Just Believe: chapter08

5.6K 134 1
                                    

--

Dahil sa mahaba haba pa ang biyahe, pinagpasyahan nya munang umidlip, pinabayaan nya din muna si Ikhai na makipag kulitan kina Pipay, for now kailangan nya ipahinga ang utak nya.

Kung bakit ba naman kasi humantong pa sa ganitong sitwasyon? Bakit dalawa pa ang minahal nya? Nahihirapan na tuloy siya sa nangyayari dahil alam nyang may nasasaktan na siya ngayon pa lang.

Dahil wala din naman siyang mahanap at makapang kasagutan,iginupo na din sya ng antok at tuluyang nakatulog.

SAMANTALA . . .

Sina Jiian,Bryle,Dex at Brian ay nag umpukan sa dulo ng bus at nagkwentuhan ng kung ano ano. Ng biglang may napansin si Bryle.

"mga pare,tingnan nyo,magkahawak kamay si Kevin at Arvin habang natutulog" mahina nitong sabi na ikinalingon ng iba.

"matagal ko ng napapansin yan pero hindi din naman ako nag conclude dahil alam nateng pareho babaero ang dalawang yan, pwede namang magkapatid na ang turingan nila kaya ganyan" segunda ni Dex.

"I doubt, kahit gano pa kayo kaclose,hindi kayo mag hoholding hands,saka dati pa lang may sarili ng lakad mga yan diba?" ani Brian at sumang ayon naman ang iba.

"Pero imposible,may girlfriend si Arvin, hmmm" ani Bryle at tila napaisip pa talaga ng malalim.

"Hindi naman imposibleng magmahal ka ng pareho mong lalaki,iba na panahon ngayon,tingnan nyo nalang parents namin ni Angel" basag ni Jiian sa mga ito.

"sabagay" sabay sabay na pag sang ayon ng mga ito.

"Pero gayunpaman,hindi talaga tayo sigurado,mahirap maghusga baka nagkakamali tayo,mahirap din pagdudahan ang kakayahan nila magmahal" si Jiian ulit.

"Pero kung tama hinala naten,sino ang bakla sa kanila? O pareho silang bakla? Bakit wala naman bakas o bahid ng pagka bading sa kanila?" si Dex naman na matamang nakatingin sa natutulog na sina Arvin at Kevin.

"Hindi naman porket nagmahal ka ng kapwa lalaki ay bakla ka na mga pare,maging open kayo sa ganyan,at kung may mapatunayan tayo,tanggapin na lang naten at suportahan sila, pero regarding that, I doubt,may masasaktan,si Ikhai at Kevin, pero kelangan mapatunayan naten para alam naten kung ano ang dapat gawin" putol ni Jiian sa mga ito.

"Pano?" si Dex

"How?" si Brian

"what do you mean?" si Bryle.

"Later,you will see.." sagot ni Jiian.

--

naalimpungatan si Arvin dahil sa pamamanhid ng kanyang kanang braso,pagtingin nya nakasandal dito si Kevin na tulog na tulog,ikinagulat din nya na magkahugpong pala ang kanilang mga kamay, kinabahan siya,inilibot nya ang paningin.

Wew! Buti na lang tulog ang lahat! Aniya sa sarili,dahan dahan niyang inalis ang ulo ni Kevin sa balikat nya pati na rin ang magkahawak nilang mga kamay.

Hinalikan nya ito sa labi. Saglit lang at mabilis iyon saka sya tumayo at tinabihan ang natutulog na kasintahang si Ikhai, isinandal nya ito sa kanyang balikat para mas maging komportable ang pagtulog nito.

"manong malayo pa ba tayo?" tanong niya sa Driver.

"malapit na po Sir,mga dalawampung minuto na lang" magalang na sagot ng matanda sa kanya.

"ah ganon po ba,salamat"

muli nilingon nya ang mga tropang lalaki, gising na si Kevin at nakatingin sa kanya. Hindi nya kayang tagalan ang mga tingin nito kaya sya na ang unang nagbawi ng tingin.

Ilang saglit pa ay narating na nila ang Resort. Sakto naman nag sigising na ang buong tropa.

Bitbit ang mga gamit at bag bumaba na silang lahat at namangha sa ganda ng lugar.

"wow! Ang ganda ng Resort nyo Jiian at Angel" masayang wika ni Pipay na manghang mangha.

"Sa inyo to?" aniya sa kambal.

"Yup,hindi pa fully develop pero Im sure mag e-enjoy kayo dito" magiliw na sagot ni Angel sa kanya.

"astig nyo talaga" naibulalas na lang nya sa sobrang paghanga.

"Oh pano? Lets get it on!!" sigaw ni Brian at nagpatiuna na papunta sa bahay na nakatapat sa dagat. Iyon siguro ang resthouse ng kambal. Nasabi na lang nya sa isip.

Nagsisunuran na sila papunta dito para mag ayos ng mga gamit.

"Mang Tonyo halina po kayo" nadinig pa nyang tawag ni Jiian sa Driver.

"Sige anak,saglit lang sunod na ako,ipark ko lang ng maayos to" sagot ng matanda.

Itutuloy . . .

Just Believe [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon