A/N : Hahaha! Panget ng story ata? XD I guess im not meant to be a writer. So tatapusin ko na po haha! (as if naman may makakabasa nito xD) Anyways, thanks kung may nagbasa. Gawa na lang ako ng new story pag may nabasa akong nagcomment o magpapalakas ng loob ko hehe baguhan lang eh. But anyways eto na po last chapter :))
----
Nagising sya na parang masakit ang ulo nya, nilibot nya ang paningin, nasa isang kwarto sya na hindi nya kilala kung kanino pero pamilyar.
Tumayo sya at sumilip sa bintana at ganun na lang ang pagka gulat nya ng marealize kung nasan siya.
Sa Resort ng kambal!
Lalabas na sana sya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Jiian at Dex.
"mabuti naman at gising kana" ani Jiian na naka ngisi, nakaramdam naman sya ng inis sa mga ito.
"maligo ka na at ito ang isuot mo" dugtong ni Dex at lumapit sa kama para ilapag ang damit na ipinapasoot sa kanya.
"eh kung binabasag ko mukha nyong dalawa? Anong ginagawa natin dito?" irita nyang tanong sa dalawa, pero mukhang hindi apektado ang mga hunghang.
"natural birthday mo,kaya may outing" nang aasar na sagot ni Dex pinukol nya ito ng masamang tingin at sinagot lamang sya ng ngisi. Hudas talgag!
Matapos maligo ay sinuot na nya ang pinapasoot sa kanya, sandong puti at boardshort na blue na may tribal na design
"ayan, okay na yan!" nagulat sila sa sigaw ni Pipay agad pumasok ito kasunod ni Honey at Pipay at agad syang kinaladkad. Sumunod na lang sina Jiian at Dex.
"teka! Sandali! San ba tayo pupunta?" protesta nya pero hindi sya pinansin ng mga ito,tuloy tuloy pa din sa paglalakad kaya wala sya nagawa kundi ang sumunod.
Maya maya pa ay narating nila ang isang malawak na cottage, laking gulat nya kung sino ang mga nakita. Ang mga magulang nya, ang tropa, magulang ng kambal, magulang ni Kevin?
"what the?" aniya.
"mamaya kana umangal,tara kaen muna tayo" at hinila sya ng mga ito sa loob. Panay naman ang pasalamat nya sa mga bumabati, ng batiin sya ng pamilya ni Kevin ay nakaramdam pa sya ng ibayong hiya.
Ng makakuha ng pagkain at makaupo na ay inilibot nya ang paningin sa loob ng cottage na iyon, may banner pa ng happy birthday at mga blue balloons.
Ng bigla sya may maalala. Tinigil nya ang pagkain at binalingan ang tropa.
"kayo may kagagawan nito?" aniya.
"hindi ah! Tumulong lang kami!" naka ngiting dipensa naman ni Brian.
"bakit nyo kailangan gawin to?" siya ulit.
"mabagal ka kasi kumilos, pero wag kami kausapin mo" si Pipay "oh well,andyan na sya" at ngumuso sa likuran nya.
Dahan dahan syang lumingon at ganun na lang biglang tumibok ng mabilis ang puso nya sa nakita.
It was Kevin, naka ngiti ito sa kanya at parehas sila ng suot.
"Happy birthday bok" bati nito ngunit hindi agad sya nakasagot. Nilingon nya ang tropa.
"planado to at nagsabwatan kayo?" aniya, sabay sabay tumango at ngumisi ang mga impakto. Oh great! Napagkaisahan sya!
"can we talk?" untag ni Kevin
"sige"
-----
"im sorry" panimula ni Kevin ng maka upo sila sa buhanginan.Tandang tanda pa niya ganito din sila noon ng palayain sya nito.
"san? Sa matagal mong pagkawala o sa pakikipag sabwatan mo sa tropa para kidnapin ako?" sagot nya.
Nakita nyang napangiti ito,pati sya ay napangiti din.
"sila nagplano nito,pero sa tingin ko naman effective"- Kevin
"para san? Ang itago ka, halos mabaliw ako kakahanap sayo,hindi ako makatulog ng maayos kakaisip kung nasan kana o ayos ka lang ba?" -siya na nakatingin sa dalampasigan.
"sorry bok,pero atleast diba? Napatunayan ko na mahal mo pa din ako" naka ngising sabi nito.
Kinurugan nya ito.
"arekup!"
"gago ka talaga! Pasalamat ka mahal kita! Kung alam mo lang gano ako nag alala non, pero seriously,maraming salamat at hindi mo ako iniwan bok" aniya.
"ganun kita kamahal bok,diba sabi ko sayo noon ang pagmamahal ko hindi makakahadlang, pero I Just Believe na darating ang araw na hindi masasayang ang pagmamahal ko sayo" madamdaming sabi ni Kevin.
Hindi nya napigilan ang damdamin nya at niyakap nya si Kevin at gumanti din naman ito. Masaya sya sobra hindi nya maipaliwanag.
"bok,ngayon ko lang narealize, mas mahal talaga kita,kahit nung nandyan si Ikhai ikaw talaga ang mahal ko, sorry for everything at maraming salamat at hindi mo ako binitawan" madamdamin din nyang wika.
"wala yun,lahat gagawin ko para sayo dahil ganun kita kamahal" - Kevin.
"mahal din kita,mahal na mahal" sagot nya at naglapat ang kanilang mga labi. Halik na pinanabikan nyang mangyari sa matagal na panahon, halik na puno ng pagmamahal, halik na nagpapakita ng tunay nilang nararamdaman para sa isa't isa.
At ng maghiwalay ang kanilang mga labi, kapwa sila may ngiti ng kaligayahan.
"tara na,balik na tayo dun" yaya ni Kevin at magkahawak kamay silang bumalik sa cottage.
Tunay ngang napaka misteryoso ng pag-ibig. Dumarating na lamang ito ng hindi inaasahan. Pero once na nasaiyo na ito,huwag mo ng pakawalan.
Ang tunay na pagmamahal ay hindi sakim. Marunong ito maghintay, at sa tamang panahon,masusuklian ito ng wagas na kaligayahan.
True Love chooses no Gender,
Puso ang nagmamahal hindi
ang mga mata.
WAKAS . . .
BINABASA MO ANG
Just Believe [completed]
HumorThis is my 2nd story na gawa ko na ibinulgar q sa net, pero ito ang 1st time ko magpost ng story dito sa wattpad, m2m love and friendship story po ito, sana magustuhan nyo :)