Chapter 9

44 0 0
                                    

Ashley's POV

Nang malaman ko kay Raine na binasted nya si Jem agad ko pinuntahan ang mokong, baka kasi maisipan na magsuicide e..at nakita ko naman agad sya na naglalakad magisa.

Nilapitan ko sya agad, "kamusta naman ang puso?balita ko sugatan yan ngayon ah..gusto mo samahan kita uminom?"

"Ok lang ako, sige na pagtawanan mo na ko ngayon alam ko naman na kakantyawan mo lang ako e" sabi nya

Binatukan ko sya, "Sobra ka naman kaibigan mo din naman ako kahit pano..alam ko yang pinagdadaanan mo ngayon at nararamdaman ko kung gano kasakit yan para sayo.."

Tumingin sya sakin, "Alam mo ang nararamdaman ko?Paano mo naman nasabi?ah siguro binasted karin ng nililigawan mo no"

"Gagi, loko ka talaga..may panahon ka pa talaga na mang asar sa lagay mong yan ngayon..alam ko rin naman ang pakiramdam na hindi mahalin ng taong mahal mo..kaya kung gusto mo ng makakausap andito lang ako.."

"Okay lang ako Ash, pero salamat sa concern mo..kahit naman binasted ako ni Raine ibig sabihin titigil na ko sa pagmamahal sakanya..di ko sya susukuan papatunayan ko sakanya na mahal na mahal ko sya at handa ako maghintay para mahalin nya din ako..kaya ikaw, wag na wag mo susukuan yung taong mahal mo.." paliwanag nya sakin

Napabuntong hininga na lang ako.. "Kailan ba dapat sumuko sa pagmamahal?pano kung nakikita at nararamdaman mo na wala na talaga pagasa, na hindi talaga kayo pwede?hindi ba dapat sumuko ka na?dahil mas masasaktan ka lang kapag ipinilit mo pa?mas masakit yung magbubulag bulagan ka lang at iisipin mo na may pagasa pa..kahit alam mo sa sarili mo na wala talaga..na hanggang dun lang ang kaya nyang ibigay..kaya diba dapat kapag ganun moveon kana lang?ibaling na lang sa iba..yung kayang suklian yung pagmamahal na binibigay mo.."

"Siguro nga tama ka, pero may pagmamahal talaga na mahirap sukuan..kahit na sobrang sakit na..hindi mo magawang makalimutan..at eto nga yung pagmamahal na nararamdaman ko para kay Raine..maiintindihan mo din ako kapag ikaw na ang napasok sa ganitong sitwasyon, madali kasi sayo sabihin kasi wala ka sa posisyon ko..pero sana hindi mo to maranasan..kasi sobrang sakit.."

Ngumiti na lang ako at hindi na lang nagsalita pa..

..ramdam na ramdam ko yang sakit na nararamdaman mo..

..lalo na ngayon..

ang hirap makita yung taong mahal mo na nasasaktan at nahihirapan...

..lalo na kung ibang tao yung nagiging dahilan..

..mahal kita Jem, kaya alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo..sabi mo nga may pagmamahal na mahirap isuko na lang..pero sa sitwasyon ng nararamdaman ko sayo, mas mabuti siguro na isuko ko na lang..ayoko na ipilit pa..dahil  wala talaga e.."friendzoned" lang tayo...

Raine's POV

Inabot na kami ng gabi dito sa Sagada, kaya napagpasyahan namin na bukas na lang ng maaga umuwi..di ko parin alam kung pano ko papaliwanag kina Ashley..lalo na kay Jem, alam ko magugulat sila sa bilis ng mga pangyayari..kahit ako naman nagulat din..pero ganito lang talaga kapag nagmahal ka..hindi importante yung tagal ng pinagsamahan..as long as naramdaman mo sa puso mo na sya na talaga at mahal mo sya..wala ka na maiisip pang iba..basta makasama mo lang sya at nakikita mo syang masaya..ayos na!

"Huhulaan ko ang nasa isip mo?si Kaizen Lee yan no.?wag mo naman ako msyado isipin ha..baka di ako makatulog nyan.." nangingiti nyang sabi

Nakahiga kasi kami ngayon, nagrent sya ng tent kaya may nahihigaan kami habang nakatingin sa kalangitan.

"wag ka nga msyadong feeling dyan, hindi kaya kita iniisip" pagsisinungaling ko sakanya

"Di mo naman kailangan ideny e, kasi patas lang naman tayo..ikaw din nasa isip ko ngayon..at laman nito.." hinawakan nya ang kamay ko at pinatong sa dibdib nya..

"Raine thank you ha," sabi nya sakin

Humarap naman ako sakanya, "Thanks for what?"

Hinawakan nya naman ang pisngi ko, "thanks kasi dumating ka sa buhay ko, at hinayaan mo kong papasukin sa buhay mo lalo na dyan sa puso mo..Mahal na Mahal kita Love..pinapangako ko na hinding hindi kita sasaktan.."

"ako nga ang dapat magpasalamat sayo kasi dumating ka sa buhay ko..at minahal mo ko kahit ganito lang ako, kahit mas matanda ako sayo..at marami na pinagdaanan, alam ko na hindi ako deserving para mahalin ng tulad mo..alam mo naman ang ngyari sakin diba..nahihiya ako.." sabi ko

"Ano ka ba, wala naman sa edad ang basehan para mahalin mo ang isang tao..at please lang kung ano man yung pinagdaanan mo nun, nakalipas na yun..at buong buo kita tinatanggap at minahal kita kasi ikaw yan..ikaw si Love Raine Fernandez..ang babaeng deserving para mahalin ng totoo at hindi dapat sinasaktan..kaya uulitin ko.. "I love You Ms. Love Raine Fernandez..Mahal na Mahal kita.."

"Mahal din kita, Renz Kaizen Lee" naramdaman ko na lang na naglapat na ang mga labi namin.

Kaizen's POV

Napakaswerte ko kasi sa wakas natagpuan ko na sya, ang babaeng gusto ko makasama habang buhay, ang babaeng mamahalin ko magpakailanman..ang babaeng kayakap ko ngayon.

Ang sarap nya talaga pagmasdan hindi nakakasawang tingnan ang mukha nya.Pinapangako ko sayo Raine na hinding hindi kita sasaktan at paiiyakin, mamahalin kita ng buong buo..

"uhmmm..umaga na pala..bakit di mo ko ginising?" tanong nya sakin

Ngumiti ako sakanya, "Ang himbing kasi ng tulog mo, humihilik ka pa nga at tulo laway pa.." biro ko sakanya

Dali dali naman sya bumangon at nagpunas ng mukha, "Humihilik ba talaga ko at wala naman laway ah..nakakahiya"

Hinila ko naman sya at naging dahilan para mapaupo sya sakin,niyakap ko naman sya "Binibiro lang kita, at kahit ganun man mangyari ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko kaya wag ka mahiya.." at hinalikan ko sya

Kitang kita ko naman na namula ang mga mukha nya, "Ang ganda mo talaga, ang swerte ko kasi akin ka na ngayon at kasama kita"

Ngumiti naman sya, "Sus agang aga pinakikilig mo ko, mabuti pa magayos na tayo para makauwi na baka hinahanap na tayo ng dalawa at kailangan ko rin magpaliwanag sakanila..kinakabahan ako" sabi nya

Hinawakan ko ang kamay nya, "Dalawa tayong haharap sakanila at papatunayan ko na hinding hindi kita sasaktan kaya wag ka na kabahan okay?"

Ngumiti naman sya at tumango, napakasaya ko kasi kasama ko sya at nakikita ko ang mga ngiti nya.

Nang makarating kami sa hotel, halatang nagulat ang dalawa nyang kaibigan ng makita kami magkasama at magkahawak kamay.

"Oh my! bes?totoo na ba to?kayo na?aba teka..i-celebrate na yan!!!" tuwang tuwa na sabi ni Ashley

"Oo Ash,  sinagot ko na tong kaibigan mo..mahirap na baka magbago pa ang isip.." pagbibiro ko

Siniko naman ako ni Raine, "Jem pwede ba tayo magusap?" tanong nya kay Jem

"Wag ka magalala, okay lang ako..susuportahan kita kung san ka masaya..pero kapag sinaktan ka ng batang yan..bugbog sarado yan sakin" sabay tingin nya sakin

"Dont worry pare, hinding hindi ko sasaktan si Love, Mahal na mahal ko sya" sabi ko sakanya

Kinamayan naman nya ko at niyakap sya ni Raine, "Thanks Jem, thank you talaga"

Pagkatapos ng paguusap namin nagkayayaan na lang mamasyal at sulitin ang stay namin dito sa Baguio. Bukas pauwi na ulit kami, at excited na ko ipakilala sya kay Mommy at sa ibang kamaganak namin.

Wala na ko mahihiling pa...

...kasi dumating na sya sa buhay ko..

..ang babaeng

..pinangarap ko..

at mamahalin ko

..habang buhay...

Ikaw Parin :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon