--
Naayos na nilang lahat ang mga gamit nila sa resthouse, ang mga babae ay magkakasama sa isang silid,at ang mga lalaki ay sa kabilang silid naman. Malaki at maganda ang resthouse, may limang silid ito.
Ngayon masaya silang nanananghalian dahil ang balak nila ay mag ikot ikot muna sa lugar at mga bandang alas dos o alas tres na ng hapon maglangoy para hindi masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw.
Masaya naman at enjoy sya,nakikita din nyang nag e-enjoy ang buong tropa, yun bang sinusulit talaga ang quality time,dahil pagkatapos nito,exams na then after 3weeks ay graduation na nila.
Ngayon heto sya naka upo lang sa buhanginan at masayang pinapanood ang tropa,maski ang kasintahan nyang si Ikhai ay nakikipagkulitan na din sa mga ito.
"Kamusta Bok? Its been a while" wika ng isang boses at nilingon niya. Si Kevin. "Pwede tumabi?" dugtong pa nito, ngiti at tango ang sinagot nya. Tumabi na ito sa kanya at umupo na rin sa buhanginan.
"Kamusta na Bok?" ulit ni Kevin.
"Ito ayos naman,masaya, ikaw Bok?" sagot at balik tanong nya.
"miss na kita Bok" bagkus ay sagot ni Kevin na sa mga kaibigang naghaharutan ang tingin ay kita nya ang namumuong luha sa gilid ng mata nito. Nakaramdam sya ng matinding guilt at awa para dito.
"B-bok, sorry kung nasasaktan kita,maski ako naguguluhan,pasensya na talaga" pagsasabi nya ng totoo.
"ayos lang,naiintindihan ko,ako naman ang nagpumilit sa relasyong ito diba? Kasi gusto ko sumubok at sumugal dahil bago saken ang lahat ng ito" sagot nito at humarap sa kanya,ang mga mata nito ay nangungusap.
Wala syang maapuhap na isasagot,dahil maski sya ay nasasaktan din sa nangyayari, pero ano ba ang magagawa niya? Ano ba ang dapat niyang gawin?
"Malas nga lang na sa unang pagkakataon ay sa kapwa lalaki pa ako nagmahal ng lubos,nung una pinigilan ko,natakot ako dahil ayoko maging bakla,pero naisip ko na hindi naman siguro porque nagmahal ako ng kapwa lalaki ay bakla na ako,kaya ng marealize ko yun,sumubok ako,sumugal ako sayo, pero sadyang malas talaga kasi kung kelan mahal na mahal kita saka naman isasampal sakin ang katotohanan na hindi ako karapat dapat sayo, mahal na mahal kita Arvin, ramdam ko na minahal mo ako pero I guess hanggang dito na lang tayo, You have Ikhai and I can feel na mahal nyo ang isa't isa,bagay kayo, pero huwag ka mag alala,maluwag sa dibdib ko ang pagtanggap nito,dahil gusto ko,masaya ang taong mahal ko,kasama ang mahal nya, pwede naman tayo maging magkaibigan diba?" mahabang litanya ni Kevin, nagpunas ng luha at lumingon sa kanya't nagbigay ng isang ngiti.
Natulala sya,pilit na ina-absorb lahat ng sinabi nito,alam naman nya sa sarili na mahal nya ito ngunit dahil nga ito na ang pumutol sa kanilang relasyon,pinakiramdaman nya ang damdamin,mahirap man paniwalaan ngunit para syang nakahinga ng maluwag.
"g-ganun mo ako kamahal Bok?" tanong niya dito. Ngumiti ito sa kanya at sumagot.
"oo Bok,I can love you selflessly at handa ako magparaya para maging maligaya ka,huwag ka mag alala,hindi mawawala pagmamahal ko sayo,pero hindi naman ito magiging hadlang sa pagmamahalan niyo ni Ikhai"
"Minahal din kita Bok,ayoko sana umabot sa ganito pero tama ka. Pasensya na talaga" aniya.
"ayos lang,I guess I have to start a new, sa normal at dapat,andyan ka naman at ang tropa para sumoporta sa akin diba?" sagot pa nito.
"Oo naman!" aniya at niyakap ito "salamat Bok,salamat" dugtong pa niya.
"ang sweet" sabi ng isang nanunuksong boses.
Napalingon silang dalawa ni Kevin at nagulat dito.
Itutuloy . . .
BINABASA MO ANG
Just Believe [completed]
HumorThis is my 2nd story na gawa ko na ibinulgar q sa net, pero ito ang 1st time ko magpost ng story dito sa wattpad, m2m love and friendship story po ito, sana magustuhan nyo :)