Just Believe: chapter11

5.1K 130 0
                                    

--

Si Pipay ang unang nagpaikot ng bote, talagang sobrang hindi sya mapakali. Tumigil at tumapat ang bote Ira, dare ang pinili nito.

"sige,ipakita mo samin ang lambot ng katawan mo,ung pinaka nakakabilib mong acrobat!" utos ni Pipay, ngumiti at tumayo si Ira. Confident ito sa gagawin,syempre ikaw ba naman maging dancer at leader ng Pep Squad ng kanilang campus,ewan lang kung hindi lumambot ang katawan mo.

Laking gulat ng tropa ng mag bending si Ira at mag back walk. Palakpakan sila sa sobrang paghanga,maski sya ay bumilib pa din sa kaibigan.

"you should learn how to control your emotions,madali ka mahahalata" bulong sa kaniya ng isang boses. Ng lingunin niya ito,si Jian, binigyan lamang nya ito ng nagtatakang tingin.

Muling pinaikot ang bote,this time,si Ira na ang nagpaikot,kitang kita sa mga mata ng mga barkada nya ang excitement,tumigil at tumapat ang bote kay Kevin,kita nya kung pano gumuhit ang ngiti sa labi ng mga barkada nyang lalaki.

Dare ang pinili ni Kevin.

"matapang ah? Sige,ito ang dare mo,halikan mo sa labi ang pinakamahalagang tao sayo dito sa tropa for 5seconds!" utos ni Ira dito.

Nakaramdam sya ng ibayong kaba,sino ba namang hindi? Alam nya sa sarili nyang sya ang taong iyon,nilibot nya ang tingin sa lahat. Laking pagtataka ng mga kababaihan at ni Pipay ng tumayo si Kevin at lumapit sa kanya.

Naramdaman na lang nyang lumapat ang mga labi nito sa labi nya.

Rinig nyang nagbilang na ang tropa.

Ibayong pagkahiya,gulat at pananabik ang naramdaman nya,naging mapangahas ang halik ni Kevin at hindi nya namalayang tinutugon na nya ito.

"1,2,3,4,5,6.....15" bilang ng tropa.

"wait!" si Ikhai na ang pumigil dahilan para makabalik sya sa riyalidad,agad naman bumitiw sa paghalik si Kevin at bumalik sa dati nitong pwesto na binigyan ng barkada ng nagtataka at nagtatanong na tingin.

"what was that for?" asik ni Ikhai na kay Kevin din nakatingin.

"ginawa ko lang ang dare" simpleng sagot ni Kevin na sinamahan pa ng pagkibit balikat.

"I know! Pero bakit ganun?" angal pa din ni Ikhai,gusto nya sanang sumabat pero wala syang boses na mailabas,hanggang ngayon ay nabigla pa din sya. The kiss was damn hot at kakaiba,pinagkanulo sya ng sarili nyang damdamin.

"Oh c'mon Ikhai! Its just a game,huwag ka masyadong Over Acting" si Angel ang nagsalita.

"Si Arvin ang mahalaga sa kanya kaya Arvin nya ginawa ang dare,ituloy na yan para mas sumaya" dugtong pa ni Jiian.

"Tumpak! Kahit na nakakagulat,it was so hot! Sana ako din halikan ng ganun ni Papa Kevin!" segunda ni Pipay na pinukol ni Ikhai ng masamang tingin.

"oo nga girl" sabay na pag sang ayon nina Ira at Honey.

"sige" ani Ikhai at napa buntong hininga na lang. Ngayon sa nangyari,hindi na nya alam ang dapat pang maramdaman at maging reaksyon,kanina lamang ay nakapag usap na sila ni Kevin ng maayos,pero ngayon parang nag iba na takbo ng puso nya,kung kanina lamang ay pumayag na sya na magtapos na ang relasyon nila,ngayon parang nag aasam na sya na sana pala ay hindi sya pumayag.

Natapos naman ng masaya ang kanilang laro,ipinagpatuloy na nila ang inuman,pero sya nagpaalam na magpapahangin sa tabing dagat,medyo nakaramdam na din kasi sya ng pagkahilo gawa ng madami syang nainum,dun nya naibuhos ang pagkalito.

Mataman nyang tinitingnan ang malaki at bilog na buwan na nagsisilbing liwanag sa gabing iyon.

"Full moon,romantic,pero hindi ko madama" bulong nya kasunod ng pagbuntong hininga.

"Handa ka na ba magkwento?" ani ng isang boses.

Nilingan nya kung sino,si Jiian pala ang nagsalita,kasama nito sina Dex,Brian at Bryle.

"Si kevin?" tanong nya.

"inaantok na daw kaya nauna ng matulog" si Bryle na ang sumagot.

Nilingon nya ang terrace,nandun pa din ang babae at si Pipay.

Napaisip sya,dapat na ba nya sabihin sa mga ito ang naging relasyon nila ni Kevin.

Umupo ang mga ito sa buhangin,may mga bitbit ding tig iisang bote ng RH.

"alam mo bro,wala naman problema samin kung sa lalaki ka magmamahal,tanggap namen yun,tingnan mo parents nina Jiian at Angel,tanggap at sinuportahan pa ng mga kaibigan nila,ganun din kami sa inyo" panimula ni Bryle.

Napayuko sya sa hiya at guilt,kung sana pala nagtiwala sya sa mga ito,may napag sasabihan sana sya ng mga hinaing nya. Nahiya sya sa mga ito,all the while pala ay alam na ng mga ito pero pinilit padin nila itong isekreto.

"anong plano mo? Anong gagawin mo?" si Jiian naman ang nagsalita.

Itutuloy . . .

Just Believe [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon