Flashback 2yrs ago
Raine's POV
Andito ako ngayon sa bar..umiinom magisa..sobrang sakit ng nararamdaman ko..
brokenhearted e..
Kung bakit kasi naniwala ako agad sa lalaking yun..minahal ko sya..binigay ko ang sarili ko sakanya..pero putcha..ginago ako..pinagpustahan..hayop sya!!!
"isa pa nga dito.." utos ko sa bartender ko..
"Ms. tama na po..nakarami na po kayo ng inom". sabi nya
"pwede ba wag mo ko pigilan!maglalasing ako hanggat gusto ko!!" wala naman sya nagawa kaya binigyan pa nya ulit ako..
"mr.bartender isang shot pa dito.." sabi nung lalaki na kanina parin nagiinom..
"hoy ikaw..pano ka nakapasok dito..minor ka diba?" sabi ko sakanya
"ano oras na ba ate?" kung sapakin ko kaya to..ate daw..
"ate talaga ha..at ngayon ka pa nagtanong ng oras..umuwi ka na sainyo..madaling araw na po.." sabi ko
"yun naman pala..so allowed na ko dito..18 na ko..gusto mo pa ba ng id or birth certificate?" pasaway na bata
"pasaway kang bata ka..it means birthday mo ngayon?e bakit mukang malungkot ka..brokenhearted karin no?"
aba dedma ang lola mo ah..
"dapat nagpapakasaya ka ngayon..once a year lang dumadating satin ang birthday natin..kaya dapat masaya tayo.."
"galing mo magsalita ah..masaya pala..bakit umiiyak ka.." sabi nya
"hindi kaya ako umiiyak..putcha namang luha to..ayaw tumigil!!! ikaw!!abot mo sakin yang isang bote nayan.." utos ko sa bartender
"pero Ms. malalagot po ako kina ms. ashley kapag di pa po kayo tumigil.."
"ako na bahala saknila..basta bigay mo na skin yan.." inabot din naman nya..
"tara!alis tayo..sama ka sakin..may pupuntahan tayo.." hinila ko sya
Sakay na kami ngayon ng kotse ko..
"kaya mo pa ba magdrive?tsaka ganyan ka ba talaga?di mo pa ko kilala..pero nagtiwala ka kagad.." -sya
"kayang kaya ko pa mgdrive ok...wala ka ba bilib shakin ha.." medyo may tama na nga ko..
"ako na mgdrive..may alam ako na lugar na magandang puntahan.." sya
"oh my!" tinakpan ko kunyari ang dibdib ko
"hoy! feeling mo naman may gagawin ako sayo na masama..kapal mo din ah..di kita type no" paliwanag nya
"dami mo sinabi e nagjojoke lang ako..alam ko naman na hindi ka masamang tao..cge na magdrive kana.."
At pagkalipas ng isang oras, tumigil na ang sasakyan..
"teka..pano mo nalaman ang lugar na to.." nagtatakang tanong ko..eto din kasi yung madalas ko puntahan kapag may problema ko..
nasa medyo mataas kami na lugar..kitang kita ang mga naggagandahang ilaw ng mga buildings at kabahayan..
"dito din ako pumupunta kapag problemado ko.."
"tara inom tayo..kwento mo sakin yang problema mo.." sabi ko..
"hindi ako brokenhearted katulad mo..tsaka di naman ako mabrobrokenhearted at hindi ko proproblemahin ang pagibig.." pagmamayabang nya
"wow..ikaw na..lakas mo bata!..ikaw na gwapo.."
