--
"tama kayo mga tol, kasi kagabe sinabi nya sakin na mahal pa din nya ako" aniya at saka ininum ang tagay.
"oh see? Huwag na mag aksaya ng panahon" ani Bryle at nag thumbs up sa kanya.
"Pagdating na pagdating nya kakausapin ko na agad sya para matapos na to" dagdag pa niya.
"good idea,bago pa mahuli ang lahat" si Jiian.
"what do you mean?" takang tanong nya dito.
"wala naman,its just that,we dont have all the time in this world,hindi natin alam kung ano pa mga pwedeng mangyari" sagot nito.
---
Matyaga niyang hinintay ang pagbabalik ni Kevin, araw araw syang excited, ganado sya sa pagtatrabaho. Napaka swerte nya na may mga kaibigan syang handa syang suportahan at intindihin.
Sumapit ang ikalimang araw, naghanda sya at talagang nagluto, matagal at matyaga syang naghintay sa pagdating nito.
Sumapit ang gabi at wala pa din si Kevin, nakaramdam na sya ng ibayong kaba. Sinubukan nyang tawagan ito ngunit malas lang dahil nakapatay ata ang cellphone nito.
"Shit! Ano nangyari dun? Nasan na kaya yon?" hindi nya mapigilang maisatinig.
Dali dali nyang kinuha ulit ang cellphone at tinawagan isa isa ang mga barkada,ngunit lahat sila ay walang alam kung nasan na si Kevin.
Laglag ang balikat na iniligpit nya ang hapag, inisip na lang nya na baka nag extend pa ang trabaho nito sa laguna kaya hindi agad nakauwi.
Nahirapan syang matulog ng gabing yun sa kakaisip kay Kevin,
Kinabukasan kahit mabigat ang katawan at pakiramdam ay pumasok pa din sya sa trabaho.
Naisip nyang mamayang pagka out nya sa work ay pumunta sa bahay nina Kevin, magbabaka sakali sya na nandun ito.
Matapos ang trabaho ay dali dali nyang pinuntahan ay bahay nina Kevin, sa isang sikat na subdivision.
Tatlong beses nya pinindot ang doorbell at ilang saglit pa lumabas na ang isang kasambahay.
"ano po ang atin sir?" tanong nito.
"uhm. .. Nandyan po ba si Kevin?" nahihiya nyang tanong at napakamot na lang sya sa batok.
"ay! Naku sir! Matagal tagal na din po syang hindi nauwi dito, pasensya na po at hindi ko din alam kung nasaan sya" sagot ng kasambahay.
Nagbigay na lamang sya dito ng pilit na ngiti at nagpaalam.
Dissapointed. Umuwi sya ng bahay na mabigat ang dibdib. Kung kelan ba naman handa na ulit sya tanggapin muli si Kevin ay saka naman ito mawawala.
Ngunit hindi sya nawalan ng pag-asa maghintay, hanggang sa lumipas na ulit ang isang linggo.
Wala syang pasok sa araw na yon at tamad na tamad syang kumilos. Sa sobrang kalungkutan at kakaisip kay Kevin ay mag isa syang nag inom kagabi.
Ngayon may hang over pa ata sya kaya tamad na tamad lalo syang kumilos.
Nagambala ang pamamahinga nya sa tunog ng cellphone nya, si Brian tumatawag.
"Hoy Arvin! Alam naming nandyan ka! Kanina pa kami katok ng katok dito! Pagbuksan mo kami ng pinto kung ayaw mong sirain namin to!" bulyaw agad nito sa kanya.
Dali dali syang lumabas sa kwarto para pagbuksan ng pinto ang mga ito. At pagbukas nya ng pinto lahat ng mga tropa ay binigyan sya ng di makapaniwalang tingin at nagtuloy tuloy pumasok sa loob.
"anong kailangan nyo?" irita nyang tanong at saka sya pumunta sa kusina at uminum ng tubig.
"anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?" ani Ira.
"Para kang napariwara" dagdag ni Bryle.
"Kung nandito lang kayo para laitin ako pwede na kayong umalis, wala ako sa mood" sagot nya at akmang pupunta na sya sa kwarto nya.
"Not so fast birthday boy! Hawakan na yan bago pa pumalag" sigaw ni Pipay.
"what the?!" gulat nyang sabi ng lapitan sya ni Dex at Brian at ilock ang kamay nya. Oo nga pala,ngayon ang birthday nya halos nakalimutan na nya sa kakaisip.
"anong ginagawa nyo? Bitawan nyoko!" sigaw nya at nagpapalag talaga sya para maka bitaw pero mas malakas ang mga hunghang na sina Bryle at Brian.
"pasensya na pre,napag utusan lang" naka ngising sabi ni Brian.
"gago ka! Makawala lang ako dito babasagin ko bunbunan mo!" inis nyang singhal dito.
"dalhin na yan sa sasakyan para hindi makawala" ani Honey na nakangisi din,tinapunan nya ito ng masamang tingin.
Nang maipasok sya sa sasakyan ay pumalag pa din sya, pero this time bigla syang tinalian ng mga ito.
"huwag mo na pahirapan sarili mo birthday boy" si Brian.
"magpahinga ka muna at matulog,mahaba pa ang biyahe" dagdag ni Bryle at may dinikit na panyo sa kanya,nakaramdam sya ng pagkahilo at pagka antok ng maamoy nya ito at nilamon na sya ng dilim.
"Success!"
ITUTULOY . .
BINABASA MO ANG
Just Believe [completed]
HumorThis is my 2nd story na gawa ko na ibinulgar q sa net, pero ito ang 1st time ko magpost ng story dito sa wattpad, m2m love and friendship story po ito, sana magustuhan nyo :)