--
Dali dali syang nagbihis at umalis ng walang paalam. Iniwan nya si Kevin na mahimbing na natutulog.
Nang makarating sa bahay ay wala na mga magulang nya,nasa trabaho na siguro. Dali dali syang naligo at ng matapos ay padapang sumampa sa kama nya.
"WTF?! Nagawa namin ni Kevin yon? Kung kelan hindi na kami?" tanong nya sa sarili. Kalahati ng puso nya ay sumaya at kalahati pa din ang malungkot.
Bigla na naman nya naisip si Ikhai, bakit nagawa sa kanya yon? Minahal naman nya ito diba? Hindi naman sya nagkulang? Yon na ba ang kabayaran sa kasalanang nagawa nya noon? Ang mapag sabay si Ikhai at Kevin ng hindi sinasadya?
Naisip nyang bigyan ng time si Ikhai, dahil kung nag iisip ito ng matino, ito mismo ang kusang lalapit sa kanya para makipag usap. Hindi sya ang unang gagawa ng aksyon, masakit at sariwa pa sa kanya ang pangyayari, hindi naman sya masokista para hayaang masaktan ang sarili ng harap harapan.
Lumipas ang mga araw na pinagpasalamat nyang hindi nagbabanggit si Kevin ng tungkol sa nangyari sa kanila, normal lang mga kilos nito, infact parang wala nga lang dito ang nangyari. At hindi din sya maglalakas ng loob na buksan ang topic na yon.
Matulin na lumipas ang mga araw,lahat sila ay abala na sa kanya kanyang gawain,exams,projects dahil palapit na ng palapit ang graduation. Sya bilang scholar ay talagang sinubsob ang sarili sa pag aaral para lamang huwag nya maisip si Ikhai, minsan nga hindi na sya nakakasama sa tropa.
Pero sa kabila ng lahat ay umaasa sya na lalapit si Ikhai at kakausapin sya. Alam nyang nagtataka na ang mga magulang nya dahil hindi na nakikita ng mga ito ang babae, pero wala syang panahon magkwento kung bakit.
Alam din niya na gusto na syang kausapin ng tropa tungkol sa bagay na yun pero mas pinili nya ang manahimik at huwag mag bigay ng kahit anong kumento.
Sumapit ang araw ng graduation,everybody seems so happy,ang mga tropa nya at classmates, lalong lalo naman ang mga magulang nya.
Aaminin nya kahit papano ay nalimutan nya ang problemang dinadala. Grumaduate sya ng may honor, hindi man sya ang valedictorian o salututorian umani naman sya ng madameng medalya. Nagbunga ang paghihirap nya at ng mga magulang nya. Masaya sya at walang halong pagkapeke. Kitang kita nya kung gaano ka proud sa kanya ang mga kaibigan at ang mga mahal nyang magulang.
Lumipas ang ilang linggo after graduation ay umasa sya at naghintay pa din kay Ikhai.
Hanggang isang araw,tamad na tamad sya at ayaw nyang bumangon,napagod kasi sya sa pag hahanap at apply ng trabaho.
"ARVIN!!" Sigaw ni Ira sabay bukas ng kwarto nya na talagang ikinagulat nya.
"Hindi ba kayo marunong kumatok?" irita nyang sabi.
"sorry naman" paumanhin ni Ira,lumapit at umupo na ito pati si Pipay at Honey.
"anong masamang hangin ang nagdala sa inyo ditong mga pangit kayo? Nasan ang iba?" aniya at umupo na din.
"ewan ko lang kung makatawa kapa mamaya, bruhong toh" dinig nyang sabi ni Pipay,medyo nagtaka na sya, mukhang sobrang importante nga ng sasabihin ng mga ito,kaya pinili nyang manahimik na lang at hintayin kung ano man ang sasabihin ng mga kaibigan.
"bumalik na si Ikhai sa states,she's pregnant and getting married" direktang sabi ni Honey.
Ofcourse nabigla sya,ayon na naman yung kakaibang sakit na kumukurot sa puso nya,pakiramdam nya ay nanikip ang dibdib nya. Hindi talaga sya nakapag salita.
"And, I hate to say this,pero mukhang tama ang hinala at nakita nyo ni Kevin before, we dont really know what happened,hindi din namin alam kung bakit nagkaganon si Ikhai,that remains a mystery, nalaman lang namin yon sa kasambahay nila nung pumunta kami sa kanila days after our graduation,we really need to know kasi talaga dahil para ka namang pipi na ayaw mag salita" mahaba at dirediretsong sabi ni Ira at nakatitig sa kaniya.
"Pwedeng huminga teh,sayang ang baga mo" singit ni Pipay,mejo napangiti naman sila, mejo lang naman.
Nanatili syang tahimik at inabsorb ang lahat ng nalaman,totoo pala ang hinala at nakita nila. Kung ganon bakit sya nagbalik at lalo pa syang pina ibig? Waaahh! Ang sakit sa ulo!
Nakita nyang nagsitaasan ang kilay ng mga kaibigan.
"Bakit?" tanong nya.
"anong bakit? Gago ka talaga,yun lang? Wala kang reaksyon? Wala ka man lang sasabihin?" iritang wika ni Honey.
"walang proof shock kaya hindi pa maka react" ani Pipay.
"Ano ba ang dapat ko maging reaksyon? Ano ba ang dapat kong sabihin? Nung nakita pa lang namin sila malaki ng proweba yun, pero naghintay pa din at nagbakasakali na kausapin nya ako o di kaya naman ay magpakita sya sa tropa,pero hindi nangyari yon diba? Nagtataka lang ako kung anong rason ng pagbabalik nya at pakikipagbalikan saken na yun naman pala ay gagaguhin nya lang ako, kung alam ko lang hindi ko na sana sinacrifice si Kevin!" tuloy tuloy nyang sabi at huli na ng marealize nya kung ano mga sinabi nya. Bigla syang napayuko.
"Kevin?" sabay na sabi ng tatlo. Ngayon nakaramdam sya ng ibayong hiya. Wala na, nadulas na sya, paninindigan na nya ito,wala ng atrasan tutal din naman wala ng natira sa kanya, hindi na sila ni Kevin, at wala na din si Ikhai,dalawang taong minahal nya ng sobra.
"may relasyon kayo ni Kevin? Kelan pa?" ani Honey ng maka recover sa pagkagulat.
"So, magkadugo tayo, youre Gay?" si Pipay.
"Pano nangyari?" si Ira.
Wala na sya nagawa at kinwento nya mula umpisa at kung pano magtapos ang sa kanila ni Kevin.
"so, bakla ka nga" ani Pipay" ang galing mo magtago ah,hindi ko naamoy" anito na ikinangiti nila.
"Siguro" naka ngiti nyang sagot.
"Okay, done with the Kevin issue, balik tayo kay Ikhai,anong plano mo Vin?" si Ira na kung bakit ayaw padin tantanan ang Ikhai issue eh ayaw na naman din nyang pag usapan pa yon. He had enough. Sapat na ang mga nakita at nalaman nya para patayin na ang damdamin para dito. Looks can be really decieving at si Ikhai ang magandang example non.
"wala" aniya at nagkibit balikat.
Nanlaki ang mga mata ng kaibigan nya sa narinig,para bang hindi makapaniwala sa ginawa nyang pag let go.
"ginawa ko na yon dati at magagawa ko ulit yon,wala na akong rason pa para kumapit sa kanya, lalaki ako at hindi naman pwedeng mag iiyak at magmukmok ako, Life has so many things to offer, at sana huwag na natin pag usapan pa ito muli" aniya sa pagsasara ng issue na yon.
Napatango na lang ang mga kaibigan,alam nyang susuportahan naman sya ng mga ito,lalo na ngayon na wala na syang tinatago sa mga ito.
"wifey tumawag sina Bryle" biglang singit ni Prinz na nasa pintuan ng silid nya. Napatingin sya kay Pipay.
"ah eh,kasama namen sya,pero dahil confidential nga pag uusapan natin,pinaiwan ko sya sa sala" ani Pipay na nag peace sign pa.
"wifey ah?"pang aasar nya"tol pasok ka, bawal yan sa buntis" baling nya kay Prinz at nagtawanan pa sila.
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Just Believe [completed]
HumorThis is my 2nd story na gawa ko na ibinulgar q sa net, pero ito ang 1st time ko magpost ng story dito sa wattpad, m2m love and friendship story po ito, sana magustuhan nyo :)