Raine's POV
Alam ko nasaktan ko si Jem pero ayoko maging unfair sakanya, mahal ko sya pero hanggang bestfriend lang talaga. Naging maayos naman yung paguusap namin, wala naman nagbago samin kahit na hindi ko tinanggap yung panliligaw nya pero sabi nga nya maghihintay daw sya, basta ako sinabi ko na yung totoong nararamdaman ko sakanya..
Habang naglalakad lakad may nahagip ang mga paningin ko..na sana hindi ko na lang nakita...
...si Kaizen
may kasamang babae...
Bakit ganito ang nararamdaman ko...
parang dinudurog ang puso ko..habang nakikita ko sya na masayang masaya na kasama ang iba...
..at
magkahawak kamay...
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hanggang sa dadaan na sila sa harapan ko alam ko na nakita na nya ko, kaya naman pinilit ko ngumiti at batiin sila.
"Hello, si Ash nakita mo ba?" tanong ko sakanya
"Ang alam ko bumalik sya sa hotel, maiwan ka na namin ha gutom na kasi tong kasama ko" sagot nya at hinila na sya ng babaeng kasama nya..
Bagay naman sila, maganda yung babae, sexy, at higit sa lahat ka-edad nya.
Bago pa ko maiyak in public, nagmadali na ko pabalik ng hotel.
Nakita ko naman si Ashley na nakadapa sa kama, kaya naman humiga din ako at niyakap ko sya.
"bes, bakit ganun?bakit ba kapag nagmahal ka..kailangan mo pa masaktan..hindi ba pwedeng kapag mahal mo..mahal karin.." naiiyak na sabi ko sakanya..
"ganun lang talaga bes, kapag magmamahal ka dapat handa karin na masaktan..magkakambal na yung dalawang yun diba..at kung hindi ka masasaktan...hindi mo masasabi na nagmamahal ka talaga.." paliwanag nya, habang nakadapa parin
"Nakita ko sya, may kasamang iba..ang sakit bes.." naiyak na ko habang nakahawak sa kaliwang bahagi ng dibdib ko
Bigla naman sya bumangon, "gagong yun!diba nagtapat na sya sayo?aba at niloko ka kaagad..makakatikim sakin yun!" galit na sabi nya
Nagtataka naman akong sumagot, "Nagtapat?sino?"
"E di ang gago nating kaibigan, si Jem diba?" sabi ni Ash
"Hay naku bes, panira ka talaga kahit kailan..nagmomoment ako tapos di mo pala alam kung sino..hindi si Jem ang tinutukoy ko...si Kaizen" pagtatama ko sakanya
"Ibig sabihin binasted mo si Jem,?" tanong nya
"Parang di mo ko kilala bes, alam mo naman na mahal ko si Jem pero hanggang bestfriend lang..katulad ng pagmamahal ko sayo" paliwanag ko sakanya
Tumayo naman sya, "Asan yung mokong na yun?aasarin ko lang..dyan ka na muna bes ha mamaya na tayo magkwentuhan" at dali dali na nga syang lumabas
Adik talaga yung isang yun, aasarin pa talaga si Jem..ako talaga ang unang una matutuwa and at the same time kakantyawan ko sila kapag silang dalawa nagkatuluyan..infairness bagay naman sila..sana nga sila na lang dalawa..
Naisipan ko na lang na mamasyal magisa, tutal hindi ko narin mahagilap ang dalawa kong bestfriend..at gusto ko ring libangin ang sarili ko..kailangan ko ng kalimutan kung ano man ang nararamdaman ko para sakanya..yun ang dapat kong gawin..
Bago pa man ako makalabas ng hotel nakasalubong ko na sya..mukang tapos na ang date nila..
Deretcho lang ako naglakad di ko na sya binati pa, pero bago pa man ako ako makatalikod hinawakan na nya ko..
"Nakalimutan ko sabihin, congrats nga pala" sabi nya
Nagtaka naman ako, "Congrats?para san?"
"Sa inyo ni Jem..ang sweet nya diba..bagay na bagay kayong dalawa..galing ng lovestory nyo ah, bestfriends na nainlove sa isat isa..goodluck sa inyo ha..masaya ako para sa inyo" nakangiti nyang sabi at tumalikod nasakin
"Masaya ka ba talaga?..ah oo nga pala..Sayo din..goodluck, sa inyo ng girlfriend mo..bagay na bagay kayo.." at tuluyan na ko umalis at di ko na sya nilingon pa..
