Just Believe: chapter01

27.4K 283 17
                                    

HELLO po ^^,

first time ko po mag submitt ng story dito sa wattpad at 2nd story na gawa ko ito na ibinalandra ko sa ganito xD

Ang kwentong JUST BELIEVE po ay

tungkol sa pagkakaibigan,pagmamahalan.

Maaaring magtaka kayo dahil hindi normal na kwento ito, its a same sex love story,abangan nyo kung bakit tinawag na Just Believe :)

~ Tzekai :]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any

person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

--

KRiNG! KRiNG! KRiNG!

Malakas na tunog ng bell sa building namen, lunch break na,it was the first day of school, fourth year college na ako dito St.Adam University.

"Arvin! Halika na dali!" sigaw ni Pipay ang bakla kong tropa kasama si Ira at Honey na mga barkada ko din since High school.

"grabe ka,mas malakas pa sa bell ang sigaw mo!" nangingiti kong turan ng makalapit sila. "bakit ba nagmamadali ka?" dugtong ko pa at tumayo na din. Lumabas na kame ng room para pumunta sa cafetiria at makapag lunch.

"excited kasi syang makita ang crush nya ano pa nga ba diba?" si Honey na ang sumagot habang naglalakad kami. Napataas naman ang kilay ko dahil dito.

"crush? Sya pa din ba crush mo? Magsawa ka naman,since first year naten dito sya na crush mo" bara ko dito ng makapasok na kami sa cafetiria.

"eeehh! Hwag ka ngang KJ Arvin! Ang pogi kaya ni Kevin, lalo na ngayon, gosh parang matutunaw nga ako pag napapatingin sya sakin" anito na kinikilig kilig pa.

"Pogi ba yun? Eh ang sama nga ng ugali nun,lakas mang asar at mang bully" asar nyang wika, pero syempre hindi nya ito masisisi, gwapo nga naman si Kevin pero nasasapawan ng kayabangan nito, si Kevin ay isa sa mga campus crush kasama ang mga barkada nito na mga gwapo din.

Ilang sandali pa at nagsisimula na silang kumain ng dumating si Kevin kasama ang tatlo pa nitong tropa at inukopa ang bakanteng pwesto sa gilid nila.

Binati sila ng mga ito pero hindi sya kumibo.Ewan ba nya,kumukulo dugo nya dito, first year palang sila ganun na ito,nakaranas na rin sya ng mga pambubully at kayabangan nito.

Hindi lang nya matanggap na mas gwapo ako sa kanya. Aniya sa isip.

Nang tingnan nya ang mga kasama,hayun! Nakikipagdaldalan na kina Kevin. Napa iling na lang sya. Lalo na ng magsimula ng dumaldal si Pipay na parang nagpapa cute pa ang hitad,ang mga barkada naman nya at sina Kevin ay tuwang tuwa.

"Arvin bakit ang tahimik mo dyan?" maya maya ay bulong ni Ira sa kanya.

"wala lang,hindi ko lang trip makisaya sa inyo" casual nyang sagot at ipinagpatuloy ang pagkaen.

"ito naman,ayaw mo nun? Close na naten sila? Mas sasaya ang barkada kasi nadagdagan tayo" muli ay wika ni Ira.

"Kayo lang ang masaya" sinabi nya ito ng walang ekspresyon.

"Oy Arvin, hanggang ngayon suplado ka pa din ah?" biglang singit ni Kevin na napakalapad ng pagkakangisi.

"Oo nga Arvin,dapat tigilan mo na pag susuplado kay Papa Kevin" segunda naman ng kerengkeng na si Pipay.

"at bakit naman?" taas kilay nyang tanong sa mga ito.

"Kasi magiging magtotropa na tayo,mula ngayon lagi na tayo magkakasama,ang cool diba?" si Bryle ang sumagot,isa sa mga barkada ni Kevin.

Sa totoo lang,wala naman talaga sa kanya kung maging tropa nya ang mga ito,mababaet din naman kasi talaga ito. Sadyang kumukulo lang ang dugo nya sa impaktong Kevin na ito.

"oh diba? The more the merrier! Atleast ngayon hindi na mababali leeg ko at hindi na ako magkaka stiff neck kakalingon kay Papa Kevin pag nasa malayo sya,ngayon tropa na naten sya at matitingnan ko na sya ng malapitan" malanding litanya ni Pipay na ikinatawa nila.

"Ang landi mo Effifanio!" basag ni Honey dito na ikinasimangot naman ni Pipay, ayaw na ayaw kasi nito na tinatawag sa totoong pangalan. Dun sya humagalpak ng tawa na ipinagtaka ng mga kasama.

"kung makatawa ka Arvin ah? Bakeet?" pikon na sabi ni Pipay.

"Wala lang,effective talaga pambara sayo yun ano? Walang mintis" aniya at dinugtungan pa nya ng halakhak, nakitawa na rin ang mga kasama nya.

"Ikaw kasing babae ka eh!" paninisi ni Pipay kay Honey.

"Bakit? Hindi naman siguro masamang magbanggit ng true name diba?" nagpipigil ng tawa na sagot ni Honey.

"Tse! Kung ilaglag kaya kita na crush mo si --" hindi na natapos ang sasabihin ni Pipay dahil tinakpan agad ni Honey bibig nito.

"Sige! Dumaldal ka teh! Tatanggalin kita sa friendlist ko" nakairap na sabi ni Honey kay Pipay na naka ngisi at tumingin kay Dex, isa sa tropa ni Kevin.

"What?" taka tuloy na tanong ni Dex ngunit ngisi pa din ang sagot ni Pipay, bigla naman namula si Honey at napayuko.

"Parang gets ko na" singit ni Brian,ang pinaka madaldal na tropa ni Kevin. Sa pagkakataong iyon medyo nag enjoy sya, hindi naman pala mahirap pakisamahan ang grupo ni Kevin maliban dito.

Tumunog na muli ang Bell hudyat na magsisimula na ulit ang klase, sya,si Pipay,Honey at Ira ay bumalik na sa Education Department at sina Kevin naman ay sa Engeneering department naman.

Mukhang mas magiging masaya ang last year nya sa college. Aniya sa isip.

Itutuloy . . .

Just Believe [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon