Just Believe: chapter13

5.1K 135 2
                                    

Maaga sya gumising para pumasok sa school, excited sya dahil nga Valentines day, kahapon bago umuwi ay bumili na sya ng ibibigay para kay Ikhai.

Pagdating sa school ay nagkalat na sa labas ng campus ang mga nagtitinda ng iba't ibang kulay ng rosas,napangiti sya,maya na sya pag uwi bibili para sa date nila ni Ikhai. Medyo may kamahalan pa naman ang nabili nya.

Habang naglalakad sa covered walk ay madami na syang nakikitang mga couples,may mga nag aabot ng roses o di kaya naman ay chocolates, halata sa mukha at mata ng mga kababaihan ang ibayong kilig.

Ng makarating na sya sa department nila,sa kanilang class room ay hindi magkanda mayaw sa pagkekwentuhan ay kanyang mga kaklase.

At siyempre natawa pa sya ng bahagya ng makita sina Ira at Honey naka ngiti at parehong tulala habang hawak ang rose na bigay siguro nina Dex at Bryle,halatang nagde-daydream na ang dalawa.

Inilibot nya pa ang paningin sa mga kaklase at nahagip ng tingin nya si Pipay. Muntik pa sya mapahagalpak ng tawa dahil halos hindi maipinta ang mukha nito sa pagkakalukot, syempre alam nya ang rason, walang nagbigay ng rose o chocolate dito. Kita pa nya itong nilapitan ng kaklase nilang si Prinz,ang escort nila na ubod ng kulit.

"Oy?! Walang flowers and chocolates? Kawawa ka naman" naka ngising buska nito sa kaibigan,kita nya kung pano mag beast mode si Pipay.

"Ano bang pakialam mo? Umalis alis ka nga sa harapan ko baka hindi kita matantyang kumag ka" asik ni Pipay dito,lihim syang napahagikgik, parang nakikita kasi nya ang sarili noon nung ganun pa sila ni Kevin.

"Syempre may paki alam ako, 3years na kitang nakikita na ganyan every Valentines day,kaya naawa naman ako sayo,may ibibigay ako sayo,pero hindi rose o chocolate" nakangisi pa ding tugon ni Prinz kay Pipay.

"Eh kung ihambalos ko kaya sayo tong upuan para makita mo kung sino dapat kaawaan? Umalis ka nga dyan!" malakas ng sabi ni Pipay dahilan para sa kanila mabaling ang atensyon ng kanilang mga kaklase.

"oopps! Easy lang Effifanio,sige ka,pinagtitinginan na tayo oh" si Prinz.

"Pwede ba? Tantanan mo nga ak--" hindi na naituloy ng pobre nyang kaibigan ang sasabihin dahil bigla itong hinalikan sa labi ni Prinz, nanlaki mata nya sa nakita, nabigla sya. Naghiyawan ang mga kaklase nila at nagpalakpakan, nilingon nya sina Ira at Honey na tulad nya ay nabigla din,ang kambal na Jiian at Angel naman ay nakangiti naman.

Sa tutuusin magandang bakla si Pipay, para syang yung Mommy na bakla nina Jiian at Angel.

Muli tiningnan nya si Pipay, natulala ito, napahagikgik sya sa nakita.

"There, Happy Valentines Pips" naka ngiting sabi ni Prinz ng matapos halikan si Pipay saka ito kumindat at bumalik sa kanyang upuan, muling umalingawngaw ang sigawan at tuksuhan sa classroom.

Dinig pa nya ang ibang komento ng mga kaklase nyang lalaki na hindi nya nagustuhan.

Natigil lamang ang tuksuhan ng pumasok na ang profesor nila.

Lumingon sa kanya si Pipay, nagthumbs up sya at nginitian ito.

Ito na Pips ang hinihintay mong pagmamahal, aniya sa isip.

--

Tulad noon ay wala na syang susunod na klase samantalang sina Pipay ay meron pa. Naglakad na sya mag isa patungo sa tambayan nila,ang mini Park, hindi pa man nag iinit ang pwet nya sa pagkaka upo ay dumating si Kevin na ubod ng tamis sa pagkakangiti. Ginantihan nya ito ng parehong ngiti.

"Happy Valentines Bok" bati nito sa kanya at inabot ang isang rose at card. Natural nabigla sya.

"Kevz hindi mo ito kelangan gawin,akala ko ba--"

"I know Bok, pero pagbigyan mo na ako, Valentines day naman" putol nito sa kung ano pa mang sasabihin niya.

"Happy Valentines din, nasan sila?" ang nasabi na lang nya.

"pasunod na mga mokong,may surprise kina Ira at Honey" naka ngiti nitong sagot.

"Ganun ba? May ikekwento pa naman ako sa inyo at pihidong matutuwa kayo" aniya na napangiti na din.

"ah,about what?" si Kevin.

"about Pipay" sagot nya.

"mamaya malalaman nyo" dugtong pa nya at napahagikgik.

"kamusta kayo ni Ikhai?" maya maya ay tanong ni Kevin.

"were doing good,mamaya nga may date kami" aniya at sinipat ang card.

"ah,mabuti yan,matutuwa pihido yon" anito "mamaya muna buksan yang card bok pag uwi mo" dugtong pa ni Kevin.

"Sige,sabi mo eh" nasabi na lang nya.

"Uhoy! Nauna ang ex lovers" bungad na buska ni Brian kasama sina Dex at Bryle.

ITUTULOY . . .

Just Believe [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon