ko..makita ko lang ang mga ngiti nya..napapabilis na nun ang tibok nito..

"Hello pretty ladies!!miss me?" agaw atensyon ko sakanila

Sumimangot naman agad si Ashley "Di nga namin naramdaman na umalis ka, bakit bumalik ka kaagad?" pangaasar nya

"Yan na naman kayong dalawa ha, tigilan na yan..hoy Jem asan na pasalubong namin?" singit samin ni Raine

"Ikaw Raine may pasalubong, andun sa kotse..pero yang si Chua wala!" sabi ko

"Para namang gusto ko ng pasalubong galing sayo..kaya ko bumili no?" pagtataray ni Ashley

"Tumigil na ha," awat ni Raine

"Raine, punta tayo Baguio..my treat.." pagsisimula ko

Napatayo si Ashley, "Uyy Cruz, sama ko ha..gusto ko pumunta dun"

"Hoy Chua, hindi kita niyayaya no, di ka kasama..bawal asungot dun!" pangaasar ko sakanya

"Bes oh, si Jem..ayaw ako isama.." sumbong ni Ash

"Basta wag ka sasama, bawal dun ang may sayad.." asar ko ulit kay Ash

"Hoy Jem Cruz..!!!lumabas kana ngayon din sa shop ko!!bawal dito ang asungot!!!" naaasar na sigaw nya

Inawat na naman kami ni Raine "Hay naku, kayo talagang dalawa..magsitigil na kayo ha..kelan ba balak mo Jem?" dagdag na tanong nya

"Ngayon sana," sabi ko

Bigla naman syang nagisip, "Okay lang naman, basta kasama si bes" pagpayag nya

Binelatan naman ako ni Ash, sarap talaga asarin ng isang to..patol agad e..hahahaha

"Yes!!o sige maghanda ka na..babalikan ko na lang kayo after an hour, at ikaw din Chua..bilisan mo ha wag ka babagal bagal.." sabi ko sakanila

Ngumiti naman si Raine at irap lang ang ginawa ni Ashley. Umalis nadin ako para maghanda. may mga plano na ko para sa pagtatapat na gagawin ko..

Konting oras na lang..

Masasabi ko narin ang matagal ng sinisigaw ng puso ko..

Mahal kita, Love Raine...

Raine's POV

Pagkatapos nga ng paguusap namin nina Jem, umuwi muna kami para kumuha ng mga gamit binilin ko narin ang resto kay Hannah at ganun din si Ash sa mga tauhan nya.

"Basta bilisan mo ha, punta ka na agad dito ha..hihintayin ka namin.." sabi ni Ashley sa kausap nya sa fone

Lumapit ako sakanya, "Sino naman kausap mo?" tanong ko

Ngumiti naman sya ng napakalapad, "Secret.." sabay takbo nya sa kwarto

Adik talaga yun, di ko na lang pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagaayos ng gamit ko. 3days lang naman daw kami dun e kaya konti lang dala ko..at sigurado naman ako na maraming dala si Ash, at kung ano ano na naman pasusuot nun sakin. At di nga ko nagkamali, grabe talaga ang babae na to..kala mo isang buwan dun..isang malaking maleta lang naman ang dala dala nya hay naku ang bestfriend ko talaga.

Ikaw Parin :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon