--
Bago magsimula ang unang klase ay nag announce muna ang kanilang Proffesor sa values Ed na si Mr.Tiongson.
"bago tayo mag start ng una nateng lecture,gusto kong ipakilala sa inyo ang mga bago nyong kaklase, transferee sila dito. i hope na pakisamahan at kaibiganin nyo sila" panimula nito, tahimik lang naman ang buong klase.
"ijo at ija,pasok na kayo and introduce yourselves" dugtong pa nito. Pumasok ang mga ito,isang napakagandang babae at napaka gwapong lalake,magka hawig ang mga ito.
"goodmorning everyone, Im Jiian Francis Saavedra,20 years old, you call me Jiian,I hope we can be friends" anito at nag flash ng ngiti. Dinig pa nyang napa singhap ang mga babaeng kaklase lalo na si Pipay, napangiti tuloy sya, mga babae at bakla nga naman pag nakakita ng gwapo hindi mapakali,bulong nya sa sarili.
Sumunod na nagpakilala ang babae "Hello po,Im Angeline Franchesca Saavedra,20 years old,you can call me Angel for short" magiliw nitong wika at ngumiti. Napa WOW talaga sya sa isip. Napaka ganda nito,tamang tama ang pangalan nito sa kanya parang anghel. Nilingon nya ang mga kaklaseng lalake at lahat ay dito rin nakatingin na para bang mga namalikmata.
"So how are you related to each other and to Mr.Paul Saavedra?" singit ni Mr.Tiongson.
"Were twins Sir." sagot nung Jiian. "Paul Saavedra is our father" dugtong nung Angeline.
"Hmmm, We all know the story of your Parents,isa sila sa mga successfull same sex relationship sa history ng Pilipinas,foster children ba nila kayo o totoong anak?" si Mr.Tiongson ulit. Napaka intregero pala nitong Prof nilang to,aniya sa sarili.
"totoong anak sir! Galing kami ni Angel sa mismong similya ni Daddy at Mommy,you know pinagsama and ayun nga nkahanap ng malinis at maayos na baby maker,at eto na kami ang produkto nila, but regarding dun sa sorrugate mother namen,were in good terms naman po,we make sure na may bonding pa din kme" sagot ni Jiian at saka ngumiti ulit.
"Okay,thats good,thanks for giving us information and for introducing yourselves,you may take your seats"
"pwede kami makitabi?" naka ngiting turan ni Angel,ngumiti sya bilang pagtugon.
" salamat tol ah?" ani naman ni Jiian.
Pinapagitnaan sya ng dalawa,at ang mga hunghang nyang kaklase ay sa kanya nakatingin.
Mamabilis na lumipas ang mga oras sa araw na yun, ang mga kaklase nya ay nagkapalagayan na ng loob. Ang mga barkada naman nya ay agad na lumapit sa kanila ng matapos ang klase nila para sa araw na iyon.
"Hi Jiian and Angel" magiliw na bati ni Ira,Honey at Pipay sa mga ito,
"Hi din" sabay na tugon ng kambal.
"Im Honey"
"Im Ira"
"Im Pipay,tropa kami ni Arvin" at nakipag kamay ang kambal sa mga ito.
"Gusto nyo join kayo sa tropahan namen? Ipapakilala namen kayo sa iba pa" ani Ira.
"Sure" naka ngiting sagot ni Ji
ian.
"OMG! Ang gwapo mo!" malanding sabi ni Pipay na ikinatawa nila.
"Ayaw mo na kay Kevin?" tukso nya dito.
"hihi oo,may Jiian na eh" maharot nitong sagot,sabay na hinila ni Ira at Honey ang buhok ni Pipay.
"Ang kati mo teh!" at humagalpak sila ng tawa.
"oh andyan na pala sila Kevin" ani Pipay ng maka recover. Sa nadinig ay agad syang nawala sa mood. Napansin naman ito ng tropa ngunit mas pinili ng mga ito na manahimik.
Agad na silang lumabas ng room. " ahm Jiian,Angel, sila nga pala sina Kevin,Brian,Dex at Bryle,mga katropa namen na magiging katropa nyo din" agad na pakilala ni Ira sa mga ito, nakipag kilala naman ang mga ito.
"ayos! Dumadami na ang tropa" ani Bryle sa masayang tono.
"tara na,uwi na tayo" aya nya sa mga ito, at muli nagpatiuna sya sa paglalakad.
"ano problema nun?" tanong ni Dex kay Honey, kibit balikat lamang ang sagot nito.
Dinig nya pang ang kambal ang kinakausap ng mga ito, mabilis nagkapalagayan ng loob ang mga impakto,aniya sa isip.
"Kevz pare bakit ang tahimik mo? Kanina ka pa ah?" dinig nyang puna ni Brian dito.
"wala,wag nyo ako intindihin" matamlay na sagot ni Kevin kay Brian.
"problema sa puso ba yan? Second day pa lang ng klase basted ka na papa Kevz, sinong babae yun ng maupakan?" ani Pipay.
"Wala Pips" matipid ulit nitong sagot. Medyo nawiwirduhan at nahihiwagaan na sya sa inakto nito. May kinalaman kaya ito sa usapan nila kaninang umaga? Hindi rin siguro,kasalanan naman ng Kevin na yun at tama lang na sabihin nya dito mga hinaing nya. Kung ano man ang pinagdadaanan ni Kevin ay wala na siya dun,wika nya sa isip.
Nang makarating sila sa parking lot ay nagpaalam na din sya sa mga ito,nagyaya pa nga ang mga ito na gumala,pero tumanggi sya, madami pa naman panahon para dun. Mas importante sa kanya makapag aral ng maayos.
may sariling kotse ang kambal, ganun din si Kevin at Brylle, sina Ira ,Honey at Pipay kay Kevin sumakay,samantalang sina Dex,Brian ay kay Bryle.
Sya commute lang,hindi naman kasi sya mayaman,average lang, at dahil lang sa scholarship kaya nakapasok sya dito sa St.Adams University,at yun ang inaalagaan nya ang scholar nya.
Nang maka uwi sa bahay ay sinalubong sya ng Ina at niyaya ng maghapunan, masaya naman ang hapunan nila, panay kwento ang ama nya ng kung ano ano. Natutuwa naman sya na napaka cool at mapag mahal ng mga magulang nya.
"Anak kamusta ang klase?" tanong ng ama nya.
"Ayos lang Pa,may mga bago ding kakilala at kaibigan" sagot nya dito.
"mabuti kung ganun, huwag mo papabayaan ang pag aaral ha? Yan ang pinaka mahalagang kayamanan naten,ang karunungan" wika ng kanyang ama, tumango sya bilang pag sang ayon.
"at saka,bawas bawasan mo na pagdadala ng babae nak,nakakatuyo na nga ng katawan,nakakatuyo pa ng utak" biro pa nito.
"Pa!" aniya na nanlaki pa ang mga mata, tawa lang ang isinagot ng mga magagaling nyang magulang.
Itutuloy . . .
BINABASA MO ANG
Just Believe [completed]
HumorThis is my 2nd story na gawa ko na ibinulgar q sa net, pero ito ang 1st time ko magpost ng story dito sa wattpad, m2m love and friendship story po ito, sana magustuhan nyo :)