Hindi na napigilan ng mga mata ko ang mga luhang naguunahang pumatak dito..
Hindi ko na namalayan na sakay na pala ako ng bus, byaheng Sagada..
Ganito ba talaga ang mga broken hearted?
Hindi namamalayan kung san pupunta, walang direksyon..mas mabuti narin siguro na pumunta ako sa lugar na yun..balita ko dun daw ang puntahan ng mga sawi sa pagibig..at isa na ako dun...
Kaizen's POV
Andito ako ngayon sa bus papuntang Sagada, hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito..
Kanina ng makita ko ang ginawa ni Jem, sobra akong nasaktan pakiramdam ko paulit ulit na sinaksak ang puso ko..oa na kung oa pero yun talaga ang nararamdaman ko..ano ba naman kasing laban ko sakanya..mas matagal nya nakasama si Raine..kilalang kilala na nila ang isat isa..ano pa bang laban ko..wala diba?kaya bago pa sagutin ni Raine si Jem..umalis na ko dun..at baka di ko pa makaya yung maririnig ko..
At sa paglalakad ko di ko inaasahang makita ang isa sa pinaka close kung pinsan, si Jheann..pinadala sya ng school nila para maging representative para sa isang event..niyakap nya ko at kiniss sa cheeks..ganito talaga kami kasi bihira din kami magkita at magkasama..sanay sin kami magholding hands kaya kalimitan napapagkamalan kami na magkarelasyon..at yun nga yung nakita kami ni Raine..
At sa katangahan ko pa, nagcongrats pa ko sakanya at naggoodluck..sadista lang..ang sakit pero nagawa ko pang ngumiti sa harapan nya..at sabihing masaya ako para sakanila..putcha naman o, pede na ko magartista nito..
Kaya di ko narin namalayan na sakay na pala ko ng bus..papuntang Sagada..
..ang lugar ng mga broken hearted..
..at isa na ko dun..
Third Person's POV
Hindi alam ng dalawa na sakay sila sa iisang bus, at dahil nga parehas lutang ang mga isipan hindi nila ito napapansin hanggang sa makababa sila..at sa dami ding taong nakasabay nila..hindi pa nila narerealize na sa iisang lugar pala sila pupunta..
Umakyat agad si Raine sa pinakamataas na lugar, gusto nya sumigaw at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman..
"Ang tanga tanga mo Love Raine!hindi ka na natuto!hindi ka nya mahal!at kahit kailan hindi ka nya mapapansin!!!gumising ka na sa kahibangan mo!!tama na!!!ayoko na!!!!!ahhhhhhhhhh!!!!ayoko na masaktan!!!!!!ayoko na!!!!" sigaw nya
At sa hindi kalayuan, naroon din si Kaizen at narinig nya lahat ng sinigaw ng babae..kilala nya ang boses na yun at hindi nga sya nagkamali..ang babaeng mahal nya..
Sumigaw din sya, "Ako na lang ang mahalin mo!!!manhid ka!!!Kailan mo ba ako mapapansin!!!Mahal kita Love Raine Fernandez!!!!!mahal na mahal kita!!!!Ako na lang ang mahalin mo!!!hindi kita sasaktan..mamahalin kita ng buong buo!!!!kahit na hindi pa matagal ang pinagsamahan natin..hayaan mo ko na mahalin kita!!!araw araw..gabi gabi....minuminuto..bawat segundo..at habang buhay!!!tandaan mo yan Raine!!!Mahal na mahal na mahal kita!
Umiiyak na sila pareho, at marami naring taong nanunuod sakanila..
Sumigaw ulit si Raine, "Gago ka Renz Kaizen Lee!!!!manhid ka!!!ikaw yung Mahal ko!!!loko ka!!!Mahal na Mahal din kita!!!"
Lumapit sila sa isat isa at nagyakap,nagpalakpakan naman ang mga taong nandoon..
At sa wakas nga naging malinaw na sakanilang dalawa ang nararamdaman nila para sa isat isa..at hindi maitatago ang kasiyahan ng bawat isa..
Naglakad lakad sila ng magkahawak kamay at masayang masaya.
"Mahal kita Love Raine," -Kaizen
"Mahal din kita Kaizen Lee" - Raine
